HVM 2

1K 26 3
                                    

First day na first day ng klase. Pakikipag'chismisan na ang pinag'gagawa ng mga echoserang estudyante. Naka-focus sila sa pagchichismis kay Lorenz Israel.  Malapit na talaga akong mapuno. Sino ba yung lalaking yun? Haaay! Never that mind! Malapit na talaga akong dumating sa room. Nang hinarangan ako sa daan ni Xander. Si Xander lang naman yung super bwesit na lalaki sa buhay ko. isa sa mga rason kung bakit ayaw ko mag'boyfriend. bakit? Dahil isa sya sa walang kwentang lalaki sa buong mundo. Bakit? Wala lang. feel ko lang na wala siyang kwenta! 

"ang ganda mo naman Padilla" Xander

"I know right? Wala sa lahi namin ang panget . maliban nalang kung malalaman kong magkadugo pala tayo" pang-aasar ko sa kanya.

"ganyan mo ba talaga tratuhin ang mga manliligaw mo?"

"haha. Hey Xander! FYI, Baka nakakalimutan mong never kitang pinayagan manligaw sa akin. Ilang beses na ba kitang i-basted? once? twice? 20 times? 100 times? eto oh, piso. Humanap ka ng kausap mo" binigyan ko nga siya ng piso. At dumeretso na ako sa room.

"Ms. Padilla, why are you late?" echoserang froglet na teacher.

"Maam, kung kayo naman kaya ang dumugin ng students dahil sa kagandahan niyo sa tingin mo ba hindi kayo malalate?' asar kong sagot.

"Sige, umupo kna."

"Hindi. tatayo nalang ako dito! Sige try mong patayuin yung may-ari ng school buong oras tingnan lang natin kung may permanente ka pang trabaho dito. " 

Pagkasabi ko nun. Dumeretso na ako sa aking mahiwagang upuan. Dito ako umupo sa pinakalikod. Mas maganda kasi dito. bakit? Kasi di ko na kailangan lumingon sa likod. Tsaka malapit lang dito yung aircon at madali lang mangopya. HAHA. May katabi ako sa left side, hindi ko siya kilala at wala akong planong makilala siya. Sa right side? Wala akong katabi. Wala akong mapagkopyahan. 

"maam, I'm so-sorr-ry. Natagalan kasi ako sa paghanap ng room. Ang daming babae kasi ang huma- humahabol sa akin eh." Yabang naman ng gagong to! Halatang napagod sa kakatakbo ang bwesit. wait teka. Classmate kami? NO WAY! NEVER!  Aba. Destiny naman talaga oh. 

"okay lang Mr. Israel. umupo ka na dun sa tabi ni Ms. Padilla" Sabay turo sa akin ni maam. Siya naman parang nabigla. Dapat ka lang talagang mabigla. Ipapamukha ko sayo ang hagupit ni Katarina. HAHAHAHAH. 

"maam? wa-wala na ba ibang vaccant chair maliban dito?" natatakot talaga siguro ang baklang to.

"unfortunately, mr. Bla Bla--"

"Mr. Israel"  pagco-correct niya. bastos rin pala to eh.

"Unfortunately, Mr. Israel. Wala na talagang ibang vaccant chair eh. Kung ayaw mo umupo sa tabi ko, makakalabas ka na ng school ko. Pag-uulit ko ng school ko! Yan yung pinto oh (sabay turo sa pinto) makakalabas ka na! Mag-ingat ka. Tanga ka pa naman!" pang-aasar ko sa kanya at halatang-halata na naiinis siya sa sobrang pula ng mestiso niyang mukha.

"Kung alam ko lang sana" bulong niya sabay upo rin sa tabi ko.

"uupo rin pala. ang dami pang kaartehan. " sabi ko sabay smirk.

Nakakabadtrip na lalaki. Wait. Mr.Israel? So you mean, okay gets ko na. It means siya pala yung sinasabi nilang sikat na sikat at gwapong gwapo na hot na hot na guy. Weh? Nagbibiro lang siguro sila. Kay panget neto eh. Yung ugali pangit na rin. Haaaay girls kung alam niyo lang sana. Kung alam niyo lang kung gaano ka mukhang pera at kayabang yung lalaking to. Mabubusog talaga kayo sa kayabangan niya. 

"i'm hers"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon