HVM 11

605 22 6
                                    

Lorenz' POV

'I need you" sabi ko.

Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. Parang may kuryenteng dumadaloy sa aking buong sangkatauhan. Nasabi ko na rin sa kanya.

"I don't understand." nakakunot pa ang mga noo niya.

"Let me explain." 

"then explain."

"eto yun, Hindi kita gusto. Hindi ikaw yung tipo ng babaeng pipiliin kong makasama habang buhay--"

"Then why---"

"wait. Let me explain first. Ano ba?" 

"okay. Take two."

"eto yun, Hindi kita gusto. Hindi ikaw yung tipo ng babaeng pipiliin kong makasama habang buhay. Hindi ikaw ang klase ng babae na magugustuhan ko. Ang arte mo, Ang suplada mo. ang bossy mo . Akala mo maganda ka. Wait! Patapusin mo muna ako before ka mag-react. Oh sige. Maganda ka na pero I don't understand too kung bakit kailangan kita. I don't know kung bakit ikaw pa. Sa kay rami rami ng mga babaeng humahabol at nababaliw sa akin pero di ko alam kung bakit sayo ako nababaliw.  Hindi ko pa masabi na mahal kita dahil hindi pa ako sure pero alam ko na kailangan kita. I don't know why I need you. Siguro, Someday malalaman ko rin ang mga kasagutan basta ang alam ko ngayon is that I need you, KC. Ayaw ko na may mga lalaking nag-aaligid sayo. Ayaw ko na may ibang humawak sayo. Ayaw ko na may ibang lalaki pumoporma sayo dahil ang gusto ko, akin ka lang. Selfish na kung selfish basta ang alam ko kailangan kita at ikaw lang. Nung aksidente kong nabangga yung car mo, na-amaze ako sayo dahil ang tapang tapang mo parang hindi mo lang ako kilala. Tinanggihan mo na agad ako. Doon ako nagkaroon ng interesado sayo. Nang nalaman kong ikaw yung anak ni Tito carlos mas lalo ako nagkaroon ng lakas ng loob para mas makilala ka pa. Nung nag-kiss tayo--"

'pati ba naman yun?"

"ssh. Listen. I know that it was your first kiss. Natatawa pa ako sayo dahil first time mo ring umangkas ng motor at hindi mo pa alam kung paano umangkas. Namumula ka na sa galit nun pero ang cute mo pa rin tingnan. Alam mo bang kinilig ako sayo nung sinabihan mo yung fan ko na ayaw mo na may kaagaw ka sa akin. Medyo kinilig rin ako nun pero ikaw galit na galit. Ang cute mong magselos. Nagising na lang ako one day na parang ayaw ko na. Ayaw ko na mawala ka sa akin. Parang magic lang talaga. Oh baka ginayuma mo lang talaga ako."

"ang kapal mo. Alam mo, ang ganda ganda na eh kaso sinira mo. Oyy Lorenzo, hindi kita ginayuma."

"haha. binibiro lang naman kita. So ano? naniniwala ka na?"

"OO. Pero ligawan mo muna ako."

"ha? eh dba tayo na?"

"liligawan mo ako o forever na hindi maging tayo?"

"grabe naman to. Basta boyfriend mo na ako at don't worry. Kahit boyfriend mo na ako, araw-araw pa rin kitang liligawan."

"Ehhh. "

"sasagot pa. basta girlfriend na kita, KC."

"ano ba? ayaw mo ba akong mag- speech?" pagrereklamo niya. 

"next time nalang. May pasok pa tayo. Basta tayo na. Walang bawi-an. Ok?'

"mukha mo. OO. OO na."

Hinila ko siya at niyakap ng mahigpit. Ayaw ko na siyang bitawan pa. 

"i'm hers"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon