Ika- labing apat

233 19 6
                                    

"Maximo! Asan ka na ba? Halika na! May dala akong pagkain." Bungad ko pagkapasok sa loob ng bahay nila.

"Maximo?" Mahinang tawag ko, bakit parang dilim ngayon dito? Walang tao rin, nasan sila?

"Ma- ay!"

"Boo!" Panggugulat ni Maximo sa akin agad ko naman siyang nahampas sa braso, medyo matigas charot.

"Gaga ka! Bakit ka ba nanggugulat? Kapag itong mga dala ko nalaglag-"

"Oo na, bakit ka ba nandito? Hindi ba't magkikita na lang tayo sa talon?" Sabay halukay sa mga dala ko.

"Wala lang, naeexcite ako e. At saka, wala rin naman akong ginagawa sa bahay... alam mo naman, hindi ako sanay sa ganitong buhay." Tatango-tango naman siyang sumang-ayon. Ilang araw na 'rin ang nakalipas noong nakipag-usap ako sa kaniya. Siguro sa awa pumayag na lang siya. Hindi ko alam! Basta kinabukasan sinundo niya ako sa bahay at pagkatapos ay sinabihan niya akong pagbibigyan niya ako... pero hanggang sa dulo lang ng buwan na ito. 'Nung una medyo awkward pa, pero isang linggo na rin ang lumipas kaya't nanumbalik na ang samahan namin noong unang dating ko rito.

"Wala ka rin namang gagawin dito kun'di ang umupo lang din." Natatawa niyang sabi habang kinakain ang dala ko. Umirap naman ako sa kaniya at umupo sa harapan niya.

"Meron kaya! Magsight-seeing ako ng mga boys, maraming moreno rito panigurado." Malawak kong ngiti sa kaniya, syempre joke lang 'yon. Siya lang naman ang titignan ko rito maghapon.

"Sight-seeing? Moreno?" Masaya akong tumango.

"Oo, 'yung titingin-tingin gano'n. Tsaka moreno, 'yun yung mga lalaking kayumanggi ang kulay ng balat, nakaka-attract kasi sila." Pagbibiro ko pa. Kita ko ang pag-kunot ng noo ni Maximo sabay tingin sa balat niya. Mahina naman akong natawa, mestizo kasi siya, kahit naman na nandito siya sa sakahan ay palagi parin siyang nasa loob ng bahay, sa opisina nila kaya bihira siyang naaarawan.

"A-Akala ko ba mahal m-mo ako? P-Pero sige ikaw ang b-bahala." Sabay ehem niya at iwas ng tingin. Malakas naman akong natawa sa kaniya sabay turo pa.

"Ikaw ha! Denial ka! Crush mo rin ako?" Panunukso ko sa kaniya pero inirapan lang niya ako.

"Hindi! Sa katunayan maganda iyon, para mas may patutunguhan ang nararamdaman mo..." medyo humina ang huling mga salita niya pero nawala ang masaya kong ngiti kanina. Binigyan ko siya ng isang assuring smile sabay hawak sa kamay niya.

"Ikaw parin 'no... ikaw parin ang baby ko, ang baby ko, emz!" Hindi 'man niya naintindihan pero tumawa lang 'din siya. Pa-joke ko lang sinabi iyon pero seryoso ako sa lyrics.

"Ano ang mga pinagsasabi mo?" Takang tanong niya.

"Wala! Palibhasa ang mga kanta rito ngayon ay 'yung mga instrumental lang," natawa naman siyang inayos ang mga papeles na kanina pa niya hawak.

"'Kung ayon ang mga napapanahon e. Bakit? Mayroon ka bang nais na ipalaganap na kanta?" Sabi niya na ikinagulat ko.

"Na-pressure ako bigla! Ayoko nga, bukod sa hindi ako spoiler ay wala rin akong talento sa pagkanta, baka mahiya lang sila."

"Sila?"

"Oo, sila dahil wala naman akong hiya." Natawa ulit si Maximo sa sinabi ko at nag-paalam na iiwan muna ako saglit. Pumayag naman ako at pumuwesto ng upo sa sofa nila. Hindi kaya lumamig ang pagkain? Pero nilagay ko naman sa parang thermos na lagayan e, sana mainit pa ang sabaw. Ilang sandali pa ay narinig ko ang mahinang katok mula sa pinto, agad akong napabalikwas ng bangon at inayos ang sarili dahil sa gulat.

"Sino 'yan?" Mahinhin kong sabi sa 'kung sino 'man ang nasa pinto.

"Ginoong Maximo, si Belen ho ito..." ani ng isang boses ng babae. Ayoko 'man sana pagbuksan dahil hindi naman ako si Maximo pero dahil chismosa ako, nagpatuloy lang ako sa paglalakad at pinagbuksan ng pinto ang nasa labas.

Agad na bumungad sa akin ang isang matandang babae na may dalang malaking bilao na naglalaman ng mga prutas at gulay.

"Nandito lang ho ako upang iabot ang mga prutas at gulay na ito." Magalang na sabi ni Aling Belen at mukhang nabibigatan na rin siya sa dala kaya't nagpresinta akong magdala.

"Ay gano'n ho ba? Akin na ho, ako na ang magpapasok sa loob. Mukhang mabigat ho ang dala niyo." Agad kong inabot ang hawak niya at walang angal nitong binigay sa akin, "gusto niyo ho ba ng tubig?" Pag-alok ko sa kaniya at agad naman siyang tumango.

"Nakakahiya 'man, ngunit ako'y uhaw na rin... kaya kahit kaunti lang ay ayos na bilang pantawid uhaw." Magalang niyang sabi na ikinangiti ko.

"Sige ho, tara na sa loob." Paanyaya ko sa kaniya at inalalayan na rin papasok kahit na hawak ko ang bilao. Binaba ko saglit ang bilao sa lamesa at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig. Nang makabalik ay nakita ko si Aling Belen na naglilibot ng tingin habang prenteng naka-upo sa sofa.

"Eto ho," alok ko sa kaniya at malugod niya iyong tinanggap.

"Matanong ko lang ho, para saan ho ang mga dala niyo? Kasama ho ba iyon sa mga inaani nina Maximo?" Puno ng kyuryosidad kong tanong. Nakangiti naman na umiling si Aling Belen.

"Nako hindi hija, pasasalamat ko iyo kay Ginoong Maximo." Sabi niya pa.

"'Kung mamarapatin ay puwede ko ho bang matanong 'kung bakit?"

"Noong nakaraan kasi ay inatake ng sakit ang aking anak, hindi ko malaman 'kung saan ako kukuha ng pera ngunit bigla na lamang dumalaw si Ginoong Maximo sa aming tahanan upang mag-abot ng salapi panggastos sa sakit ng aking anak. 'Nung una ay sinabihan ko siya na magbabayad ako ngunit nagpupumilit siyang huwag na lang. Dahil sa kaunting hiya, nagdala na lamang ako ngayon ng mga gulay at prutas... alam 'kong hindi iyan sapat ngunit mas maigi na ang mayroon kaysa sa wala." Pagkwento niya na ikina-touch ko. Grabe, ganito pala ka-good samaritan si Maximo? Bagay talaga kami tutal mabait din naman ako.... Minsan.

"Ganoon ho ba? Na'ko buti na lang ho pala at nandiyan si Maximo na handang tumulong." Parang tatakbo lang ng Mayor? Emz. "Ayos na ho ang anak niyo?" Mabilisan siyang tumango.

"Oo masigla na siya ngayon hindi katulad ng dati noong hindi pa namin siyang napapatingin sa manggagamot."

"Mabuti ho 'kung gano'n." Nakangiti kong sabi sa kaniya. Inubos ni Aling Belen ang bigay kong tubig at hinarap ako ulit.

"Puwede ba magtanong hija?" Pahabol niya, "ikaw ba ang nobya ni Ginoong Maximo?" Nangiti niyang sabi. Napatigil naman ako nang maramdaman kong parang nanlamig ang sikmura ko dahil sa narinig. Umakyat din ang dugo sa aking pisngi.

"H-Ho?" Pilit ngiti kong sabi pero napatawa lang ang matanda. Tumayo na ito at mahina akong tinapik sa balikat.

"Ayos lamang kahit hindi mo sagutin hija. Iba na rin naman talaga ang mga kabataan ngayon, atsaka tingin ko ay nasa tamang edad na rin kayo para sa mga bagay na 'yan. Salamat muli sa tubig." Nakangiti niyang sabi at iniwan na akong mag-isa. Napakagat labi tuloy ako, pigil ngiting tinanaw si Aling Belen.

Nawa'y magdilang anghel ka, Aling Belen.

Isa Pang UlitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon