1 - The One With The Introductions.

312 28 4
                                    

(ASL's POV)

"Good Morning IV- Candor." Bati sa amin ni Sir Yrving.

IV- Candor.

Yan yung section name namin. Actually since first year puro mga traits na yung pangalan ng sections, siguro para shala pakinggan.

Sacred Heart of Mary Montessori School.

Di ba, yayamanin pakinggan school. Combination ng Christian School at Montessori Learning Center.

Puro balahura naman estudyante. Charot, slight lang.

"Welcome to your senior year dito sa SHMMS. I hope we all have fun sa darating na school year. And syempre bilang ako yung nakatayo dito sa harap niyo, malamang sa malamang eh, ako ang magiging adviser niyo." Dagdag pa ni Sir.

"As you can see kanina sa teachers' table, may seat plan akong inarrange para masaya. Isa pa, although kilala ko naman kayong lahat, mas mabuti pa rin if we all introduce ourselves sa isa't-isa. Alam kong yung iba sa inyo sawa na sa ganito pero wala kayong magagawa. Ako teacher niyo eh. So alam niyo na. Introduce yourselves tapos tell something about yourself. Dream program na kunin pagdating ng college and konting sample ng talent. Start na sa'yo." Dagdag ni sir pagtapos ay nagturo na ng kaklase ko sa harap.

Badtrip na seat plan yan, magkakalayo kaming barkada ng upuan. Si Fretzie nasa 2nd row leftmost corner si Wendy naman 2nd row rin pero nasa right. Si Melanie, ayun pinwesto ni sir sa third row pinakagitna habang ako andito sa last row right most katapat ng window. Bali ako yung pinakalast since ako nga nasa pinakadulo. Medyo nabobore na ko, 'di ko naman masyado bet pakinggan mga kaklase ko, sawang-sawa na ko sa kanila. First year palang kami-kami na magkakasama. Iilan lang yung nadadagdag o nababawas sa amin. Nagspace-out na ko when Fretzie called me while introducing herself sa harap.

"Sir, pwede sama-sama na kaming 6 kumanta? Bata mo naman kami sa glee sir, sabay-sabay na kami kakanta para iisang buga ng laway at hangin nalang para sa aming lahat hehe." Sabi ni Fretzie.

"Papayag na yan!!!!" Sabat ni Wendy.

"Sige pero last na kayo. Pakilala muna yung iba." Sabi ni sir.

Nagpatuloy lang sila sa pagpapakilala nila habang ako yumuko nalang muna. Sobrang bored na ko kaya feeling ko Nakaidlip na ko.

Medyo malapit na ko sa pahimbing na tulog hanggang sa may kumalabit sa tabi ko.

"Uy gising na, Tapos na 'ko. Ikaw na yung susunod na magpapakilala, tawag ka na ni Ser." Kalabit nung katabi ko.

Papasalamat na sana ako kaso paglingon ko sa kanya bigla akong nahiya. Si Johan!

OMG! Katabi ko pala ex-crush ko!
Di ko napansin yun ah.

(Charot sa ex-crush mga 98% crush ko parin siya.)

"Sige salamat sa panggigising mo. Oo, medyo nakatulog ako hehe sorry." Sagot ko.

Di naman na pala siya nakatingin sakin nag-effort pa ko magpasalamat.

Yung mga kupal kong kaibigan, tinitignan ako na parang natatawa sa nangyari. Badtrip akong tumayo at mabilis na naglakad sa harap para magpakilala.

"Hello Philippines & Hello World! Charot lang, di ako yung PBB Host, eto na, I am Azalea Stella Ligaya." Pag-intro ko sa sarili ko.

"Pwede niyo kong tawagin sa kung anong gusto niyo itawag. Azalea, Stella or kung ano maisip niyo. Go lang. Tapos ano pa ba, mahilig ako kumanta, sumayaw din kahit 'di sobrang galing pero keri na. Hobby ko rin magbasa, kapag sinipag (pero hindi related sa school na books hehehehe). And honestly, hindi ko pa alam yung gusto kong itake sa college pero I guess I still have time to figure it out. Yun lang naman siguro no. Okay na ba yon Sir?" Sabi ko habang nakatingin kay sir.

"Oks na yon. Talent niyo nalang 6 na magtotropa. Dami niyong gustong patunayan sa klase ko eh." Pabirong sagot ni Sir.

Dahil nga sa pagpayag niya eh isa-isa ng tumayo yung iba ko pang kaibigan at tinabihan ako sa harap.

6 kaming kumakanta. 6 din kaming magtotropa. 4 na babae, 2 lalaki.

Ako. Si Azalea Stella Ligaya
Si Fretzie Denice Santos -- bestfriend ko since Kinder.
Si Wendy Marie Sarima -- Maarte pero super love kong frenny.
Si Melanie Joyce Sevilla -- Sobrang studious and galing sa acads kahit na chill lang.
Si Zach Levi Nicholas -- super palabiro kong kaibigan. Pero wag ka, songerist din yan. Parang kaboses niya yung nasa Boyce Avenue.
And si Alexander "Xander" Pascua -- super tahimik pero chick magnet kong bestfriend.

We started singing yung kanta ni Katy Perry na sikat ngayon. Roar.
.
.
.
.
.
.

Feel na feel namin kumanta, na parang super performance level pa, mula umpisa yung pagkanta hanggang sa natapos kami bigay todo na para kaming nagpeperform sa glee events namin.

Tapos nagpalakpakan na yung mga kaklase ko.
Yung mga gaga kong kaibigan naman ayun proud na proud sa sarili.

"Thankyou for supporting us in our concert mwa!" Hirit pa ni Fretzie.

"Fretzie, mali ka ako chinecheer nila kase ako pinakagwapo sa'ting anim." Sabat ni Xander.

"Tol, 6? Eh dalawa lang tayong lalaki dito sa 6." Sabat ni Zach.

Hinayaan ko na sila magtalo sa harap tapos bumalik na ko s upuan ko. Sumunod narin naman sila at umupo.

"Thankyou sa pagperform niyo and parang naging instant plug na yon para sa glee club. Ayun nga, glee will hold its auditions soon, so sa mga nagbabalak sumali, you can ask them. Anyways, salamat sa inyong lahat and I look forward in making memories together with you IV- Candor. Bali bukas, election of officers na tayo kasi sa Thursday C.A.T. nyo & Friday ay club day. Yun lang. See you tomorrow. And maging mabait sa iba niyo pang teachers." Sir Yrving said that then went out of the class.

Wala na ulit ginagawa. Inaantay namin yung next teacher. Physics class. And dahil wala pang teacher balak ko sanang tumabi kay Fretzie kaso kinalabit ulit ako ng katabi ko.

"Galing mo kumanta." Mahinang sabi ni Johan.

"Salamat. Maliit na bagay. Small thi--." Sagot ko sana sa kanya kaso ayun di nanaman na pala siya sa akin nakatingin.

Ewan ko ba kung kikiligin ako o magtatampo o ano. Kakausapin ako tapos kapag sinagot ko papatay malisya.
Pero sige aamin ako, kinilig ako ng kaunti kasi napuri niya ko.

Kaso iniisip ko, Paano tayo uusad nyan crush? Charot.

--
A/N: Inspired by Glee circa 2013.
🖤

Love Like We Used To. ♡ (SUPER SLOW UPDATES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon