Ika-labing isa

227 25 29
                                    

A/N: Instead of next year na pagtatanan nila Maximo at Gregorio, I made it two months from the current day. Current month is February.

Agad humiwalay si Maximo nang marealize niya ang nangyari. Lumayo siya sa akin at gulat akong tinignan.

"A-ano 'yon Esme? B-Bakit?" Naguguluhan niyang sabi. That moment, I could feel my eyes sting as it produce tears.

"Ma...mahal kita..." mahinang bulong ko pero sapat na para marinig niya.

"Pero... ba-bakit? Papaano? Esme, alam mong may kasintahan ako!" May inis niyang sabi. Umiling ako at humagulgol.

"Alam ko! Kaya nga masakit... so-sobrang sakit," agad kaming natahimik ng sabihin ko iyon. Ang tanga ko naman kasi, bakit ba ako umamin? Bakit ngayon?

"Isang buwan." Puno ng lakas ng loob kong sabi.

"A-Ano?"

"Bigyan mo ako ng isang buwan para patunayan ang sarili ko... ang... ang pagmamahal ko, Maximo..." puno ng pagmamakaawa kong sabi. Nanlaki ang mata niya at iiling-iling akong tinignan.

"Nahihibang ka na, Esme. May kasintahan ako! Magtatanan na kami, dalawang buwan na lang at magpakalayo na kami."

"Kaya nga e! Dalawang buwan na lang! Hindi ba puwedeng ibigay mo na lang sa... sa akin 'yon? Sa atin?" Kasabay ng mga salitang binitawan ko ang pagtulo ng mga luha ko. Ramdam na ramdam ko ang pagbara sa aking lalamunan na pati paglabas ng nararamdaman ko ay kamuntikan ko nang hindi magawa.

"Naisip mo 'man lang ba ang mararamdaman ni Gregorio sa mga sinasabi mo?" Mahina akong napahagulgol nang maalala ko si Gregorio.

"Pero pa'no naman ako? Ang nararamdaman ko?" Parang bata akong umiiyak ngayon sa harapan niya.

"Sarili mo lamang ang iniisip mo, Esme." Puno ng awtoridad niyang sabi sabay tayo mula sa pagkakaupo at akmang aalis na.

"Bakit ikaw?! Wala ka bang nararamdaman para sa akin? Sa... Sa bawat araw na mag-kasama tayo... 'ni isang beses ba hindi mo naramdaman na baka... baka nagugustuhan mo na rin ako? K-Kasi tangina Maximo ako, oo! M-Masyado mo akong binigyan ng-ng maraming dahilan para... para kumapit ako sa-sa'yo!" Natigilan siya sa paglalakad at muli akong hinarap.

"Hindi,"

"Kahit... kahit katiting 'man lang?" Kita ko ang pag-iwas niya ng tingin sa akin.

"H-Hindi."

"Tu-tumingin ka sa mga mata ko, Maximo... sabihin mo- sabihin mong h-hindi." Natigilan siya nang sabihin ko iyon. Unti-unti ay ibinaling niya ang mga tingin niya sa akin. Bakas sa kaniya ang awa... tangina oo naman, malamang. Nakaaawa naman talaga ako.

"Hindi." Agad siyang tumalikod at iniwan akong mag-isa.

Bagsak balikat akong napatulala nang marinig ko ang pagsara ng pintuan ko. Hindi, tangina hindi. Ako lang pala ang umaasa, ako lang ang nanakit sa sarili kong damdamin.

Muli akong umiyak at humagulgol ng malakas. Wala na akong pake 'kung may makarinig pa, kailangan kong ilabas ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Ahhh!" Yakap ko ang mga tuhod ko at sumubsob dito.

Bakit ba palagi na lang akong nasasaktan ng ganito? Naging maingat naman ako ngayon pero bakit hindi parin umayon sa gusto ko? Masyado ba akong selfish? Baka nga, baka nga makasarili ako kasi kahit sa kaunting panahon, ginusto kong maramdaman ang hindi magsisi na hindi ko sinubukan. Baka nga makasarili ako kasi ginusto kong maramdaman na maging masaya kasama ang taong mahal ko kahit sa sandaling panahon... baka nga, makasarili ako.

Tangina rin naman kasi! Ang daming mixed signals, how come I did not distinguish which is which? Iba nga pala panahon ngayon... sadyang marupok lang ako.

