Una

1.2K 39 26
                                    

DISCLAIMER

This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.

Copyright © 2021 babiiallii. All rights reserved.

P.S This is a bit historical... and gay.





















"Alam mo Esme hindi ko alam 'kung bakit ang hilig mo sa mga lumang gamit! Kaloka!" Narinig kong sabi ni Geraldine sa tabi ko. Sinamahan niya kasi akong mamili sa mga antique shops, treasure finds 'kung tawagin ko.

"'Di ko nga rin alam, bobo naman ako sa history pero ewan ko ang gaganda kaya nila?" Nagwiwindow shopping lang kami ngayon.

"Taena ka talaga! Pero infernes sa mga finds mo, ang gaganda kahit puro mahal! Minsan nga natatakot na akong pumunta sa inyo at baka mamaya makabasag pa ako tapos baka mamaya nandon na sa bahay mo 'yung mga dating may-ari 'non, kabokot!" Natawa naman ako sa sinabi niya. Walang gaanong tao rito sa shop, masyado pa kasing maaga, napadaan lang naman talaga kami ni Geraldine dito, we were actually on our way back home from night shift nang madaanan namin ang favorite shop ko. Nang wala akong mahanap ay lumabas na kami, dahil mas matangkad ako sa kaniya ay umangkla siya sa akin.

"Wow ha? Parang hindi ka nag-uukay 'te?" Pang-aasar ko sa kaniya. Umirap naman siya, "edi okay! Parehas na tayong mahilig sa luma shuta ka."

"Teka, parang eto parin 'yung mga display last time na hindi mo bet. Ayaw mo ba magtry sa ibang shops?"

"If only I know other shops, 'te halos lahat ata ng shops napuntahan ko na." Na-fufrustrate ko na sabi sa kaniya.

"E ano ba ang hanap mo ngayon?" Napa-isip ako, ano nga ba?

"'Yung European Antique Telephone," bigla ko naalala 'yung nakita ko sa group page kanina.

"Huh? Cellphone?" Mahina ko siyang binatukan.

"Telephone, telepono, basta ang ganda 'non, nakita ko kanina sa group page."

"Ahhh," tango-tango niya sabay iba ng tingin.

Bigla kong naisip, tama nga naman si Geraldine, ang mamahal ng treasure finds ko pero binibili ko pa 'rin. Hindi ko alam, namana ko ata kay mama ang pangongolekta ng mga gamit. Besides, keeping antiques is a good thing, pwede rin naman na in the future ay ibenta ko 'rin ang mga nakolekta ko, sabi pa naman nila, the older the antique, the higher it's value. Pero wala pa iyon sa isip ko, I'm more focused on spending my money with antique items, though I still keep money for my future, ang sobra ay iniipon ko na lang pang bili ng mga gusto ko. At ngayon, ang gusto ko ay ang European Antique Telephone.

"Bebs ayon! Parang bago lang sa paningin ko, mukhang magaganda items nila!" Sabi ni Geraldine habang nakaturo sa isang shop sa kabilang kalsada. Minsan natatawa ako kay Geraldine, kahit panay ang reklamo sa finds ko todo support naman ang bruha. Binaling ko ang tingin ko sa shop, mukhang bago nga lang.

"Sige tara," aya ko sa kaniya kaya tumawid kami sa kalsada.

"Goodmorning po!" Nangungunang bati ni Geraldine, pero wala tao. Ang weird.

Nilibot ko ang paningin ko habang si Geraldine ay nag-iingay. Nakita ko na may cctv kaya inawat ko na siya.

"Bayaan mo na muna, hindi naman tayo mag-nanakaw, tingin na muna tayo." Tumango na lang siya at naghiwalay kami saglit. Ang gaganda ng finds! Mayroong mga lumang paintings, mga baso, figurines, Eropean Antique Telephone... EUROPEAN ANTIQUE TELEPHONE! Na-eexcite ko na nilapitan iyon.

Isa Pang UlitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon