Mabilis na lumipas yung oras sa buong maghapon. Akalain mo nga naman eh Hapon na. Patapos na yung klase namin. 7:30am - 3:30pm kase yung class duration namin everyday tapos after noon, dismissal na during normal days or club day o kaya naman CAT day tulad ngayon.
7:30am - 8:00am Advisory Announcement / Attendance
8:00am - 9:00am Physics
9:00am -10:00am Filipino
10:00am - 10:15am Recess
10:15am -11:15am Math
11:15am -12:15pm English
12:15pm -1:00pm Lunch
1:00pm - 2:00pm Economics / Computer
2:00pm - 3:00pm MAPEH / TLE
3:00pm - 3:30pm Christian Living
3:30pm - 5:30pm Club Day / CATButi nalang medyo chill yung mga last subjects namin kaya hindi nakakangarag kumilos if ever may mga activities after school.
"Thank you and Goodbye Sir Yrving." Bati namin kay sir. Pagkatapos noon ay lumabas na siya ng room. Siya rin kasi yung teacher namin sa Christian Living. Advisory Teacher na raw kasi yung dapat maghahandle nung class na yun.
Sabay-sabay kaming bumaba magkakaibigan para maglocker tapos sabay-sabay na rin kaming bumaba, sila para umuwi at ako naman para umattend sa CAT training namin.
"Besh, ingat kayo pauwi! Kayo muna magluto today ha. Parequest ng adobo pls. Pakisarapan! Hahahaha mwa!" Sabi ko sa kanila.
"Ikaw yung mag-ingat. Kami sabay-sabay sa tricycle. Ikaw di mo sure if sino kasabay mo. Unless magspecial ka" Sabi ni Melanie.
"Mama mo Adobo. Leche to, daming request. Penge pera pambili baboy. Paubos na stock natin sa bahay eh." Sabat ni Fretzie.
Tinarayan ko siya sabay ay nagpaabot ng pera kay Wendy. Tapos ay pabirong nagparinig sa kanila.
"Sumbong kita kay mama, Adobo pala siya ha! Hahaha, Besh Wendy! Sa'yo ko bibigay ayung pera. Kayo na ni Melanie bahala ha. Alam kong di kayo scam eh! Bye!" Sabi ko sa kanila pagtapos ay tumakbo na papunta sa court. Narinig kong nagtawanan yung tatlo nung tumatakbo na ako.
Doon kasi kami nagfoform. So far naman wala pa si Sir Delos Reyes, yung CAT Commandant namin tsaka si Yohan kaya naghanap muna ako ng pwedeng chikahin.
Pagdating ko sa court ay nagsalute yung iba sa akin bilang ako yung pinakamataas na rank na nandoon. Sumenyas ako na ibaba na nila yung mga salute nila para makapagchikahan na kami.
Naghanap ako ng pwedeng chikahin kaso mukhang busy silang lahat kaya nagpatugtog nalang muna ako sa cellphone ko.
Maya-maya lang ay dumating si Lanz kaya napaayos kaming lahat para magsalute. Tinignan niya muna lahat pagtapos ay nagsabi ng Carry-on kaya umayos na ako pagkatapos. Nakita niya ako kaagad pagkatapos noon kaya naman tumabi siya sa akin.
Feeling ko tuloy ang ganda ko.
Marami siyang kaklaseng nandito. Mas marami kasing officer sa section nila kaysa sa section namin. Pero ako yung napili niyang tabihan.
"Kamusta naman araw natin, Adjutant Ligaya?" Sabi niya habang nakangiti.
"Formal naman masyado ng Adjutant Ligaya. Uy, ako lang 'to oh Haha." Sagot ko.
"Ano ba gusto mong itawag ko sa'yo? Eh magfoform tayo kaya dapat Adjutant Ligaya tawag ko sa'yo."
Baby itawag mo sa akin. Di ako aangal.
Pero siyempre, nasa isip ko lang yan. Di pa ganun kakapal mukha ko para sabihin sa kanya yan.
Kinalma ko muna sarili ko, bago ko siya pabirong sinagot. "Ikaw, kung ano gusto mong itawag. Okay lang, tsaka yung araw ko, Ayos naman! Maganda pa rin ako. Haha char."
"Ay wow! Grabe naman yon! Parang nauhaw ako bigla. Haha Tara bili nalang tayo tubig sa canteen, libre kita." Natatawang sagot ni Lanz sa akin.
Nag-aalala ako pero naexcite ako nung makarinig ako ng libre. "Huy, baka malate tayo, mahirap na noh!"
BINABASA MO ANG
Love Like We Used To. ♡ (SUPER SLOW UPDATES)
Teen FictionHe was a normal teenage boy. Makulit pero may taglay ring bait. Maginoo pero medyo pilyo. She was every guy's dream; well at least for her peers. Maganda & Humble pa. Talented & Brainy pa. Matalino na Kalog pa. And then there's another guy. He was s...