Meanwhile ..
"Anak .. ready naba lahat ng gamit mo ? Our flight will be 5 hours from now " sigaw ng mom nya from the other room
Inaayos naman nya ang iba pang gamit na nakalimutan nyang ayusin para madala nya pa sa bagahe nila .
" Yes mom , I'm working on it " sagot naman nya pabalik
" Hindi ba talaga sasama si dad ? I mean .. we won't be there for good but at least he'll have a vacation for him to rest "
Napatingin naman ang mom nya sa kanya habang hinahatak ang bag nya
" Ayaw nya eh kaya tayo nalang .. three months lang naman tayo dun " sagot ng mom nya
" Okay then .. but anyways , I'm really excited to come home and also to meet Jungwon again " halata sa boses nyang excited sya .
" Di ka parin naka move sa kanya Zia ? Matagal na yun ah .. baka nga may girlfriend na yun ngayon "
" Girlfriend pa lang naman mom .. maagaw pa yan , and I'll make sure that before we left again , he'll be mine " she smirked .. she knows how to play these kind of games well . Marami na syang na experience na ganito sa LA kaya hindi na sya mahihirapan sa pagkuha ng attention ni Jungwon kahit pa na may girlfriend na ito .
" Wait for me my love " ani nya habang tinitingnan ang picture nilang dalawa noong mga bata pa sila
---
"Guys .. kami na pala ni Celine " sabi ni Jungwon sa barkada nya pero parang wala lang sa kanila
" Hoy ano ba , sabi ko .. kami na " pag ulit na kasi parang di naman sya pinapansin ng mga ito
" Naririnig namin Jungwon , wag kang sumigaw .. para kang pusang naipit " sabi naman ni Nicholas
" Actually we're not surprised anymore .. expected na rin yon at isa pa , kahit di pa nga kayo eh parang kayo na kung umasta kayo .. mabuti yan na may label na kayo ngayon . Congrats bro " sabi naman ni Jay habang tinatali ang sapatos nya
”yieee binata kana talaga Jungwon " biglang yumakap naman si Heeseung sa kanya
Nag hi-five lang si Sunghoon sa kanya pero napansin nyang wala sa mood si Ni-ki kaya pinuntahan nya
" Ni-ki .. eto yung 1K mo oh , " sabi nya sabay abot ng pera na pinalanunan nya..
" Ge lang .. sayo na yan wonie " matamlay sa sagot nito
Kaya hinipo naman ni Jungwon ang noo nya para malaman kung may sakit ba ito o wala .. ang tamlay nya kasi
" May masakit ba sayo ? Bakit ang tamlay mo?" Tanong nito
' masakit lang yung puso ko' sagot lang ni Ni-ki sa isip nya
" Ah wala , medyo nahilo lang siguro ..kulang sa tulog hehe " pagdadahilan nito
Kaya tumango lang si Jungwon sa pag aakalang totoo ang sinabi nya
Pero di alam ni Jungwon na alam na rin ng iba ang sitwasyon ni Ni-ki at nangako na rin sila hindi ito sasabihin kahit kanino sa kanilang dalawa ni Celine .
Malapit na rin namang umuwi si Ni-ki sa Japan kaya useless na kung umamin pa sya tas ikakasal din naman ang dalawa kaya wala na talagang pag asa .
Isa pa , hindi sya pwedeng mag asawa ng ibang lahi .. kailangan kung mag aasawa sya ay katulad nya ding Japanese o kahit na half Japanese lang ito . Ito ang sabi ng kanyang lolo na dapat nyang sundin .
Pero parang wala naman syang planong mag asawa lalo na at ikakasal na ang babaeng gusto nya . Magfo-focus nalang sya siguro sa business nila na nagkakagulo na ngayon kasi wala sya dun para imanage ng personal .
Matanda na ang kanyang lolo at di na nya kaya ang magpatakbo nito . Kung sana ay sa papa nalang nya ipinamana ito siguro wala syang problema ngayon .
Kaso ayaw ng lolo nya na hindi kadugo ang magmana mg kompanya .. ang mama nya kasi ang anak ng lolo nya , pero ayaw ng mama nya kasi gusto nitong magfocus sa pamilya nila kaya kay Ni-ki na ito ngayon . Tinutulungan naman siya nga lolo at mama nya sa pagpapatakbo nito para di sya mahirapan kahit nasa korea sya .
Umuuwi naman sya dun kapag weekends na wala syang gagawin o kapag break sa school . Di naman nya kinakalimutan ang obligasyon nya . Pero ayaw nya lang iwanan ang mga kaibigan nya lalo na si Celine.
Pero ngayon na ikakasal na ito , siguro ito na rin yung time para mag move on na sya ng tuluyan at magfocus nalang sa mga responsibilidad na naiwan nya sa Japan .
" Okay lang yan Ni-ki .. makakamove on ka din " biglang bulong ni Heeseung sa kanya
Hindi nya namalayan na nasa tabi na nya pala si Heeseung at Jay
" Oo nga Ni-ki . Hayaan mo , pag makabisita ako sa Japan , gagala tayo tas maghahanap ng pwede mong maging girlfriend " bulong din ni Jay sa kanya
Kaya napatingin bigla si Ni-ki sa kanya at kumunot ang noo nito
" Ayoko nga kuya .. at saka kailangan ko munang mag focus once makauwi na ako .. kaya kayong dalawa mag behave kayo dito . Ayokong nadadamay kayo sa mga gulo " pagpapaalala nito sa dalawang kuya nya na alam nyang laging nandyan kapag may kailangan sya
" Parang ikaw yung kuya ah " natatawang sabi ni Jay sa kanya
" Edad lang yung bata sa kanya Jay pero ang isip nya mas matanda pa sa atin " tawa naman ni Heeseung
Bigla namang napansin ng iba na nagtatawanan silang tatlo kaya sumali sila
" Ano ba yang pinag uusapan ninyo at kayo lang ang nagtatawanan dyan ha ?" Pasigaw na tanong ni Nicholas
" Ah wala , pinagtatawanan ka lang namin .. halika , pag usapan natin sarili mo " birong sagot no Heeseung kaya tumawa naman ang iba
Sa totoo lang , mamimiss talaga ni Ni-ki ang mga barkada nya .. kung gaano sila magtawanan , magkwentuhan at magbangayan . Pero lalong lalo na , kung pano sila magdamayan , magtulungan at magparamdam nga pagmamahal at suporta sa isa't isa .
Alam nyang mamimiss nya nag Korea pero kapag umuwi na sya doon ay hindi na sya babalik pa dito .. he'll be staying there for good . Pinagbibigyan lang sya ngayon ng lolo nya . Pero pwede naman silang bumisita dun . Nandyan si Jay para ilibre sila ng ticket lol .
Sana lang ay maging masaya sina Jungwon at Celine sa bagong buhay na lalakbayin nila kahit na wala na yung gwapong bestfriend nila sa tabi nilang dalawa .
' mamimiss ko to ' sabi lang ni Ni-ki sa isipan nya
^^^
multiple updates because I won't be updating next week .. and di ko alam kung kelan na naman ako makakapag publish ng next chapters .
Siguro , magsusulat nalang muna ako para marami akong maii-update next time tulad nito huehue .. gusto nyo yon ?
Yung signal talaga problema ko eh .. di ako maka open ng wattpad online kung dito lang ako samin , kailangan ko pa talagang pumunta sa mga lugar na maganda yung signal kaya yung pag update eh minsan lang .. kaso ang hirap gumala ngayon naka lockdown dito samin .