" gago Ni-ki may baril siya " sabi ko sa kaniya habang nakatingin sa lalaki .. nakangiti naman ang lalaki samin kasi nga tubo lang yung dala namin .
" eh ano ngayon ? Wala akong pakealam ! Buhay ni Celine ang nakataya dito !"
Bigla namang tumakbo si Ni-ki papunta doon sa lalaki . Nagulat ako sa ginawa niya kasi nga bigla nalang siyang kumilos . Ako naman ay parang naestatwa sa kinatatayuan ko . Di ako makagalaw . Iba na pala kapag nasa mismong sitwasyon kana , hindi mo talaga alam ang gagawin .
Nakita ko naman si Ni-ki na akmang hahampasin ang lalaki ng dala niyang tubo .. nakailag ang lalaki kaya medyo na out balance si Ni-ki . Napatakbo naman agad ako malapit sa kanila
Hahampasin na sana ulit ni Ni-ki yung lalaki nang binaril niya ang braso nito .. nabitawan naman agad ni Ni-ki ang hawak niya at natumba sa sahig . Nakita ko kung papano bumaluktot ang katawan niya dahil sa sakit . Natulala naman ako dahil doon .
Hindi ko namalayang nakaturo na din pala sakin yung baril ng lalaki . Halatang sanay na sanay na ito sa paghawak ng armas . Kinakabahan ako pero kailangan kong iligtas si Celine . Kaya tumakbo ako papunta sa kaniya sa pag aakalang hindi niya ako mababaril kapag binilisan ko ang paglapit sa kaniya .
Nasa isip kona kanina pa yung plano eh , kaso hindi ko naman inakalang may armas palang involved dito .
Hawak ko ang tubo habang papalapit sa kaniya pero bigla nalang niya akong binaril sa binti .
" Wonie !" Sigaw ni Ni-ki pero parang hindi ko masyadong marinig dahil yung putok lang ng baril ang naririnig ko .
Natumba naman ako agad at nung una dahil sa gulat ko ay hindi ko pa ito naramdaman .. pero matapos ang ilang segundo ay unti unting kumirot at binti ko . Hindi kang basta bastang kirot to , ang sakit ! . Para akong mapapamura sa sobrang sakit nito .
Hinawakan ko naman ang binti kong dinugmdugo na .. pinilit ko paring kunin ang tubo na nabitawan ko . Malapit lang ako sa lalaki at pwede ko siyang hampasin nito kaso lang ay parang nawala lahat ng lakas ko dahil sa sobrang sakit ng binti ko .
Tangina lang , walang nagawa yung pagiging black belter ko sa taekwondo . Eto ang resulta sa pag lusob sa giyera na wala man lang kahit na anong plano .
" Ay mga totoy .. papunta- punta pa kayo dito , yan lang ang dala niyo . Halatang wala kayong alam " sabi ng lalaki pero tumahimik lang kami . iniinda pa kasi namin ang sakit .
May isa namang lalaki ang dumating .. " ano yung putok na yon ? Dumating naba yung hinihintay niya ?" Tanong ng isang lalaki ..
" Eto , may dalawang tanga na pumunta dito . Lulusob sa giyera , walang dalang armas . Kaya ayan , nasa sahig at duguan "
Tiningnan naman akong mabuti ng kasama niya . At binatukan ang bumarik sa amin .
" Gago ! Bakit mo binaril ! Siya ang kailangan ni boss . Lagot ka ngayon " sabi nito bago ako tunulungang makatayo .
" Ay siya ba ? Di ko naman kasi kilala . Akala ko kung sino lang " sagot niya bago kunin si Ni-ki .
Matalim lang ang titig namin ni Ni-ki sa kanilang dalawa . At kahit na may gawin pa kami sa kanila ay hindi naman kami agad agad makakatakas dahil may tama kami . Sana lang ay dumating na yung mga tinawagan namin para mailigtas na kaming tatlo .
Pagkapasok namin sa isang kwarto ay nakita ko si Celine na nakatali sa gitna ng silid .
" Celine !" Sigaw naming dalawa ni Ni-ki .. kaya napatingin siya sa direksyon namin
" Jungwon ! Ni-ki !" Sigaw niya pabalik at nag umpisang lumuha ang mga mata niya nang makitang duguan kami . Wala naman siyang magawa dahil nga nakagapos siya .
