Perfectionist Vs Housekeeper 6

153 24 14
                                    

CHAPTER 6

Ace's POV

Tinamaan ako ng matinding sipon at sore throat. Mukhang trangkaso ang labas ko nito ah.

Maya-maya ay may kumatok bago pumasok ng pinto, si Shera, bitbit ang isang tray.

"Good afternoon, Boss! Pinagtimpla kita ng mainit na tea with calamansi. Makakabuti 'to sayo para pagpawisan ka,"sabi niya.

Hindi ako kumibo at pinagmasdan ko lang siya habang nilalapag ang tray sa side table. Napansin ko na kahit housekeeper lang siya ay may simpleng ganda at maganda rin ang hubog ng katawan.

Maamo rin ang mukha at palaging smiling face. Kahit na napapagalitan na at masama ang loob ay nakukuha pa niyang tumawa.

"Ano pala ang gusto mong ipaluto ko kay Manang sa hapunan?"tanong ni Shera.

"Bahala ka na."

Shera's POV

Nagulat ako noong sinabi ni Ace na 'bahala ka na', pati si Manang Meme ay nagulat. Kaya nag-decide kami na sinigang na lang ang lutuin, maasim para makatulong sa paggaling niya.

Bago maluto ang sinigang ay sorpresang dumating si Lolo Ed at maraming bitbit na pasalubong. Sa labis na pagkatuwa ko ay niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.

"Lolo! Bakit di ka po nagsabi na darating kayo?"

"Gusto kong i-surprise si Ace. Where is he?"

"Nasa kwarto niya Lolo, may sakit ata."

"Ha? Bakit nagkasakit? Halika. Samahan mo ako."

Ang gaan ng loob ko kay Lolo kaya kumapit ako sa braso niya at sinabayan siyang umakyat.

"Kumusta ka na, Shera? Hindi ka ba hina-harass ni Ace?"

"Hindi naman po masyado. Carry pa naman. Siya kasi ang naiinis sa akin eh. Hehe."

Nasa tapat na kami ng kwarto ni Ace. Si Lolo na ang nagbukas ng pinto at nagulat si Ace nang makita niya si Lolo.

"Ace, anong nangyari sa'yo?"tanong agad ni Lolo.

"Konting lagnat lang na may sipon at ubo."

"Ikaw talaga, Ace. Hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka na agad."

"Ikaw rin 'Lo, eh. Hindi mo sinabing may mahaderang nakatira dito sa mansion."

"Mahadera?"

"Ako siguro 'yon, 'Lo," sabi ko, kaya natawa si Lolo.

"Okay lang na tawagin ka nun? At mukhang proud ka pa hah."

"Okay lang. Hindi naman totoo."

"I know. You're such a wonderful young lady and I admire you for being a good provider of your family."

"Thank you, 'Lo."

Inakbayan ako ni Lolo at niyakap ko siya sa bewang. Napansin ko ang tingin ni Ace na may kahulugan.

Ace's POV

Nakakaduda talaga ang dalawang 'to. Bakit ganoon sila ka-sweet? Kadiring babae! Pumapatol ng matanda.

"Bakit ganyan ka makatingin, Ace?" tanong ni Lolo.

"Sino ba siya sa buhay mo, 'Lo?"direktang tanong ko.

"Siya lang naman ang babaeng gusto kong tulungan para guminhawa ang buhay."

"Iyon lang kaya ang dahilan?"bastos man ang tanong pero hindi ko mapigilan.

Biglang kumalas sa pagkakayakap si Shera at hinarap ako na nakapamewang.

"Hoy, teka lang! Ano ang ibig mong sabihin? Nagtuturingan lang kaming maglolo. Hindi ako kagaya ng iniisip mo dahil hindi ako ganon!"

"Aba, Ace. Masama ang nanghuhusga ng kapwa. Sa palagay mo ba ay magagawa ko ang mga iniisip mo?"

"Pwede Lolo. Kapag napaikot ka ng isang babaeng naghahangad ng yaman."

"Hindi 'yan totoo. Mag-sorry ka sa Lolo mo. Nakakahiya ka! Pinag-isipan mo si Lolo ng ganyan? Napakabait ni Lolo dahil tinulungan niya ako. Pasalamat ka, hindi ka katulad sa akin,"umiiyak na sabi ni Shera.

"Hwag ka namang manghusga ng tao. Nagpapakatotoo lang ako dito at wala kaming relasyon ni Lolo!"sabay labas ng kwarto.

"Sinaktan mo ang loob ni Shera, Ace. Sumusobra ka na!"galit na sabi ni Lolo.

"Anong gusto mong isipin ko noong nakita ko ang picture niyo sa cellphone niya, na friends kayo?"

"Oo, may picture kaming dalawa. That was the time when I gave the cellphone to her. She was excited to try the camera, kaya nagkaroon kami ng picture. Walang malisya."

Natigilan ako at napahiya. Nagkamali talaga ako kasi sa pagkakaalam ko kay Lolo, hindi siya babaero.

"'Lo, sorry sa mga nasabi ko."

"Hindi ka lang sa akin mag-sorry. Mag-sorry ka rin kay Shera."

"Sige po."

Shera's POV

Parang walang nangyari kanina ang pinapakita ko sa kanila ngayon habang nagdi-dinner kami.

Masiglang mukha ang nakikita nila sa akin na walang bakas na kagagaling lang umiyak. Hindi ko ipapakita sa kanila na sobrang affected ako sa sinabi ni Ace sa akin.

"Masarap ang ulam, ah."

"Tsamba lang 'yan, Lolo. Hehe."

At marami pang kasunod na tawanan ang naganap. Nagbibiruan at nagtatawanan lahat, except sa lalaking nagngangalang ... Ace.!

Perfectionist Vs HousekeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon