nakabalik na si celine sa grupo nina soobin habang inaabangan na sumayaw yung favorite group nya tas yung grupo nina heeseung .
tahimik lang syang nag aabang pero parang na e-excite sya na kinakabahan na ewan .. di nya ma explain yung nararandaman nya ngayon .
"celine , okay ka lang ?" tanong ni kai sa kanya
napatingin naman si celine sa kanya at ngumiti
" okay lang ako hyuka " sagot nya.. tumango lang si kai at bumalik sa dati nyang ginagawa , ang asarin si soobin
"bakit ba antagal nila " bulong lang nya sa sarili nya
---
"guys ! nagkita kami ni celine !" natatarantang sabi ni Heeseung
napatingin naman sa kanya ang lahat
" nakita rin nya ako " sabi naman ni jay
" so nakilala nya kayo ?" tanong naman ni jungwon at nagulat silang lahat nang tumango ang dalawa
" sorry guys " sabi naman ni Heeseung
" ano kaba kuya hee , okay lang .. ginawa mo naman siguro ang lahat para di ka nya makilala . okay lang yan .. " sabi naman ni sunghoon
" i had a feeling na makikilala na nya tayong lahat this night " biglang sagot ni Ni-ki sa tabi " besides , hindi naman ganun ka tanga si celine .. matalino din naman yun kaya malalaman din nya na tayo to. may clue na sya eh , kayong dalawa so mag eexpect yun na nandito din yung iba . hayaan nalang natin siguro ?" dagdag pa ni Ni-ki
" oo nga , mapagkakatiwalaan naman si celine . kaibigan din naman natin sya kaya okay lang na malaman nya na tayo to " pag suporta ni jungwon sa sinabi ni Ni-ki at tumango din naman yung iba
" magpapakilala nalang tayo mamaya pagkatapos nito . para walang misunderstandings .. baka sabihin nya di natin sya pinagkakatiwalaan " sabi ni Heeseung at pumayag din naman agad ang lahat
nang bigla nalang ni Ni-ki naalala na yung crush ni celine nasa grupo nya .. bigla nalang syang di mapakali . naeexcite syang malaman kung sino yun pero parang kinakabahan din sya . di nya alam na kanina pa sya tinitingnan ni Jungwon
" nishi , okay ka lang ? kinakabahan kaba ? bago yan ah .. di ka naman ganyan tuwing may ganito .. anyare ba sayo ?" nagtatakang tanong ni jungwon sa best friend nya
" may naalala lang ako na sinabi sa akin dati ni celine .. " sagot ni Ni-ki sa kanya
" ano yun ?" tanong ni jungwon pero natigilan si Ni-ki .. di nya alam kung sasabihin ba nya to kay jungwon o hindi . secret yun ni celine .. baka magalit sya kapag pinagsabi nya sa iba .
" ahh hehe , wala .. tara na sa backstage" napakamot lang ng ulo nya si Ni-ki .. oobserbahan na lang nya mamaya si celine .
" sige " tipid na sagot ni jungwon habang inaayos yung jacket nya.
lahat sila naka black jean jacket ngayon .. pero iba ibang colors lang yung shirt sa loob . si jungwon naka blue na swear shirt , si heeseung naka dark peach na hoodie , si jay naka brown hoodie , si sunghoon naka black sweater , si nicholas naka off-white sweater tas si Ni-ki naman naka black na turtle neck .
---
nagulat si celine nang nakita nya sina heeseung at jay sa Aces .. di nya inakala na sa Aces din pala silang dalawa . kaya napaisip sya na baka kilala din nya yung ibang members nito kaya inobserbahan nya isa isa ..
nabaling ang tingin nya sa apat na myembro nito .. kasi sigurado na sya na si jay at heeseung yun pero not 100% sure .
una nyang nakita si nicholas .. naalala nya pa yung mga mata ni nicholas dati kaya yung tatlo nalang ang tinuunan nya ng pansin . di na nya naisip pa yung crush nya kasi nag fo-focus sya sa pagkilala sa kanila ngayon . buti nalang at medyo malapit sa stage ang pwesto nilang anim .
" huh ? kuya hoon ?" pabulong nyang sabi nung nakilala nya yung isa na sumasayaw sa harap
narinig naman sya ni soobin
" kilala mo sya ?" tanong nito pero nagkibit-balikat nalang sya .. di pa naman sya sigurado
dumapo naman ang mga mata nya sa palaging nasa center ..
" teka , parang pamilyar yung mga mata na yan ah .. hala bakit nandyan si wonie ?" gulat nyang sabi ng magtama ang mga mata nya kay jungwon na nakatingin din pala sa kanya
' yung isa nalang .. pag ito si Ni-ki , makakatikim talaga to ng kurot mamaya ' sabi nalang nya sa isip nya . at di nga sya nagkamali kasi si Ni-ki yung isang naka black na turtle neck ..
tiningnan lang nya si Ni-ki hanggang sa matapos ang sayaw at aksidenteng mapatingin din si Ni-ki sa kanya .. nagulat naman sya dahil nakatingin ngayon ng masama si celine sa kanya . kaya kinalabit ni Ni-ki si jungwon sa tabi nya na parang may binubulong ..
"parang galit yata si celine wonie " bulong nito at tiningnan ulit ang pwesto kung nasaan si celine
' mamaya ka sakin' sabi ni celine pero inaudible tsaka sumenyas ng I'm watching you kay Ni-ki .. umiwas din naman agad ng tingin si Ni-ki na parang kinakabahan ..
napatingin din si jungwon kay celine pero tiningnan din sya nito ng masama .
![](https://img.wattpad.com/cover/251189843-288-k920513.jpg)