KC's POV
"kakain ka o hahalikan kita?"
Ohh well, "pwede both?" yun ang gusto ko sanang sabihin pero syempre joke lang yun. Nahihiya naman ako.
Palapit na ng palapit yung face niya sa angelic face ko then bigla ko siyang.
*bogsh*
Tinulak ko siya (sorry I don't know if ano yung sound effect ng tulak eh.)
"Strike one" sabi ko sa kanya.
"pakipot ka pa, Don't worry matitikman ko ULIT yan." sabay pout.
"bastos. manyak. pervert."
"Hahaha. Bilis." ano ba yung pinagmamadali ng lokong-loko to? Haaaay.
"Kung nagmamadali ka edi mauna ka na. Sino ba may sabi sayong sunduin mo ako?"
Nilapitan niya ulit yung mukha niya sa mukha ko. Sobrang lapit na . As in. Parang matutunaw na talaga ako. Ang gwapo pala talaga niya . Hindi ko rin siya masisisi kung bakit andaming nagkakarandapa at nagkakagusto sa kanya kaso
"Sino ba may sabi sayong sinusundo kita?"
Naku. Bastos talaga. Ang Assuming ko naman. Nakakahiya. Baka sabihin niya na feel na feel ko na yung pagiging girlfriend ko sa kanya. But wait... Girlfriend? Girlfriend ba talaga niya ako eh parang It's complicated naman yung status ko eh. Haaay!
"Oyy. Tulala ka. Nakanganga ka pa oh. Nakakahiya ka!" Bwiset talaga eh. Sinisira yung moment ko.
"pwede ba umalis ka na?"
"sus. If I know, pinapantasyahan mo ako ng gising eh noh? Ano? Baka minamanyak mo na ako sa panaginip mo diyan ha?" Assuming ka rin eh. Hindi kita minamanyak. Medyo lang.
"ulol. Kakain pa ako. Wag ka nga disturbo! Chu. Alis."
Haaay salamat. Umalis na rin siya sa harapan ko. Makaka-concentrate na ako sa pagkain. Sa wakas tapos na akong kumain. Nagtoothbrush na rin ako pero naramdaman ko nalang na may yumayakap na sa akin patalikod. Alam ko na siya iyon. Sa amoy pa lang niyang mabaho. HAHA. Joke sa bangong amoy pa lang niya.
"uyy, nagtoothbrush pa pa pa nga ako. wait." Pabulol bulol kong sabi.
"kagabi lang kita nakasama pero namimiss na agad kita."
Agad kong pinunasan yung mouth ko.
"Wag ka ngang OA." sabi ko sa kanya. Parang OA na kasi eh. Haha
"ehh namimiss ko yung baby ko eh."
Kinilig ako. OO. Inaamin ko pero medyo lang. Parang tumatalon talon yung heart ko.
"ehhh. Umayos ka na nga. Punta pa tayo ng school." sabi ko sa kanya sabay alis ng mga kamay niya sa waist ko.
"five seconds lang." sabi naman niya. Ang sweet voice niya. Nakaka-inlove.
"5,4,3,2,1" mabilis kong pagbibilang. Nahihiya kasi ako sa position namin. HAHA. Baka di ko mapigilan ang sarili ko.
"ang bilis naman nun baby." Ang sweet talaga sabay pout pa ng lips niya. Ang sarap lang halikan.
"hoy. Wag mo akong minamanyak. Tara na." bwiset talaga eh. panira ng imagination.
Palabas na kami ng gate ng bahay tapos itinapon niya sa akin yung helmet ng motor niya.
"hoy. Ayaw kong umangkas sa motor. Ayaw ko pang mamatay."
"naka-angkas ka na nga eh. Sige na. Angkas na. Mas makakapuntos ka pa sakin neto."
"assumero. Akala mo pinagnanasaan kita."
"bakit hindi ba?"
"hindi." sagot ko. Medyo lang! Hahaha.
Well, wala na akong magawa kung hindi ang umangkas sa motor niya at yumakap ako ng mahigpit sa waist niya. I can feel his abs. Wow.! Haha. After ilang minutes nakarating na rin kami sa school ko.
"wow. Si Ms. Katarina, umaangkas din pala sa motor." sabi ni Girl1
"I wanna try that too." Sagot naman ng friend niya.
"Me too. With lorenz Israel also." Aba. May balak pa siyang agawin si Lorenzo ko.
"hold me tight." sabi ni Lorenz. Hinawakan niya yung kamay ko. Parang double meaning yung pagkasabi niyang yun. Then, ginawa ko na rin. Marami pa rin ang mga chismosa sa daan. Akala nila, hindi sikat yung mga pinag-uusapan nila. Baka nakakalimutan nila na ako ang may-ari ng school na to.
"wow. Ang sweet talaga nila."
"kaya nga. Alam mo ba na nagdadate na talaga sila?"
"oh really?"
"yes. Officially na bang sila?"
"sana hindi pa para may chance pa ako." feeler din pala eh. Gusto ko siyang kaladkarin pero syempre, dahil sa maganda ako. Huwag na. Waste of time lang yan. Pero bakit ba nagagalit ako? Eh dba dapat sana ipamigay ko na to sa kanila si Israel? Umiba ata ang ihip ng hangin sa utak ko ah. Hay!
"I'm sorry girls but I'm hers." O________O
Hindi ko ma-imagine yung face ko nung sinabi yun ni Lorenzo. Kami na pala? Kailan pa? Kagabi pa o Ngayon lang? Ang sweet naman ng pagkasabi niya. Parang feeling ko ipinagtanggol niya ako sa mga chismosang froglet at siya yung knight in shining armor ko. Kinilig ako dun. Feeling ko nga naka-nganga ako. Haha. Kami na talaga? As in? Yung lovers na ba talaga kmai sa totoong buhay? Walang arte-arte? For real? Lorenzooooooooo!!!!!!!

BINABASA MO ANG
"i'm hers"
Fanfiction"Let me explain." "then explain." "eto yun, Hindi kita gusto. Hindi ikaw yung tipo ng babaeng pipiliin kong makasama habang buhay--" "Then why---" "wait. Let me explain first. Ano ba?" "okay. Take two."