43

282 15 13
                                    

" Ni-ki ! Halika dito , isukat mo to oh " sigaw ni Jungwon kay Ni-ki .. nasa isang sikat na shop ng sapatos sila ngayon at pumipili ng sapatos na gagamitin para sa kasal .

Pinuntahan naman ni Ni-ki kung nasaan ang kaibigan para tingnan ang napili nito .

" Sukat mo to , maganda naman ang design .. bagay sayo yan " dagdag pa ni Jungwon pero di na umimik pa si Ni-ki at sinunod nalang ang sinabi nya .

In fairness , gusto din nya yung design at saktong sakto sa paa nya .. at isa pa , napaka komportable nitong suutin . Si Jungwon ang pumipili kasi kung sya lang ay bibilhin niya kahit hindi nache-check nang mabuti ang item . Basta kasya sa kanya ay binibili nya kahit na magkano pa yan .

" Okay naman .. saktong sakto sakin " sabi lang ni Ni-ki " ano ka ba , alangan namang hindi eh yan yung size mo eh haha .. halika na , babayaran na natin to "

Hinatak nya papunta sa cashier si Ni-ki .. pero nang maglabas na ng cash si Jungwon ay pinigilan nya ito . Nagulat naman si Jungwon sa inasta nya lalo pa at naglabas si Ni-ki ng card nya para magbayad .

" Ako na wonie .. " sabi nya kaya nagtaka si Jungwon kasi hindi naman sya talaga nagbabayad kapag magsa-shopping sila

" Woah ! Marami ka yatang pera ngayon "

" Hindi naman , sakto lang . Nakakahiya naman kung pati pa sa gagamitin ko sa wedding nyo ay ipapalibre ko pa sa inyo " sabi lang ni Ni-ki bago hawakan ang paper  bag at naunang lumabasa kay Jungwon

Sinundan nya nalang si Ni-ki kahit na medyo nagtataka kasi lagi syang nagpapalibre pero ngayon sya na mismo kusang nagbayad .. nagbabagong buhay naba sya ?

Pinuntahan naman nila si Celine sa isang coffee shop sa labas ng mall .

" Babe ! Ni-ki ! " Sigaw nya nang makita ang dalawa na kakapasok lang ..

" Oh , kamusta ang pagbili ninyo ng sapatos ? " Tanong nya nang makaupo na ang dalawa

" Maganda yung napili ni Jungwon na design at saka komportable naman syang isuot " sagot lang ni Ni-ki at uminom sa inorder ni Celine na hot chocolate para sa kanya .

" Ahh ganun ba ? "

" At sya ang nagbayad babe .. nagbabagong buhay na ang best friend natin " sabi ni Jungwon kaya pinandilatan naman sya ni Ni-ki

" Hayaan mo na si Ni-ki .. wag mong asarin . Parang wala sa mood ngayon eh " sabi lang ni Celine dahil alam nyang iba ang mood ngayon ni Ni-ki at ayaw nyang painitin lalo ang ulo nito .

" Alright .. so saan tayo pagkatapos nito ?" Tanong ni Jungwon

Napaisip naman si Celine .. sya lang kasi ang laging may idea basta gala ang pag uusapan

" hmmm , medyo pagod na ako pero pwede pa naman tayong mag movie marathon nalang sa bahay " suhestyon nya pero parang ayaw pa ni Jungwon na umuwi ..

" Bakit ba ang bilis mong mapagod ? Come on , matagal na tayong di nakakagalang tatlo kaya dapat lubos lubusin na natin to .. oh ano , G kaba Ni-ki ?" Sabi lang ni Jungwon at tinanong si Ni-ki , nag aabang na sumang ayon ito sa kanya ..kaya tumango naman si Ni-ki kahit medyo napipilitan ito .. who knows , baka ito na ang last gala nilang tatlo

" Hayyyss sige na nga .. mag amusement park nalang tayo .. okay ba sa inyo yon ?" Si Celine naman ngayon ang nagtanong

" Okay ! Tara !" Malakas na sabi ni Jungwon kaya pinagtinginan sya ng ibang costumers

" Di po sya namin kilala " sabi lang ni Ni-ki kaya natawa nalang yung iba

---

Nandito sila ngayon sa ticket booth para sa vikings kahit na ayaw ni Ni-ki dito . Napilitan lang siyang sa kanilang dalawa dahil gusto nilang sakyan ito .

It's you from the start || y.jungwon ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon