4 - What Happened Last Summer (Part 1).

146 17 0
                                    


*Flashback*
CAT training last Summer.

Excited na ako sa mangyayari bukas! Magkakaroon kasi kami ng Training outside school. Para siyang recreational activity outside school premises training para sa aming mga officers. Parang medyo fieldtrip sa panahon ng bakasyon. Haha.

Bukas na rin namin malalaman kung ano yung magiging rank namin sa CAT kaya naeexcite ako. Goal ko talaga actually ang maging Corps Commander, parang ang astig lang kasi makita na babae yung maglelead ng buong officer pero prinomise ko sa sarili ko na magiging happy ako and gagawin ko best ko whatever rank ang makuha ko. (My mantra: What men do, women can do too. Pak Ganern.)

Bali two days yung magiging duration ng training namin, first day is team building activities tapos second day naman is yung CAT Commencement Rites. 6:30 am yung call time sa school namin kaya naman nagayos na ko ng mga dadalhing gamit at pagtapos ay maaga ring natulog kinagabihan para maaga akong magising kinaumagahan.

Gumising ako ng mga 4:00am tapos ginawa ko na yung mga usual routines na ginagawa ko kapag umaga bago pumasok. Halos 6:15am na nung matapos ako sa pagkilos at hindi pa ko nakakakain kaya naisipan kong magbaon nalang ng tinapay. Sa tricycle nalang ako kakain siguro.

Nagsulat nalang din ako ng note at nilagay yun sa pinto ng ref para hindi na magtaka yung mga kaibigan ko.

"CAT Training today, alis na me. Labyu mga besh! Sleepwell mwa. -ASL."

Oo nga pala. Magkakasama kaming apat na magtotropa sa iisang bahay. Nagsimula ito first year high school palang kami. Noon, may mga kasambahay pa nga kami sa bahay pero eventually sinabi nila mama na kailangan na rin naming matuto maging independent.

Bali tropa tropa na din kasi mga magulang namin. Highschool barkada rin sila and until now magkukumare sila so basically bata palang din kami, magkakasama na rin kaming apat. Yung parents namin yung nagbabayad ng mga kailangang bayarin and actually sila rin yung naghanap ng bahay na matitirhan namin na malapit sa school kasi medyo malayo yung mga bahay namin sa school. Ngayon isang tricycle ride na nasa 5 minutes interval nalang siguro yung distance since maaga pa so wala pa traffic.

Nakarating ako sa school ng saktong 6:30 am, pagdating ko ay nakita ko yung mga kaklase kong kasama ko magiging officer kaya nilapitan ko sila at kinausap.

"Mga te! Tabi tabi tayo sa bus ha!"

"Go lang girl"
"Sige. Haha"
"Penge baon mo mamaya ha."

Mga sagot nila sa akin. Sa kabilang side naman ng waiting shed ay nandun yung mga tiga-kabilang section. Nandun din yung dalawang crush ko. Yung mga nasa basketball varsity, sila Lanz at Johan. Kausap nila yung mga kaibigan nila.

Inaantay nalang naming lahat si Sir Delos Reyes kaya umayos na kami ng tayo nung dumating na siya.

"Officers, Good Morning. Bali ganito, isang bus yung nirender ng school sa atin para sa training na ito, so we have to be properly coordinated. For the day ay magkakaroon kayo ng buddy system, so when you hear your names hintayin ang kabuddy niyo and sit kung saan kayo nakaassign. Understood."

"Sir, yes sir." Sabay sabay naming pagsagot sa kanya.

Isa-isa ng nagbanggit ng pangalan si sir kaya isa-isa na ring nagtayuan yung mga nandito, habang ako naghihintay pa kung sino ang kabuddy ko. Sana kaclose ko para keri sa mga activities mamaya.

"Ngiti & Ligaya.
Kayo ang magkabuddy. 3rd to the last seat, right side." Sabi ni sir pagtapos ay nagpatuloy na sa siya.

Teka lang? Tama ba narinig ko? Kabuddy ko yung crush ko? Si Johan!!! OMG. Kinilig ako ng slight pero pinigilan ko yun, mahirap na 'no.

Love Like We Used To. ♡ (SUPER SLOW UPDATES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon