Ika-lima

210 26 25
                                    

Note: vv short update.

"Uhm... kamusta naman ang quality time niyo ni Gregorio?" Pangchichismis ko kay Maximo. Nalilito naman niya akong nilingon. Shoot! 'Di niya nga pala gets.

"Q-Quality time! 'Yung oras na magkasama kayo at sinusulit niyo 'yon, parang gano'n. Naiintindihan mo ba? Pasensya patanga-tanga ata ako magpaliwanag." Kamot ulo kong sabi sa kaniya. Natawa naman niya sabay upo ng ayos sa kama.

"Ayos lang! Naintindihan ko naman ang nais mong ipahiwatig," buti naman!, "naging maganda naman ang takbo ng araw namin kahapon. Sulit naman ang bawat segundo dahil tiniyak ko naman na naiparamdam ko ang pagmamahal ko sa kaniya." Pain. Emz! Bigla ko tuloy naalala ang sinulat ni Esmeralda sa diary niya. Ganito rin kaya mararamdaman niya 'yung parang broken? Ay ano ba 'yan Esme! B-Bakit mo naman mararamdaman 'yon! Inlove ka? Hindi... ko na alam punyeta.

"A-Ah gano'n ba? Edi... mabuti! Sana all!" Magiliw ko na sabi sa kaniya. Tumawa naman siya ng mahina, "Sana all?" Pagtatanong pa niya. Napangiwi naman ako ng maalala ko na hindi pala niya alam 'yon.

"Nawa'y lahat, 'yun... 'yung iyong ibig sabihin no'n." Pagpapaliwanag ko. Tatango-tango naman niya akong sinagot at pinakatitigan ang kabuoan ng mukha ko.

"Alam ko na hindi ikaw si Esmeralda," tila binuhusan ako ng malamig na tubig ng sabihin niyo 'yon. Kahit hindi mainit ay ramdam ko ang ang pagbuo ng mga malalamig na butil ng pawis sa noo ko.

"Ha?" Mahina siyang natawa, "huwag ka mag-alala hindi ko naman sasabihin sa iba." Pagpapalubag niya ng loob ko.

"A-Anong ibig mong sabihin?" Kinakabahan kong tanong. Marahan siyang lumapit sa akin at bumulong sa aking tenga.

"Hindi ka si Esmeralda..." medyo napa-iktad ako ng sabihin niya 'yon. Agad ko siyang natulak ng medyo malakas papalayo sa akin. Kahit nagtataka 'kung paano niya nalaman ay taas noo ko siyang hinarap.

"P-Paano mo naman nasabi?! Alam mo, nasa isip mo lang iyan." Iwas tingin kong sabi. Iiling-iling naman siyang umayos ng upo. Medyo nagsisi naman ako na pinapasok ko siya sa kuwarto ko para magheart-to-heart talk, naistress ako bigla!

"Alam mo, hindi naman na bago rito sa bayan ang mga kuwento mga time traveler 'kung kanilang tawagin." Bumuntong hininga muna siya bago ako tinignan, "at hindi naman talaga naaksidente 'nuong araw na iyon si Esmeralda." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. So niloloko niya pala silang lahat?! Shala ka Esme, nanloloko ka rin naman.

"Galing kami sa isang laboratoryo 'noong araw na iyon, kilala namin ang may ari ng laboratryo na si propesor Rivera. Ipinakita niya ang kaniyang nilikha na 'kung kaniyang tawagin ay time machine. Dahil sa pagkamangha naming dalawa ni Esme ay nagboluntaryo kami na subukan ang kaniyang likha, ang kaso lang ay napa-atras ako, lalo na nang sabihin ni propesor na may kapalit ang pagsubok sa bagay ba iyon." Naluluhang ngumiti si Maximo, "habang si Esmeralda ay hindi nagdalawang isip na ipagpatuloy ang experimento, naalala ko pa 'kung gaano siya kasiya nang oras na iyon. At ayon nga, pagkatapos na gawin ang experimento ay nahimatay si Esmeralda. Ilang oras din siyang tulog 'non kaya't minabuti ko nang dalahin siya sa mansyon nila, at pagkagising niya- mo, ikaw na ang namalagi sa katawan na iyan." Mahabang paliwanag niya. Pero bakit?

"Bakit?" Tanging tanong ko. Gulo niya akong tinignan, "bakit sa lahat ng tao ako ang napili na ibalik sa panahon na 'to?" Takang tanong ko. Kibit balikat lang ang naging sagot ko.

"Hindi ko rin alam," Parang nagsimulang uminit ang aking mga mata kasunod ay ang pagtulo ng aking mga luha. Lumapit sa akin si Maximo at niyakap ako.

"Pero huwag ka mag-alala, sasamahan kita sa panahong nandirito ka. Maniwala ka't sa hindi, sa ilang buwang magkasama tayo ay napapalapit na rin ako sa iyo." Mas humigpit ang yakap niya kaya gumanti na rin ako. Mas napaiyak pa ako lalo nang maramdaman ko ang yakap niya. Sa tagal kong nandito, ngayon lang ako nakaramdam ng takot. Takot na baka hindi na ako makabalik sa kasalukuyan, takot na hindi ko na makita ang tunay kong pamilya at takot na baka mahulog na nga talaga ako sa kaniya.

Isa Pang UlitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon