Ika- labing tatlo

276 26 19
                                    

"Aray!" Daing ko nang matapilok ako papasok nang hilahin niya ako papunta sa salas, "sorry, bakit ka ba kasi nanghihila?" Pagpapaumanhin ko nang marealize kong napalakas pala boses ko. Ganitong hindi kami bati baka mamaya awayin pa ako lalo. Mahal kita pero tama na, charot lang.

"Bakit ka ba kasi nandito nanaman?" Aray ha?

"Gano'n mo na ba talaga kaayaw sa akin?" Mahinang sabi ko sabay iwas ng tingin, marahan kong inangat ang dala ko.

"Nagdala lang ako ng pagkain, peace offering."

"Anong peace offering?"

"Peace offering kasi 'di ba galit ka sa akin dahil sa pag-amin-"

"Hindi ako galit, makakaalis ka na." Malamig niyang sabi na ikinatahimik ko. Ano na? Awkward naman.

Ilang sandali kaming natahimik, 'kung ano-ano ang naiisip kong puwedeng sabihin pero palagi akong pinipigilan ng sarili ko na huwag dumaldal, baka kasi mamaya ay mas lumala lang ang distansya namin sa isa't isa.

"Uhm... sige, iwanan ko na lang ito rito... aalis na ako." Mahinang sabi ko sabay lapag ng dala ko at tinalikuran siya.

"Asan na kaya si Hayme?" Mahinang bulong ko parang nagscreenshot naman ang katawan ko nang bigla akong iharap ni Maximo sa kaniya.

"B-Bakit?"

"Sa dinami-rami ng maaaring sumama sa iyo para puntahan ako, talagang si Hayme ang napili mo?" Nanlaki naman agad ang mata ko sa sinabi niya. Anong akala niya? Nananadya ako? Agad kong tinaggal 'yung pagkakahawak niya sa akin at medyo lumayo.

"Teka lang ha, alam ko naman may nararamdaman ako sa'yo at alam ko rin na crush mo siya pero hindi naman ako 'yung tipo ng tao na mananadya para lang asarin ka. FYI, hindi ako jealous type, at saka magkaibigan na kami ni Hayme, malisyoso ka!" Agad naman siyang umiwas ng tingin sa akin.

"B-Basta, humanap ka na lamang ng ibang sasama sa iyo pabalik." Napataas naman ako ng kilay, ako pa talaga mag-aadjust?

"Hindi na, huwag na lang. Ako na lang ang babalik mag-isa!" Naiinis kong sabi, napuno na talaga ako, kanina galit siya, tapos biglang sobrang lamig daig pa yelo sa freezer tapos biglang galit nanaman, parang tanga lang. Bahala nang maligaw!

"'Kung bakit naman kasi pumunta ka pa rito!" Nagulat ako ng bigla siyang sumigaw pero hindi ako nagpatinag.

"Ipapaliwanag ko nanaman ba ha! Diyan ka na nga, sinasabayan mo ng init ng ulo 'yung panahon sa 'di malamang dahilan. Kapag ikaw nastroke! Ewan ko na lang." Inirapan ko siya at tinalikuran pero kinuha niya ulit ang kamay ko.

"Ano nanaman ba?!"

"Tara na, sasamahan na kita."

"Hindi na huwag na busy ka 'di ba?" Sarcastic kong pagkakasabi.

"Hindi, tara na." Sabay hila sa akin paalis.

Noong una ay sinusundan ko siya sa paglalakad at tahimik lang kaming dalawa pero nang umabot kami sa bandang may matataas na damo ay napatigil siya.

"Umuna ka maglakad," utos niya sa akin na agad ko naman sinunod. Pumuwesto ako sa unahan niya at nag-aalinlangan pang humakbang.

"Sige lang, diretso ko lang." Pagpapaalala niya at sumang ayon naman ako nang hindi nakatingin sa kaniya.

"Esme..." rinig kong tawag niya sa akin.

"Hm?" Akmang haharap ako sa kaniya pero hinawakan niya ang mga balikat ko para hindi ko siya malingon.

"Huwag... huwag kang humarap sa akin," nag-aalinlangan 'man ay tumango na lang ako.

"Gusto ko lang sabihin na... na sana kalimutan mo na lang ako at ibaling mo sa iba ang iyong atensyon. Huwag mo na akong pag-aksayahan ng panahon Esme." Mahina akong natawa, ako kausap nito 'no? hindi naman siya nasisiraan ng ulo para kumausap sa hangin.

"Ayos ka lang? Parang sinabi mo na rin na saksakin ko ang sarili ko at humandusay sa harapan mo hanggang sa maubos ang dugo ko at malagutan ako ng hininga at saka bakit ayaw mong sabihin sa harapan ko-"

"Paki-usap... huwag... huwag na lang ako." Parang biniyak ang puso ko nang marinig ko iyon mula sa kaniya. Natahimik ako saglit, pilit na naghahanap ng salitang puwede kong ibato sa kaniya pabalik.

"Akala mo ba madali Maximo? Ikaw nga hindi mo rin maalis sa sistema mo ang pagmamahal mo kay Gregorio, ako pa kaya?"

"Pero magkaiba iyon! Esme, ilang buwan pa lamang tayong nagkakasama-"

"Kahit isang segundo lang ang lumipas at maramdaman kong mahal kita, mahal na kita! Wala sa 'kung gaano katagal na pagkakakilala ang pagmamahal Maximo! Huwag mong maliitin ang nararamdaman ko... " Napabuntong hininga na lang si Maximo dahan-dahan niyang binitawan ang mga balikat ko mula sa likod. Natahimik kaming dalawa hanggang sa nagsalita siya na siyang nagpaharap sa akin.

"'Kung kinakailangan ko sigurong saktan ang nararamdaman mo nang paulit-ulit para lamang maramdaman mo ang pagod ay gagawin ko Esme." Binigyan ko naman siya ng isang sinserong ngiti.

"Hindi," tinignan ko siya sa mga mata at mas ngumiti, "hindi ako mapapagod, dahil 'kung sakaling ito na ang huling araw ko sa panahon na 'to, ayokong umalis nang may pagsisisi dahil lamang sa hindi ko naiparamdam sa'yo ang nararamdaman ko at... 'kung susugal lang din naman ako at ikaw... ikaw ang maaaring maging kapalit... bakit- bakit hindi?" Parang naiiyak niya akong tinignan sabay kuha ng mga kamay kong tantya ko ay nanlalamig na.

"Esme, hindi ko kailanman maibabalik ang nararamdaman mo para sa akin. May kasintahan ako, may mahal akong iba." Agad akong napabuntong hininga at pinagpalit ang kapit sa ang mga kamay, ako ngayon ang may hawak sa kamay niya.

"Ayos lang... hindi mo kailangan suklian ang mga nararamdaman ko, hindi naman din lahat ng bagay may kapalit 'di ba? Iniisip ko rin naman ang mararamdaman ni Gregorio kapag... kapag nalaman niya ang mga kahibangan ko. Pero Maximo, nagmamakaawa ako, kahit sa maikling panahon... hayaa... hayaan mo akong kumapit sa'yo, at... at pagkatapos 'non ay papalayain na kita... lalayo na ako, hahayaan ko na kayong maging masaya." Kahit na alam ko sa sarili kong kahit bumalik ako sa kasalukuyan ay baka... baka ikaw parin.

Isa Pang UlitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon