nakita ko syang nagce-cellphone kaya tinawag ko na sya para makaalis na kame .
"hoy" napalingon din naman sya agad
"are you ready ?" tanong nya sakin at tumango lang ako .. tumayo din naman sya agad at naunang lumabas
" wait there .. I'll get my car first " patungo sya sa garahe namin para kunin yung sasakyan nya ..
papasok na sana ako sa sasakyan nya nang buksan nya ang pinto nito para sakin
" ay ang gentleman mo naman dre " ngumiti lg sya ang naupo sa driver's seat pagkatapos
magse-seatbelt na ako nang unahan na naman nya ako sa paggawa nito kaya tinarayan ko na naman sya
" alam mo Jungwon , sapaw ka .. kanina kapa ha " parang nagulat naman sya sa inasta ko ..baka na offend haha
" sorry celine .. I just want to be a gentleman to you .. sorry if it's too much " parang na guilty naman ako sa sinabi nya ..
" hay ano kaba Jungwon .. di mo naman kailangang gawin yan .. hindi kase ako sanay sa mga paganyan .. sorry din kung mataray ako "
" it's okay .. let's go now ?" nakangiti sya habang tumitingin sakin .. kitang-kita ang dimple nya .. hala bakit ang cute nya .. ilayo nyo po ako sa tukso
" pwede bang wag kang mag english ? " natawa naman sya .. ako yata kaligayahan nito
" oo ba .. ang conyo ba ? sorry ha ?" sabi naman nya
" di naman masyado hehe " sagot ko sa kanya habang nakatingin sa harap .. nakakadistract yung mukha nya , parang gusto ko nalang magpakasal na sa kanya agad .. pero joke lang naman haha loyal ako kay crush uwuuu
" drive safely jungwon ha .. baka naman mabilis kang magmaneho at madisgrasya tayo .. mag-aasawa pa ako , ayoko pang mamatay " natawa na naman sya ulet
" sige .. mag iingat talaga ako kase kasama ko yung mapapangasawa ko " napatingin naman ako sa kanya tas kumindat sya sakin ..
" kung ano-ano pa sinasabi mo .. diretso yung tingin dapat sa daan .. hindi sakin .. nako Jungwon , pag tayo bumangga lagot ka talaga sakin " nanggigigil kong paalala sa kanya ..
---
sa mall lang kame gumala .. pumipila sya ngayon para bumili ng ticket kase manonood kami ng movie .. nandito naman ako sa bilihan ng snacks ..
nang matapos na syang bumili ay pumasok na kami sa loob ng theater .. love story yung pinili nyang movie kase yun yung gusto ko .. dalawa lang naman yung showing ngayon .. yung isa action na sci-fi tas eto yung love story .. kaya ito nalang pinili ko ayoko ng action baka mamaya masapak ko pa sya
pinili namin yung pinaka gitna .. wala naman masyadong tao ngayon .. hindi napuno yung buong theater .. wala kaming katabi so , parang kami lang dalawa nag mo-movie marathon lol
nasa kalagitnaan na ng pelikula nang maramdaman kong nakaakbay na pala sya sakin .. tiningnan ko sya pero naka- focus lang naman sya sa pinapanuod namin kaya hinayaan ko nalang .. okay lang naman kase di naman mabigat yung braso nya .
nagulat ako nung bigla nya akong inilapit sa kanya .. na estatwa naman ako .. hindi ako prepared sa mga ganitong pangyayari .. nakita kong niyayakap nung bida yung jowa nya .. kaya siguro ganun nalang yung reaction ni Jungwon .. hinayaan ko nalang sya ulit kahit na tyansing na to .. itinuon ko nalang sa pagkain ng popcorn at sa movie yung isipan ko
patapos na ang movie ng maramdaman kong di na gumagalaw si Jungwon tas parang di na ko komportable sa posisyon namin kase nangangalay na ako .. tiningnan ko sya at ayun nga nakatulog na pala .. hahayaan ko nlang sana sya kaso nangangalay na talaga ako kaya ginising ko sya
" jungwon .. patapos na ang movie gumising kana " tinapik ko yung braso nya pero d sya nagigising .. malalim naba tulog nito at di magising ?
" yahh jungwonie .." pinisil ko yung pisngi nya .. ang cute kase.. char para magising sya
minulat nya yung mga mata nya tas tumingin sya sakin na nakangiti .. nananaginip pa yata to kaya tinawag ko ulit pangalan nya para matauhan
" hoy jungwon gising kana ba ?" tanong ko sa kanya pero nagulat ako nang hawakan nya yung pisngi ko
" ang ganda mo talaga " mahina nyang sabi pero narinig ko parin
" hala jungwon baka nananaginip kapa .. gumising kana sa katotohang hindi ka nya mahal hahaha" inalis ko yung kamay nyang nakahawak sa pisngi ko .. mga galawan ni jungwon puro tyansing
" hindi .. totoo namang maganda ka celine "
" oo alam ko naman yan Jungwon " natawa naman sya sa sinabi ko
" ako talaga kaligayahan mo jungwon noh .. kanina kapa natatawa sakin yiieee " pagbibiro ko sa kanya habang natatawa din
" oo ikaw nga kaligayahan ko " nahinto naman ako sa pagtawa ..
" ay banat ba yan ? hindi maganda eh " pagbara ko sa kanya
" di naman yun banat .. totoo yun celine "
" ang seryoso mo naman .. halika na .tapos na yung movie " pag iba ko sa topic .. na iilang ako
tumayo na ako at nauna nang maglakad palabas .. patakbo naman syang sumunod sakin
---
^^
sanaol gwapo parin kahit tulog ..