Wakas

383 25 23
                                    

Hingal na hingal akong bumangon. Pinalibot ko ang tingin ko para malaman 'kung nasaan ako. 

"Meow," rinig kong sabi ng pusa... pusa? Pusa! Si Luna!

"Luna!" Magiliw kong sabi nag muli kong makita ang pusa ko, grabe! Namiss ko 'to. Habang nilalambing ang pusa ko ay narinig ko ang phone ko na nagriring kaya agad ko iyong kinuha at sinagot. 

"Hello?" Bungad ko sa tumawag. 

"Hoy te. wala namang pasok, punta ko diyan pa-tambay. Bye!" Hindi na ko pinasalita ni Geraldine nang sabihin niya iyon. natawa naman ako.

Miss ko na sila, panaginip ba ito? huli ko kasing naaalala ay nahimatay ako sa bukid pagkatapos kong magwalk-out kina Maximo. Hay, sulitin ko na lang siguro itong panaginip na ito hangga't hindi pa ako nabalik. 

Pagkatapos kong mag-ayos ay narinig ko ang pagbukas ng pinto, agad akong tumakbo kay Geraldine at niyakap.

"Miss na kita Ge!" Mahigpit ko siyang niyakap pero ang bruha hindi 'man lang ako sinuklian ng yakap.

"Te-Teka 'te 'di ako makahinga! Ayos ka lang ba?" Humiwalay siya sa yakap ko at tinitignan ako. 

"Normal ka na ba ulit? Ang weird mo nanaman! Magkasama lang tayo kahapon 'di ba?"

"Huh? Kahapon?" Pumasok na siya sa loob ng bahay at sinara ko ang pinto.

"May amnesia ka ba 'te? Actually ilang buwan ka ring weird. Para kang siraulo, tapos na ba ang roleplay mo? Ilang buwan din akong dinudugo sa ilong dahil sa mga lalim ng words mong ginagamit! Para kang sinapian ng ninuno mo." Parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig iyon.

"Ge, pasampal nga ako..." agad naman niya akong simpal ng malakas.

"Aray!" tangina totoo nga! Nagbalik na ko! Parang may 'kung anong kaba akong naramdaman sa loob ko nang mapagtanto ko ang mga nangyayari.

Si Maximo... napaluhod ako sa kinauupuan ko at agad na humagulgol. Tanginang buhay 'to.


...


Lumipas ang mga araw, walang humpay ang lungkot at pangungulilang nararamdaman ko. Bawat araw na nagdadaan ay masakit. Hanggang sa isang araw, bigla kong naalala ang shop na pinagbilihan ko 'nung telepono. Agad akong tumakbo para puntahan ang puwesto 'non pero bumungad sa akin ang isang flowershop... Para akong natanga nang makita ko iyon. 

"Miss!" tawag pansin ko sa babaeng nagdidilig ng bulaklak sa labas ng shop. 

"Po?" takang tanong niya. 

"Uhm, alam niyo po ba 'kung saan lumipat 'yung antique shop dito?" Kunot noo naman niya akong tinignan at taas baba pa ang tingin niyang binigay sa akin. 

"Wala naman pong antique shop na naitayo rito, sampung taon na pong nakatyo ang shop na ito rito, baka nagkakamali po kayo, Miss." Parang binuhusan ako ng malamig na tubig at natulala na lang.

"Sige po Miss, maiwan ko na po kayo." Naiwan akong mag-isa sa labas. Tulala at iniisip ang mga nangyari sa buhay ko. Nababaliw na ba ako? 

*tingtingting*

Narinig ko ang pagtunog ng door chime, napatingin ako sa pintuan at mula roon ay lumabas ang taong hinahanap ko. Parang slow mo itong lumabas sa shop hawak ang isang bouquet. Tila nabingi ako sa hargumento ng puso ko nang magtama ang tingin namin ngumit agad itong umiwas ng tingin. Dahil sa pagtulala ay medyo nakalayo ito. Agad ko siyang hinabol.

"Maximo!" Agad siyang napalingon sa akin at tumigil sa paglalakad kaya kumaripas ako ng takbo para maabutan siya. 

 Kaparehas ng mga matang sumalubong sa akin ang mga matang kinahumalingan ko. Maging ang hugis ng labi... tangos ng ilong, walang pinagkaiba. 

 "Excuse me Miss, do I know you? Bakit mo alam ang name ko?" May lambot ang kaniyang boses. 

"S-Sorry... akala ko kakilala kita." Nahihirapan kong sabi, pilit na pinipigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Naiiyak ako, ang bigat sa dibdib, nababaliw na ba ako? Agad ko siyang tinalikuran at naglakad palayo. 

 Nakakalungkot isipin na sa oras na ito, nakaharap kong muli ang mahal ko, ngunit ibang katauhan ang nasa kaniyang anyo and that hit me that maybe... maybe this time... in this lifetime, we are only meant to be strangers.

Isa Pang UlitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon