Dito na ako sa bahay. Di pa rin ako nakaka'get over sa mga pangyayari na nagaganap sa buhay ko ngayon. Bakit ganun ang lalaking yun? Ibang-iba siya compare to tito carlos. Si tito, mabait yun, hindi mayabang, may respeto, hindi kagaya ng anak niya na bastos, antipatiko, feeler, at akala niya kung sino siyang gwapo. Nakakabadtrip lang talaga.
(fast forward: Kumain, Natulog, at anong kachorvahan na hindi naman importante)
Maaga pa akong nagising. 7:30 yung class namin. 5 am pa lang nagising na ako. Edi mas mabuti para mkapag-ayos ako at makapili ng magandang damit na isusuot ko. Anyway, sa school namin, Wala kasi kaming uniform. Ako nagsuggest nun kay daddy . why? Maganda ako eh! Anong connect? Yung ugat ko sa maganda kong mukha.
wow! 7 am na akong nakatapos mag-ayos. Naasar kasi ako sa damit na isusuot ko eh. Hindi ako nakokontento kaya palit ako ng palit! Nagbreakfast na ako at kinuha ang susi ng isa kong car. May gasgas kasi si pinkish kaya si yellowish car ulit yung gagamitin ko.
Pinaandar ko na yung kotse at pinaandar ko na rin yung music. Ang galing lang kasi Destiny pa yung tumugtog na musika. Nakakabadtrip. Bakit? Kasi sa ganda kong to wala akong hilig sa love songs. Bitter ako eh! Wala kasi akong love life. Ginawa ko? Pinatay ko nalang yung music.
Wow! Nahiya naman ako sa naabutan ko sa school. Daig pa ng pila ng nagpapa-picture kay Hambog ang traffic sa edsa. Nakaka-bwesit naman oh! Panira talaga ng umaga.napansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya.
"wait girls. Oh babe?" sabi niya sabay lapit sa akin. Shit naman oh.
"Babe ko!" sigaw ni girl1
Wow. nahiya naman si B1 at B2 sa mga babe ni hambog na to. Malapit na nga sa akin si Lorenz tsaka nakasunod sa kanya ang pangit na babaeng to. Di siguro ako kilala ng babaeng to eh! Sarap lang upakan. tinitingnan ba ako ng Sino ka look.
"babe, dito ka na pala. Sorry ha? Nahihiya naman ako sa mga girls kung di ko sila pag'bibigyan" nahiya naman ako sa kalandian at kahambogan mo! Sarap talagang pektusan.
"babe, sino siya? Do I know you? Hindi mo ba ako kilala? Huwag mo namang landiin ang babe ko." singit ni froglet na girl. Naku naman. Mali kang pinasukan na paaralan!
"sino ka? well, Di kita kilala at hindi ako interested na makilala ka so you better close your mouth and shut up. sino naman ako? Ako lang naman si Katarina Cassandra Padilla. Ang may-ari ng school na kinatatayu-an mo ngayon. So kilala mo na ako? At wait. Nilalandi si Babe mo? wow! Kailan pa ako nagkaroon ng kahati sa babe ko? (tingin kay hambog saby smirk.) Ako na nga ang nahiya sayo eh. Nilandi mo na kasi ang BABE KO. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Edi ipapa-kick out nalang kita sa school ko." mataray kong sabi sabay taas ng isa kong kilay sa kanya. Nabigla naman ang girl sa sinabi ko. transferee siya siguro kaya di niya ako nakikilala.
"babe, huwag mo naman siyang ipa-kick out. Taga hanga ko lang yan eh, Ikaw naman ang love ko kaya huwag ka ng magselos at masanay ka na rin. Ano pa bang magagawa ko? eh sikat ang boyfriend mo eh kaya sorry na. Don't worry. babawi ako sayo. Kaya huwag ka ng magtaray ha? Lalo kasi akong na'iinlove sayo" SHIT! Bakit ko ba sinakyan yung trip ng gagong to? Marami na ang nakikinig at nakatingin sa amin. Mas lalo siyang lumapit sa akin at hinawakan ang aking mga pisngi. Sabay smirk niya.
"Gago ka. Wag mong hawakan ang mga cheeks ko. Ang dirty ng hands mo." bulong ko sa kanya.
"I love you too" sigaw ng gago. Shit naman talaga oh! Sarap talagang pektusan eh.
"wow. Ang sweet naman nila."
"oo nga. Bagay talaga."
"sila na ba?"

BINABASA MO ANG
"i'm hers"
Fanfic"Let me explain." "then explain." "eto yun, Hindi kita gusto. Hindi ikaw yung tipo ng babaeng pipiliin kong makasama habang buhay--" "Then why---" "wait. Let me explain first. Ano ba?" "okay. Take two."