Days passed by and pain still remains. Hindi na ako binibisita ni Maximo katulad ng dati, hindi ko na alam kung anong balita sa kaniya o 'kung nasaan siya pero napagdesisyunan ko na bisitahin siya sa hacienda nila.

"Magandang hapon po, nandito ho ba si Maximo?" Magalang kong bati sa isang matanda na nag-aararo sa malapit. Pinaningkitan niya ako ng mata dahil mukhang nasisilaw pa siya. Nang makilala ako ay agad siyang ngumiti.

"Magandang hapon Madam Esmeralda! Nasa loob ho siya, kausap ang kaniyang ama." Sabi niya sa akin sabay ngiti at sinuklian ko naman siya ng ngiti rin.

Habang tinatahak ko ang daan papunta sa bahay nila ay binabati ako ng mga taong nakakasalubong ko at sa bawat hakbang na tinatahak ko ay gumagapang din ang kaba sa aking dibdib.

"Hindi ba't sinabi ko sa'yo na tigilan mo na ang pagpapadala ng mga sulat kay Gregorio?! Lintek ka talaga! Wala akong anak na papatol lang sa kaniyang kapwa!" Rinig kong sigaw ng isang matanda mula sa pintuan nila na bukas ang pinto.

"Pero mahal ko si Gregorio!" Isang malakas na tunog ng suntok ang narinig ko kasabay ng pagbagsak nito sa sahig.

"Tigil-tigilan mo ako hangga't nagtitimpi ako! Umayos ka at huwag mo mabanggit-banggit sa akin 'yang punyetang pagmamahal na 'yan! Hindi 'yan totoo! Lalaki ka kaya dapat babae ang mamahalin mo!" Galit na sabi ng tatay ni Maximo.

"Hindi ikaw ang didikta sa 'kung ano ako at 'kung sino ang mamahalin ko, 'kung hanggang ngayon ay hindi mo parin tanggap 'kung ano at sino ako itakwil mo na lang ako!" Lakas loob na sabi ni Maximo. Nang sumilip ako ay nakita kong tinitigan lang ni Ginoong Manuel si Maximo at saka iniwang mag-isa si Maximo sa sala.

Agad akong lumapit kay Maximo nang hindi ko na natanaw si Ginoong Manuel.

"A-Ayos ka lang ba?" Mahina kong bulong kay Maximo nang daluhan ko siya. Akmang hahawakan ko ang pisngi kung saan siya sinuntok pero inis lang siyang umiwas ng tingin.

"Bakit ka pa nandito? Umalis ka na, wala ka nang mapapala sa akin." Natigilan ako ng marinig ko ang sinabi niya.

"Tigilan mo nga ako sa ganiyan mo Maximo, halika gamutin natin 'yang sugat-"

"Umalis ka na nga! Hindi kita kailangan! Si...Si Gregorio ang kailangan ko..." parang may 'kung anong tumusok sa puso ko nang marinig ko iyon. Feeling ko ang dami kong tubig sa katawan dahil sa kaunting salitang 'yon na-trigger agad ang luha ko.

"H-Halika na... huwag k-ka na mag-emote..." mahina kong sabi sabay akay sa kaniya patayo, nang maitayo ko siya ay agad niyang winisik ang kamay ko at akmang aalis na nang pigilan ko siya.

"B-Bakit ka ganiyan?! Bakit... bakit ang dali lang sa'yo na iwasan ako? Ga-ganon na ba ako kawalang kwenta para s-sa'yo?" Hindi niya ako nilingon pabalik pero alam kong rinig niya ang bawat hikbi ko.

"Sagutin mo ako!"

"Oo!" Malakas niyang sabi nang lumingon siya sa akin.

"At nagsisisi ako dahil naging mabait ako sa'yo!" Nanginginig sa galit niyang sabi na ikinatakot ko.

"Ba-bakit 'nung si Esmeralda ang... ang umamin ng...ng nararamdaman niya okay lang? Bakit... Bakit 'nung ako galit na... galit na galit ka?" May takot kong sabi.

"Kasi magkaiba kayo! Magkaibang magkaiba at hindi ikaw si Esmeralda at kahit kailan hindi mo siya mapapalitan! Kaya mabuti pa na umalis ka lang." Mula sa pagtingin sa akin ay agad niyang iniwas ang mga tingin niya.

"Bu... Bumalik ka na... s-sana sa kasalukuyan..."

Isa Pang UlitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon