12 - Call It The "Johan Charm".

103 10 7
                                    

Iniisip ko pa rin kung paano ko mapakikisamahan si Johan nang hindi ako nabubwisit sa kanya. Isipin mo mula sa pagiging almost partner sa CAT (bilang kami yung may mga pinakamtataas na rank), pagiging magkatabi sa classroom, tapos elected muse and escort ng section namin (naaasar pa rin ako kasi bumalik sa akin yung paghihiganti ko) tapos ngayon naman, partners din kami sa Investigatory Project.

Halos wala na akong kawala sa kanya. Siguro noon nung super crush ko pa siya, kikiligin ako. Ngayon slight nalang, or promise dahil sa buwisit nalang siguro kaya ako kinikilig. Ay mali, namumula lang pala ako sa inis at hindi ako nagbblush dahil sa kilig. Swear.

Actually tolerable naman siyang kasama, bawasan lang yung pang-aasar. Kaso yung kupal, kasama yata sa daily activity niya eh yung asarin ako.

Katulad ngayon. Busy akong makinig sa teacher namin sa Math. Nagdidiscuss siya ng basics about statistics. Favorite subject ko ang math. Best in Algebra kaya ako noong first year. Actually, Kami ni Melanie yung panlaban palagi sa math quiz bee. Tapos sakto favorite teacher ko rin si Maam Mae. Strict si maam pero nakakabiruan naman namin.

Pagtapos ng discussion kay Maam Mae ay nag-utos siyang umayos kami dahil magkakaroon ng after discussion assessment. Kasabay noon ay umupo na siya sa teachers table sa harap para magbantay. Basically parang quiz siya para malaman niya if may natutunan ba kami talaga sa discussion niya ngayon.

Umayos na ako ng upo pero etong katabi ko kalabit nang kalabit. Hindi ko na nga siya pinapansin kasi focus ako sa magaganap na quiz. Pero si Johan aba, hindi pa rin nagpapatinag, humahanap ng paraan para mambwisit.

Lumipas ang ilang minuto at pansin ko na parang kanina pa magsisimulang magsagot yung mga kaklase ko, nakayuko at mga focus sa pagsosolve or pagsasagot habang ako dito wala lang. Paglingon ko sa katabi kong si Johan ay nakahalumbaba siya sa akin habang nakangiting nakatunganga.

Maya-maya lang ay nagsalita siya, "Ano papansinin mo na ba ako? Hawak ko papel na sasagutan oh, 'di mo naman ako pinapansin kaya paano ko ibibigay sa'yo hehe."

Sinagot ko siya ng medyo malakas, "Ay leche ka. Nasayo lang pala yung sasagutan hindi mo man lang inabot sa akin. Ano? Magtitinginan na lang ba tayo, Johan. Akin na"

Medyo napalakas yata yung sagot ko kasi sinita na kami ni maam at pinatahimik. Akala ko titigil na si Johan sa pang-aasar at ibibigay na yung papel kaso hindi pa rin pala siya nagpatinag.

"Bakit muna hindi mo ko pinapansin? Naiilang ka pa rin sa akin no? Crush mo pa rin ako no?" Nangungulit na tanong niya pa.

"Kapal mo naman sir. Paulit-ulit arguments mo. Kaya sige para sa ikasasaya mo, oo na crush kita. Amin na papel ko dali." Sagot ko sa kanya pero grabe na yung asar ko.

Nagpatuloy lang yung sagutan namin lalo. Natigil lang yung arguments namin nung kalabitin kami ni Maam Mae at nagsalita,
"Aren't you aware na kanina pa nakatingin yung buong klase sa inyo? If ayaw niyo magsagot, you both can go out. Nakakaabala kayo sa mga kaklase niyo. Go out now!" Galit na utos niya sa amin.

Hiyang-hiya akong tumayo at lumabas ng classroom. Buong klase ay nakatingin sa amin ni Johan palabas.

Naiiyak ako. Grabe sa buong 4 years ko dito sa SHMMS eh never pa ko naguidance or napalabas ng classroom. First time lang ito. Epal kasi itong si Johan eh.
"Alam mo epal ka talaga eh. Magququiz dapat ako eh. Kakausapin ko si maam after neto, mageexplain ako tapos susumbong kitang epal ka. First time mangyari sa akin ito. Baka magkarecord pa ko sa guidance dahil sa'yo. Ugh bwisit" Angal ko sa kanya.

"Ayaw mo noon, there's a first time for everything, Miss." Preskong sagot niya sa akin. Parang wala lang kay Johan na mapalabas kami ng classroom.

"Halika punta tayo sa canteen. Libre nalang kita pampakalma sa'yo. Haha cute ka pag galit eh. Tanggalin natin galit mo." Dagdag na yaya pa ni Johan sa akin.

Love Like We Used To. ♡ (SUPER SLOW UPDATES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon