"Just so you know, I sang that song for you, Azalea."
"Just so you know, I sang that song for you, Azalea."
"Just so you know, I sang that song for you, Azalea."Paulit-ulit na nagpeplay sa utak ko yung sinabi sa akin ni Lanz. Hindi pa rin nagsisink-in sa akin yung message na gusto niyang iparating. I still super feel awkward, hindi ko alam kung ano ang pwede kong sabihin sa kanya. I was speechless and maaaaan, I really don't know kung bakit.
"Gago, anong para sa akin? Si Ella jowa mo oy!" Yan yung unang nasabi ko sa kanya after a while.
Si Lanz? Ayun patawa tawa pa akong tinitignan.
"I like it more when you're clueless. Ang cute mo tignan lalo." Aniya pa."Ella's just a friend. 'Wag kang magselos dun. She's my ex. Past is past. Ikaw naman, hopefully you're my future." dagdag na explanation niya while grinning confidently nagwink pa.
Paano magconceal ng kilig mga beh?
Kinikilig ako na ewan. May halong confusion. Nambibigla naman kasi itong si Lanz. Nakakaloka! Andami pang tanong ang nasa isip ko pero kinikilig ako ng bongga!"Eh bakit ang sweet nyo daw sabi ni Louise. Parang muling ibalik ang tamis ng pag-ibig daw yung peg niyo." Tanong ko ulit sa kanya after a while.
"Selos ka ba? Don't be jealous, sa'yo lang ako. Hopefully, kidding. Haha may sakit kasi siya kaya ako yung nagmagandang loob na ihatid siya. Sabi niya gusto niya magaudition sa glee kaya ayun. Sakto nakita kita, yung crush ko pala yung magjajudge kaya naisipan ko rin magaudition."
"Panget ng trip mo, Lanz. Tigil mo na 'yan." Pagpigil ko sa kanya. Ewan ko kung power trip 'tong isang to pero shuta kinikilig talaga ako.
Tinignan niya muna ako nang maigi bago niya ko sinagot. "Sorry Adjutant Ligaya, my admiration for you won't change na eh. I have a crush on you na eh."
Hindi ko alam kung ano pa ang pwedeng isagot dun sa sinabi niya. Pinandilatan ko nalang siya ng mata pero deep inside gusto ko nang magwala!
Natigil lang yung usapan namin nung nasigawan na kami nung mga kaibigan ko from a distance.
"Mga beh! Galaw galaw, uso maglakad. Ano, diyan na lang kayo forever?!!!" Sigaw ng karamihan sa kanila sa amin.
Saka lang namin napansin na medyo malayo na pala sila sa amin. Oo nga pala magjaJollibee pala kaming magkakaibigan ngayon. Muntik ko nang makalimutan.
"Utang na loob mamaya na kayo ulit maglandian, sunod na dito. Gutom na ako!" Gatong na sigaw sa amin ni Fretzie.
Kanina lang halos magkakasabay kami maglakad kaso hinila ako ni Lanz tapos ngayon ang layo na nila sa amin.
Sumigaw nalang ako kanila Fretzie na mauna na sa Jollibee dahil mukhang gutom na gutom na talaga yung besh ko, kawawa naman.
Maya-maya lang ay niyaya na ako ni Lanz tumakbo para sumunod sa mga nauunang kaibigan ko. Nagprisinta siyang buhatin yung gamit ko pero keri ko pa naman kaya ngumiti nalang siya at inalok na hawakan yung kamay ko.
Tinignan ko muna siya saka ko siya tinanong, "Sasama ka ba? Kakain kaming magkakaibigan sa Jollibee."
Nanliit lalo yung singkit niyang mga mata pagtapos ay preskong sumagot, "Are you asking me out on a date? Kakaconfess ko palang sa'yo na crush kita ah. Haha joke. Of course, any time with you is a good time. Tara na!" Excited niyang sagot saka ay dali-daling tumakbo.
I just fake rolled my eyes at him. Kunwari galit ako dahil sa sinabi niya. Tsaka bakit ko naman siya yayayain makipagdate.
Siya nga dapat mag-aya sakin ng date kasi siya itong umamin. Char.
BINABASA MO ANG
Love Like We Used To. ♡ (SUPER SLOW UPDATES)
Novela JuvenilHe was a normal teenage boy. Makulit pero may taglay ring bait. Maginoo pero medyo pilyo. She was every guy's dream; well at least for her peers. Maganda & Humble pa. Talented & Brainy pa. Matalino na Kalog pa. And then there's another guy. He was s...