celine
bakit ba kasi ayaw akong samahan ni Ni-ki ? hmmm , baka may gala syang iba .. omg ! baka may date sya ! omg omg .. baka may jowa na sya wahhhhh .. sanaol may jowa hahaha
pero maiba tayo .. kamusta na kaya si jungwon ? di na kami nakakapag usap madalas kahit sa text minsan nalang din .. ano kaya kinabi-busy'han nun ?
it's almost six months since we've met at naging komportable na akong kasama sya .. nung una .. nung sinabi ni dad na ipapakasal nya ako kay jungwon , ayoko ko talaga eh .. una , di ko sya kilala tas pangalawa di ko naman sya mahal .. i don't wanna be tied to someone i don't even love and besides , marriage without love are mostly not working out . it's either you'll divorce or be trapped in a miserable situation .. what if you'll find the one you love but unfortunately you're already married to someone ? it'll be hard .. you'll somewhat suffer or you'll end up cheating . so in my conclusion , a marriage without love sucks .
but i had to admit that some in that situation actually falls inlove .. like i mean , some of them would know each other's personality and eventually fell inlove with each other .. but i can't risk my own marriage life like that .. it was like you're gambling and you're just praying that luck would be on your side .
pero kay jungwon omg .. parang nagka crush agad ako sa kanya eh . di ko lang sure ha , pero kasi diba nung first time naming nag meet eh medyo nag away pa kami . but days after , hinahanap hanap ko na sya i mean .. nakakahiya man aminin pero parang na miss ko sya ? haha basta ganun .. pero syempre pakipot pa si ate gurl
kasi maliban sa pagiging suplado nya eh di naman mapagkakailang gwapo sya .. ang cute pa ng dimple nya .. sanaol may dimple haha . tas ang lamig pa ng boses nya . pero mabait din naman sya kahit minsan tinotopak tsaka may pagka dramatic pero okay lang cute naman sya .
pero di ko parin nakakalimutan yung crush kong dancer eh .. sa kanya kasi , yung pagka crush ko eh as in admiration lang . alam nyo yun ? yung paghanga lang talaga kasi magaling syang sumayaw . yun lang yun , kay jungwon kasi iba but i won't let him know kaya nga pinu-pull out ko lagi yung 'crush' card ko ehh para pagselosin sya haha
admiration is different from infatuation .
pero bakit ba ako nag eexplain ? actually , di ko din alam . nababaliw na yata ako .. kay jungwon haha okay malala na siguro to
so i just want y'all to know na kakarating ko lang dito sa venue , nakisabay lang ako sa grupo nina kuya soobin .. yung kapitbahay namin hehe grupo sila ng mga gwapo . ewan ko ba , bakit ako napapaligiran ng mga magagandang nilalang .. but i'm not complaining tho
sa kanilang lima nalang ako sumabay kase yung favorite person ko ayun di ako sinamahan .. sana di masarap ulam nya for whole week straight haha . mga kalog din kasama tong mga to . pero atleast safe akong nakarating dito tsaka safe din ako later pag uwi kase sabi ni kuya yeonjun isasabay daw nila ulit ako .. oh diba free ride .. nakasave ako sa pamasahe hihi pero iniwan ko sila muna kase titingnan ko sa line up kung nandun yung Aces .. sila yung grupo nung crush ko hehe sana nandito sila
i checked the paper pinned on the wall for announcements and such .. then scanned it if there's the group I'm looking for . after a few moments , i cheered as i saw their group name
" woah nandito sila omg !" masigla kong sabi .. may pa talon talon pa ako .. pero di ko namalayan na may tao pala sa likod ko at naapakan ko yung paa nya
nagulat ako at biglang napalingon ..
" hala sorry .." sabi ko lang at tiningnan sya pero parang nagulat sya .. kilala ba nya ako ?
" it's okay " tipid na sagot nya at pumunta sa papel na nakasabit sa pader .. titingnan nya rin siguro yung mga grupong pupunta .
hinintay ko syang matapos habang tinitingnan sya ng mabuti kasi parang kilala ko sya eh .. kaso parang sinasadya nyang di magkasalubong yung paningin namin .. iniiwas nya mukha nya sakin .
" umm , excuse me .. do i know you ?" tanong ko .. teka parang ewan naman yung tanong ko
tumingin sya sakin tsaka umiwas agad .
" huh ? i don't think so " sabi pa nya .. pero yung boses nya parang pinipilit nyang iibahin lol halata eh
aalis na sana sya ng bigla kong higitin yung braso nya
" teka lang naman .. kuya heeseung ?" tanong ko at narinig kong napamura sya haha huli pero di kulong
" what are you talking about ?" gamit na naman nya yung deep voice nya tsaka inalis ang kamay kong nakahawak sa kanya .. di na ako nakapagsalita ng bigla nalang syang tumakbo palayo sakin .tas nakita kong sinalubong sya nung isa pang lalaki ..
" omg , kuya jay ?" sabi ko naman na tama lang para marinig nila .. napatingin naman yung isa tsaka parang nataranta at tumakbo palayo habang hawak sa braso si kuya heeseung omg #ship
hala if nandito sila , so it means sina Ni-ki at Jungwon nandito din ? pero bakit para silang sasayaw sa outfit nila ? sasayaw din ba sila ? halaaaaa kung kasali sila eh makikita ko yung kagrupo nila ..
"hmmm , sige takbo pa kayo .. malalaman ko rin yung tinatago nyo " sabi ko lang at tumawa ng nakakaloko .. pinagtitinginan na ako di pero wala along pake kase ganito minsan yung tawa sa mga pelikula hehe