6 - Search For His Muse.

102 16 0
                                    

Makalipas yung status parinigan namin ni Johan ay nakatulog na rin ako sa wakas. Kinabukasan, sabay-sabay kaming magkakaibigan na nag-ayos at pumasok sa school. Pagdating sa gate ay nakasalubong namin kaagad sila Johan at Louise. Sila yata yung nakatoka magbantay sa gate today.

"Good Morning mga te!" Masiglang bati ni Louise sa amin.

Sumagot din kami ng morning greetings sa kanya. Si Johan naman pangisi-ngisi sa amin. Nagpaparinig pa ang kupal.

"Good Morning Fretzie, diba sabi mo may crush saken tropa mo? Sino dyan?" Asar niya.

Galing mang-asar ng kupal. Parang medyo nagsisisi ako na naging crush ko 'to.

Si Wendy, Melanie at Fretzie natatawa lang habang ako pikon na pikon na. Pero kalmado ko parin siyang pinaringgan.

"Alam mo Louise, umagang-umaga pa lang ha, kaya pls lang wag mo muna sirain. Kung ako sa'yo gagawin ko nalang yung responsibility mo today na magbantay, ang hirap na sasaway ka ng mga siraulo eh isa ka rin namang siraulo eh. Sige na bye sis!" Pasaring ko kay Louise kahit para naman talaga kay Johan iyon.

Si Johan nagawa pang sumagot, "Luh, kailan ka pa naging si Fretzie? Defensive ka naman masyado tsk."

"Pero lapit ka muna dito check ko kung complete uniform mo, hirap na baka wala kang ID. Mahirap kang maidentify. Makikilala ka lang nila bilang may crush sa akin." Dagdag pa na pang-aasar niya.

Lumapit nalang ako sa kanya para matapos na yung usapan. Pagtapos ng pang-aasar niya ay sabay-sabay na kaming naglocker magkakaibigan at sabay-sabay naring pumasok.

Ang galing niyang mambwisit sa umaga. Napakahusay. Iniisip ko tuloy kung paano siya bubwisitin mamaya.
Aba, hindi pwedeng ako lang ang mababadtrip niya. Dapat siya rin, magantihan ko.

Hindi kalaunan ay tumunog na ang bell hudyat na magsisimula na ang aming klase. Umayos na kaming lahat ng upo. Si Johan ayun kararating pa lang, kainis naman, sana nalate siya ng kaunti, para sana nakaisip pa ko ng paraan kung paano siya bwisitin pabalik.

Pumasok na si Sir Yrving sa classroom. Nagcheck na siya ng attendance at nagpaalala tungkol sa mga bagay-bagay about sa aming klase.

"Oo nga pala class, I just want to remind you all about dun sa election of class officers natin. Alam kong ilang araw na nadelay yung pageelect of officers but later this afternoon, bago yung club days ninyo, we will finally elect officers." Sabi ni Sir Yrving.

Ginanahan ako nung marinig ko yun. Gusto kong tumakbo bilang class officer kasi dagdag yun sa extra curricular if ever. Pachill- chill lang ako pero hello running for honor ako.

Hindi lang naman ako, lahat kaming magkakaibigan actually. Super chill lang namin pero we excell. Sabi nga ni Melanie, "Hindi dapat maging super grade conscious, you can still have fun while pushing yourself to do better." Si Melanie kasi yung Top 1 ng buong 3rd year last year, ako naman kahit papaano eh naging Top 5, Si Wendy Top 9, si Fretzie naman Top 14. Si Xander Top 17 at si Zach Top 20. Proud ako sa aming magkakaibigan kasi lahat kami achievers in our own ways.

Pero this year ang goal ko, mapaangat pa yung rank ko from last year, kasi feeling ko, mas marami kasing incentives kapag mageenroll sa college kapag loaded yung high school track record.

"I'll give you time to decide kung sino sa tingin niyo yung karapat-dapat maglead sa buong klase niyo for the whole school year. Mag-aallot na lang ako ng time after your Christian Living para makapag-elect tayo." Sabi ni Sir Yrvin.

"And one more thing, yung set of officers na pipiliin niyo yung may chance to lead the whole  student council this school year. Ang alam ko, sa seniors magmumula yung president ng student council so I expect na good role model and leader yung ihahalal niyong president later. That's all for today, see you later." Dagdag pa niya pagtapos ay lumabas na ng classroom namin.

Love Like We Used To. ♡ (SUPER SLOW UPDATES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon