Perfectionist Vs Housekeeper 9

132 24 10
                                    

CHAPTER 9

Shera's POV

"Miss na miss kita, Ace."sabi ng babae sabay halik ulit kay Ace.

Hindi ko na kaya 'to. Pinagmasdan ko ang babae. Mini dress ang suot niya na kita ang mapuputing hita. Wala akong panama sa kanya. Nagmumukha akong pulubi dito sa tabi. Nakakaistorbo ako dito.

Tumalikod ako para umalis nang tawagin ako ni Ace. Sana hindi niya mahalata na malungkot ako.

"Where are you going?"

"B-Babalik na sa loob ng mansion."

"No. Hindi ka aalis."

"Sino ba 'yan at pinag-aaksayahan mo ng panahon?"sabi ng babae na Cherry ata ang pangalan.

"Siya ang bago naming housekeeper."

Tinignan ako ni Cherry, mula ulo hanggang paa.

"Yuck! You're talking to such kind of a woman? Wala ka bang makausap dito kaya pinagtiyagaan mo siya?"

Matapang ako, pero sa mga oras na 'to ay nawala. Hindi ko siya magawang sagutin. Nasasaktan kasi ako sa mga sinasabi ng babae.

"Sige, Ace. A-Aalis na ako." nagpaalam na ako at tumakbo bago tumulo ang luha ko.

"Shera!" narinig kong tawag ni Ace pero hindi ko pinansin.

"Umiiyak ka? May problema ka ba?" tanong ni Manang Meme habang abala sa pagluluto ng lunch para ipakain sa bruha.

"Nage-emote lang po ako."

"Aru, nagseselos ka doon sa babae?"

"Bakit naman ako magseselos? Sino ba siya?"

"Noon ay nagkagustuhan na ang dalawang 'yan pero madly inlove yung bruha sa boyfriend niya kaya hindi niya sinagot si Sir Ace. Kaya wala silang relasyon."

Oo nga naman. Bakit ako matatakot sa bruhang 'yon, wala naman pala siyang karapatan kay Ace.

Kumakain na kami ngayon at parang ayaw kong sumabay sa pagkain nila. Nandito naman si Lolo Ed, siguro hindi na makapag-inarte 'tong si Cherry.

"Siyanga pala, Cherry. Nandito ka na naman, iimbitahin kita sa debut nitong si Shera." sabi ni Lolo Ed.

"'Yang housekeeper ninyo?"paniniguro ni Cherry. "Ang sosyal naman niya."

"Natuwa lang ako sa kanya, Cherry. May maganda siyang ugali na mahirap makita ngayon sa kabataan."

"Naku, mag-ingat kayo. Baka arte lang 'yan at magnanakaw pala." prangka niyang sabi.

Umakyat na ang dugo ko sa ulo. Harapang nanlalait? Tumayo ako at hinatak ang damit niya.

"'Wag mo akong husgahan dahil hindi mo ako kilala!"gigil na gigil kong sabi.

"Ano ba? Don't touch me! Yuck ka! Baka may virus ka at mangati ako!"react niya.

Lumipat ang kamay ko sa baba niya at inilapit ang mukha ko sa kanya na tila diring-diri sa akin.

"Isa pang masamang salita at ingungudngod na talaga kita."

Tinabig ni Cherry ang kamay ko at nag-aakmang sasampalin ako pero inawat siya ni Ace.

"Stop it, Cherry. Hindi ka naman inaano ni Shera."

"Aba! Maraming kakampi pala 'to."

"Cherry, mabuting tao si Shera. 'Wag mo siyang pag-isipan ng masama."mahinahong sabi ni Lolo.

Perfectionist Vs HousekeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon