Ikalawa

444 32 32
                                    

"'Kung bakit naman kasi iniwan mo nang mag-isa si Esmeralda sa may balon! Alam mo naman na delikado roon at tiyak na kaakibat ng mga nagpupunta roon ang trahedya!"

"Paumanhin, Ginang Laura. Ngunit si Esmeralda ang nagpumilit, tinupad ko lamang ang kaniyang nais."

"Diyos ko! Ilang oras nang nakapikit sa kama na iyan si Esmeralda! 'Kung bakit naman napakatagal ng manggagamot?"

"Nanggaling pa ho kasi siya sa ibang bayan,"

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko, unti-unti ring umayos ang paningin ko at nakita ko ang dingding na may chandelier pa. T-Teka wala naman akong chandelier sa bahay?

Marahan kong ginalaw ang katawa ko at ulo. Medyo kumirot pa ang ulo ko kaya napa-daing ako at napatingin sila sa akin.

"Esmeralda!" Gulat na sabi nila. Medyo malabo pa ang paningin ko kaya pinilit kong iadjust ang nakikita ko.

"Salamat sa Diyos at nagising ka na! Ikaw talaga! 'Kung bakit ba naman kasi napaka-tigas ng iyong ulo? 'Kamuntikan ka nang mag-agaw buhay!"

"Masyado naman kayong nilamon ng damdamin niyo Tiya Laura, mababaw lamang ang bangin." Pagsingit 'nung isang babae. Narinig ko ang paghampas ng pamaypay sa kaniya 'nung Tiya Laura.

"Huwag mo akong diktahan, manahimik ka riyan!" Luminaw na ang nakikita ko kaya nakita ko na ang mga nagsasalita. Mama? Sa isip-isip ko nang makita ko ang isang middle-aged na babae sa harapan ko at katabi niya si Geraldine? Nilibot ko ang tingin ko at para kaming nasa ilang lumang bahay na bato. Katulad ng bahay ni Rizal 'noong nagfieldtrip kami sa Carmona dati.

"Ma! Ano 'to..." tinaas-baba ko ang tingin ko sa kanila, mga naka-suot sila ng magarbong baro't saya!

"Bakit kayo naka baro't saya! May costume party ba?" Pang-aasar ko sa kanila pero tinignan lang nila ako na para bang isa akong baliw.

"A-Anong pinagsasabi mo hija?" Sabi pa ni Mama in a formal way.

"Luh? Mama parang ewan! Prank ba 'to?" Tatawa-tawa ko na sabi sabay libot pa ng tingin ko sa paligid. Infernes kabog sa settings, mukha kaming nasa 1800s. Binalingan ko naman ng tingin si Geraldine.

"Hoy gago ka, pauso ka ha! Dinamay mo pa si Mama." Natatawang dinuro ko pa si Geraldine pero katulad ng ekspresyong pinapakita ni mama ang naka plakada sa mukha niya.

"H-Hindi kita maunawaan! Ano ba ang iyong pinagsasasabi? Masyado bang malakas ang pagkatama ng iyong ulo sa bangin at para ka nang nawawala sa iyong sarili?" Naghihisterikal na sabi ni Mama. Nawiweirduhan ko siyang tinignan. May pag-iyak pa siyang nalalaman tapos si Geraldine todo ang alo sa kaniya. Hindi ba sila naiinitan?! Balot na balot sila para lang magmukhang makatotohanan ang prank nila. Maya-maya ay may biglang nagbukas ng pintuan. Isang poging nilalang ang niluwa nito.

"Ginang Laura! Nasundo ko na ang manggagamot, pasensya at medyo—" Hingal na napatingin siya sa akin at nanlaki ang mata.

"Esmeralda!" Masaya niyang sabi at agad na lumapit sakin. Sino 'to?

"Ah hehe, hello?" Tanging sabi ko. Kinunotan naman niya ako ng noo, bakit? Ano ba dapat? Sino 'to?

"H-Hello? Ano iyon?" Luh? Naguguluhan niyang sabi.

"Ayan! Kagagawan mo iyan Maximo! Dahil sa pagkahulog niya sa bangin ay 'kung ano-ano na ang kaniyang mga sinasabi! Maski kami ay hindi na namin maunawaan ang kaniyang mga binibigkas!" Mahabang litanya ni Mama kasabay pa ng pag-iyak. Hindi ko na kaya! 'Yung kasama ng lalaki ay sinuri naman ako.

"T-Teka nga, teka nga! Ang O-OA niyo! Ano ba 'to bakit ba kayo nagkakaganiyan? Ang galing niyo mang-prank napaka makatotohanan infernes, tignan niyo may pa-baro't saya pa kayong ganiyan sa gitna ng tirik na araw, o pak! Sino ka diyan? Kaya tigilan niyo na naiinis na ako! Tapos naghire pa kayo ng poging extra na 'to! Masyado niyong ginalingan, umuwi na tayo, surprise-surprise pa kayo hindi ko naman birthday." Tinuro ko ang lalaki kanina na tumawag sa akin ng Esmeralda at napatayo na ako sa frustrations na nararamdaman ko, nagsimula na rin akong kabahan dahil baka mamaya ay mga double ganger nina Mama ang nasa harapan ko at dalahin nila ako sa mundo nila! Gano'n pa naman ang mga binibinge watch ko sa KMJS kapag night duty ako. Gulong-gulo nila akong tinignan na para ba akong isang alien na bumaba sa lupa ng Earth para manakop. Nakipaglaban ako ng titigan sa kanila, hinuhuli ang mga pakulo nila.

"O, Diyos ko! Mahabagin! Ginoong Suarez, iyong pagalingin ang aking anak!" Sabi ni Mama sa kasama 'nung Maximo.

Muli akong nilamon ng kadiliman.


Lumipas ang ilang oras ay nagising na ulit ako. I was hoping na I'll wake up from the dream I had kanina. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at bumungad lang ulit sa akin ang chandelier kanina.

"Tangina!" Malakas kong sabi at agad na bumangon.

"Esmeralda! Anong minumura mo r'yan? Ayos ka na ba hija?" Bungad ni Mama sa akin, iba na ang suot niya, mukhang naligo na siya kasi ayun parin ang suot ni Geraldine at 'nung lalaki kanina. Agad na lumapit 'yung lalaking pogi sa akin.

"Paumanhin sa akin nagawa Esme, hindi ko naman iyon sinasadya. Aksidente lamang ang nangyari." Pagpapaliwanag pa niya. Biglang nagsink in sa akin ang mga salita na sinasabi nila. Panahon ng espanyol! Gago talaga. Bakit ako nandito? Past life ko ba 'to?!

"Ah-Ah ehem!" Inisip ko ang puwede kong sabihin, 'yung maiintindihan nila. Kilala ko pa naman sarili ko, panay kajejehan ang nalalaman ko.

"A-Ano okay lang- I mean.. ay! Ang sakit ng ulo ko..." Pagpapalusot ko na lang. Agad nila akong dinaluhan at si Geraldine naman ay lumabas para siguro kumuha ng tubig.

"Kumalma ka muna Esmeralda, alam namin na nabigla ka 'rin sa nangyari sa iyo. Ipagpahinga mo ang iyong sarili." Sabi ni Mama.

"A-Ano ba ang nangyari?" Patay malisya kong sabi.

"Dinala kasi kita roon sa sa may balon, hindi sadyang nadulas ka papa-akyat. Medyo matarik kasi ang dadaanan. Mayroon pa ngang mga dugo na lumabas sa iyong ulo." Pagpapaliwanag ni Maximo.

"A-Ah... pasensya na, hindi ko kasi maalala." Sabi ko kay pogi. Ngumiti naman siya sa akin. Hala ang pogi! Matangos ang ilong, mestizo at mukhang may lahi.

"Sino ka nga ulit?" Patanong ko na sabi sa kaniya. Nakita ko ang gulat sa mukha nila nang itanong ko iyon.

"H-Ha?" Hindi niya ata ako naintindihan.

"A-Ano, ano ang iyong ngalan? Paumanhin ngunit hindi ko maalala." Galing! Parang dati lang Esme bagsak ka sa Filipino ah? Nakita ko na nanlaki ang mata niya at kalaunan ay nagrelax na ulit ang itsura niya.

"Ako... ako si Maximo Garcia, kababata mo ako."


A/N: Ito na 'yung pinakamalalim na mga words na alam q huhu, pagpasensyahan niyo na me basta nasa Spanish era 'to.

Isa Pang UlitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon