Ika-sampu

220 24 19
                                    

Nang makabalik kami sa loob ay nagsimula nang magsayawan ang mga tao, hindi katulad ng sayaw na pang party, puro sila by pair magsayaw. Pati ba naman sayaw kailangan may jowa?

"Halika ka na uwi na tayo wala naman tayongjowa rito-" naputol ang pa-anyaya ko nang lingunin ko si Maximo na nakalahad ang kamay sa akin.

"Maaari ba kitang isayaw, binibini?" Parang may 'kung anong mga paru-paro akong naramdaman sa sikmura ko nang bigyan niya ako ng isang nakakahulog sa ngiti.

"H-Ha?" Mukhang tanga kong sagot. Mahina siya natawa at kinuha na lang ang kamay ko sabay hila sa akin... ako naman itong marupok na nagpadaloy sa agos ng hila niya.

"Na...Nahihiya ako..." mahinang sambit ko nang may mangilan-ngilang tumingin sa amin. Mahina siyang tumawa at marahang hinablot ang mga kamay ko, may ingat niyang nilagay ang mga iyon sa kaniyang balikat at pagkatapos ay kaniyang dahan-dahan na pinasada ang mga palad pababa sa aking bewang. Ilang segundo pa ay marahan na kaming gumalaw kasabay sa tugtog.

"Hayaan mo lamang sila, matagal na rin kasi nilang ninanais na maging kasintahan kita... ni Esmeralda pala." Medyo natatawa niyangsabi kaya I pursed my lips trying my best not to shake dahil sa hiya. Si Esmeralda nanaman, sabagay, ano ba ang laban ko 'ron? Isang outsider lang naman ako e.

"Malalim ata ang iniisip mo?" Isang buntong hininga ang sinagot ko sa kaniya.

"Ang lalim naman 'non, baka gusto mong ibahagi sa akin? Makikinig ako..." malumanay niyang sabi. Isang malungkot na ngiti ang binigay ko sa kaniya.

"Naisip ko lang, paano kung bigla na lang 'din akong mawala katulad ni Esmeralda? Ganitong wala tayong kasiguraduhan 'kung kailan ako babalik sa totoong buhay ko... natatakot ako." Ramdam ko ang tingin niya sa akin.

"Natatakot?"

"Oo, natatakot. Natatakot ako na baka hindi 'man lang ako makakapagpaalam sa inyo... sa iyo." Inangat ko ang aking tingin hanggang sa magtama ang aming mga mata. Kita ko sa mga mata niya ang takot, pagkasabik, pag-uulila... at pagmamahal?

Agad siyang umiwas ng tingin pero nanatili parin ang mga mata ko sa kaniya. 'Kung gaano kabagal ang sayaw namin, siya namang bilis ng tibok ng puso ko, ano ba 'to? Eto na ba 'yung magkikiss kami katulad ng sa mga kdrama? Chenes! Shy type ako! Madami ang nakatingin... at may hiya pa ako!

"Huwag... Huwag mo na lamang isipin ang mga gano'ng bagay. Mas magandang pagtuunan natin ng pansin ang ngayon, kaysa sa 'kung anong maaaring mangyari bukas... sa isang araw... sa makalawa... sa susunod buwan o 'kung kailanman." He then placed his hand on my nape and pushed me forward, para mayakap ako. Rinig ko ang tibok ng puso niya... tinatawag ako... chereng ambisyosya!

"Ayokong masayang ang bawat segundong magkasama tayo... dahil sa totoo lang, ayaw ko nang umalis ka."


Matapos ang party sa mansyon ni Don Emilio ay naging madalang ang pagkikita namij ni Maximo dahil sa mga inaasikaso niya sa hacienda nila. Gusto kong umangal at magdemand ng oras pero wala naman akong karapatan kaya hinayaan ko na lang. Paulit-ulit tuloy sa isipan ko ang sinabi niya 'nung gabing iyon.

"Ayokong masayang ang bawat segundong magkasama tayo... dahil sa totoo lang, ayaw ko nang umalis ka."

Gusto kong kumagat sa sinabi niya at humiling din na sana nga hindi na lang ako umalis. Pero sa tuwing naiisip ko ang mga magulang ko at mga kaibigan ko... parang hindi ko kaya. Ayokong maging makasarili... pero gusto ko, gustong gusto. Tapos bigla kong naalala, gusto ko nga magstay, pero anong gagawin ko rito? Makikipagtanan na si Maximo, makikipagtanan ang mahal ko. Alangan naman maki-apid pa ako sa kanila? Bitbit pa nila ako sa 'kung saan 'mang lupalop sila pupunta. Baka mamaya gawin din akong surrogate mother! Ano ba 'tong mga naiisip ko punyeta!

"Madam Esmeralda, may naghahanap sa iyo." Rinig kong tawag sa akin mula sa pintuan. Agad akong umayos at tumayo.

"Sino daw ho-" natigilan ako nang makita ko si Maximo sa harapan ko nang buksan ko ang pintuan ng aking kuwarto.

"Na-miss kita!" Naiiyak kong sabi habang yakap siya ng mahigpit. Gusto kong umiyak! Hindi ko alam, gusto ko lang. Natatawa niyang sinklian ang yakap ko at pinasok niya ako sa loob ng kuwarto. Nang masara niya ang pintuan ay agad niya akong binaba.

"Pasensya ka na at ngayon na lang ulit kita nabisita, salungat ng sinabi ko 'nung gabi ng pagpupulonv, ang papa kasi, hindi ako hinayaang makaalis hangga't hindi ko tapos ang mga gawain ko sa hacienda."

"Ano ka ba! Okay lang 'yun at least ngayon, nandito ka na. Namiss kita! Grabe sa ilang araw mong wala, wala akong kausap, akala ko mababaliw na ako!" Natatawa naman siyang pumanhik sa may upuan. Nilingon ko ang bintana, papagabi na rin pala.

"Alam mo narealize ko rin na sa tagal ko na rito, hindi man lang ako nakatikim ng alak. Kaya... mag-iinom tayo at ikwento mo sa akin ang mga ganap sa buhay mo." Masayang sabi ko sa kaniya.

"Iinom? Ikaw?"

"Oo, bakit? Walwalera kaya ako."

"Ah... wala, hindi kasi umiinom ng alak si Esmeralda, nanibago lamang siguro ako at ikaw pa ang nag-aya." Nagkibit-balikat lang ako at tumayo para kunin ang alak.

"Tapos ayon nga, si Mang Lito nasubsob sa putikan dahil sa gulat!" Mas lumakas ang tawa niya nang maalala niya 'yung nangyari kahapon. Hindi ko naman maiwasang hindi mahumaling sa kaniya. Ngayon ko lang nakita na ganito ka carefree si Maximo.

"Bakit?" Takang tanong niya nang mapansing nakatitig lang ako sa kaniya.

"Wala naman... tapos anong sunod na nangyari?"

"Ayun, inalalayan siya nina Hayme... alam mo ba na crush ko noon si Hayme? Kakaiba kasi ang istura niya-"

"Mukha alien ba?" Inis kong sabi.

"Alien?"

"Wala, anong itsura?"

"Nakakabighani." Sabi niya at parang kumislap ang mga mata niya nang sabihin niya iyon.

"Ah... susumbong kita kay Gregorio." May pagbanta kong sabi sa kaniya, agad naman niyang pinalo ang braso ko.

"Aray ha?!" Nagulat kong sabi.

"Ikaw kasi, tsaka matagal na iyon, ngayon ko na nga lang din nakita si Hayme." Sabi niya sabay inom sa baso. Mukhang lasing na siya. Bigla naman kaming natahimik na dalawa at tanging kuliglig lang ang naririnig galing sa labas.

"Mahal kita." Buong lakas kong sabi sa kaniya na kahit ako ay nagulat. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya at napatigil sa pag-inom.

"Ha?" Parang nabingi niyang sabi.

"Mahal kita, Maximo." Natahimik kaning dalawa nang sabihin ko iyon. Ito na siguro 'yun, may alak na e, malakas talaga loob ko pag may tama na.

"Bi...Binibiro mo lang ako e! Nagawa mo na iyan Esme, puwede ka nang magsulat ng nobela."

"Hindi ako nagbibiro," napalunok ako at lumapit sa kaniya, "mahal kita," mahinang sabi ko at nilapit ang aking sarili sa kaniya.

"Mahal kita, Maximo." Hanggang sa maramdaman ko ang paglapat ng aking labi sa kaniya.

Isa Pang UlitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon