HVM 3

863 27 3
                                    

O____________________O

Na'shock lang ako kasi nakita ko lang naman si Hambog na kasama ang di kilalang babae na naghahalikan. Ang cute lang eh. Naghahalikan. Ano kaya yung feeling ng nakikipaghalikan? Gusto ko ring i-try eh. HAHA. Joke lang,

"uyy. tulala ka jan. Gusto mo ikaw yung susunod?" Bastos naman ng lalaking to.

"Hoy! Hambog na lalaki na bastos. Kung gusto mong makipaghalikan. Makipaghalikan ka diyan at huwag na huwag na huwag mo akong idadamay at ikaw. Babaeng malandi, hindi tinuturo sa school ko ang pagiging malandi kaya alis na bago pa kita ipa-kick out sa school na to." Umalis na rin ang babae. Nakakatawa lang yung itsura. namumutla na eh baka mahimatay yun.

"Kung gusto mo rin akong halikan sabihin mo nalang hindi yung pinagmamalditahan mo ako. Don't worry ibibigay ko rin sayo." sabi niya sabay pout ng lips niya.

"gusto mo ng kiss? kung ikiskis ko kaya yang pagmumukha mo sa pader para numipis? Yabang mo hindi naman kagwapuhan." 

"aminin mo kasi na gusto mo lang makipaghalikan sa akin." gago ka ah. Never been kissed ako gago ka. 

"Kung makikipaghalikan lang rin ako. pipiliin ko nalang yung gwapo at matinong lalaki hindi yung kagaya mong bastos na hambog pa. Wala kang kwentang tao. Hindi ko na ma'reach yung kalangitan sa sobrang kahambogan mo! Tabi!" sabi ko at dumeretso na ako sa upuan ko. 

Dumating na rin si maam at okay. Nag-discuss na siya ng rules and regulations sa room namin. Di na ako nakikinig dahil memorize ko na yan. Ilang taon lang inu-ulit ulit. Nakakasawa parang pagmumukha lang ng katabi ko. Nakakasawa! May bigla namang pumasok sa room. Mukhang sekretarya. Kinakausap niya si maam. At umalis na rin bigla.

"Miss Padilla? Pinapatawag ka ng daddy mo sa office niya." Hay salamat at makaalis na rin ako sa mahanging lugar na to.

Pumunta na nga ako ng office. Hindi na ako kumatok. Dumeretso nalang ako pumasok.

"di ka na naman kumatok." sabi ni daddy. Edi lumabas ako ng office at nabigla naman siya.

Pero ngayon kumatok na ako.

"sino yan?" tanong ni dad

"anak niyong maganda" sabi ko sabay bukas ng pinto!

"hahaha. Iba yun ah." tawa ni daddy.

"uupo na ako ha? baka kailangan ko pang magpaalam para umupo?" 

"sige. Umupo ka na nak"

"ok. Ano ba yung pag-uusapan natin dad?" sabi ko kay daddy.

"Naalala mo ba si Tito Carlos mo? Yung kaibigan ko?"

"ah. Oo naman dad. Bakit? anong meron? namatay na  ba siya?" seryoso kong tanong kay daddy. mabait kasi si Tito carlos eh. So sayang naman kung namatay na talaga siya.

"ikaw talaga. haha. hindi. Dito kasi nag-aaral yung anak niya kaya humingi siya ng tulong sa akin na kung pwede eh sama-samahan mo muna yung anak niya dito kasi medyo magulo pa sa ngayon." pag-eexplain ni daddy.

"sure. Excited na rin ako. Sino ba yung anak niya dad? Magkasing standard ba kami? Alam niyo naman. Choosy ako pagdating sa friendship."

"for sure. magugustuhan mo siya. Pinatawag ko na rin siya eh. Kaya magkikita na rin kayo kaya please lang anak. Alagaan mo muna siya at huwag pabayaan kasi medyo magulo pa dito sa school. Kung pwede lang itali niyo na ang isa't isa. HAHA. Pero joke lang yun basta tulungan mo lang siya sa pag-adjust sa school na to. May kayabangan daw yun pero mabait rin daw" pag-eexplain ni daddy. Tingnan natin kung hanggang saan yung kayabangan niya. Siguro hindi naman siya kasing yabang ni bastos at hambog na lorenz na yun.

"titoooooo." sabi ng isang lalaki kay daddy. Hindi man lang kumatok. Tumalaikod naman ako at  O_____________O

"Ikaw?" sabay naming sabi. Napatayo naman ako.

"magkakakilala na kayo?" tanong ni daddy

"OO." sabay rin naming sagot.

"paano?" paghahalungkat naman ni daddy.

"Siya. Siya yung rason kung bakit nagasgasan si pinkish car ko dad. Siya yung rason kung bakit nasira yung umaga kong kay ganda. Siya yung rason kung bakit rumarami yung mga malalanding estudyante." pag-eexplain ko naman.

"wait. dahan dahan lang! Wag mo naman isisi sa akin ang kamalasan ng araw mo" sabi naman ng lorenz. 

"gago ka eh, bastos at hambog pa! Kaya umalis ka na dito kung ayaw mong ipapa-lick out kita sa school na to." sabi ko naman. Iritang irita na talaga ako eh.

"katarina. sandali lang. Siya. Si Lorenz. Si Lorenz ang tinutukoy kong babantayan at tutulungan mo. Pag-usapan niyo nalang dalawa yan. Ayaw kong marinig ni Carlos na hindi kayo magkasundo baka sabihin niya na hindi maganda yung International High School ko. At magulo pa ngayon dahil maraming nagkakarandapa kay Lorenz kaya pag dito sa school pwede magpanggap kayo na mag-on kayo ? para hindi na siya pagkakaguluhan." sabi ni daddy

 "dad, no way! bahala siya sa buhay niya! Ayaw ko sa kanya. Magkaka-boyfriend lang nga ako fake pa? Dad, AYAW!"

"bakit NBSB ka ba?" gago to ah. Bastusan?

"Bastusan dre? Pakialam mo?" taray kong sagot

"sure tito. Game ako diyan" gagong lorenz to ah! Walang kwenta.

"but dad"

"no more buts katarina. Makakaalis na kayo at Lorenz ingatan mo yung nag-iisa kong prinsesa."

"okay tito." sabi niya sabay smirk sa akin.

"tara na babe." sabi niya at hinawakan ba naman ako sa waist. gago talaga tong bastos na to. Hoy never pang may nakahawak diyan. Bastos talaga. haaaay!

Pagkalabas namin ng office.

"Hoy lalaking manyak, bastos, panget at hambog. Huwag na huwag na huwag mo na ulit hahawakan yung waist ko kung ayaw mong pasabugin ko yang pagmumukha mo. gago ka!" sabi ko sa kanya.

"maldita ka rin eh no? Ikaw na yung the lucky one kasi kasama mo yung isang sikat na Mr. Lorenz Israel. Boyfriend mo na ako kaya no choice ka! haha"

"alam mo kung nabebenta lang yung kayabangan for sure mayaman ka na at pwe, alis ka sa harapan ko. Ang panget mo para maging boyfriend! Pwe" sabi ko at sabay takbo papuntang parking lot. bahal siya sa buhay niya at uuwi na ako. 

"i'm hers"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon