Perfectionist Vs Housekeeper 2

195 25 13
                                    

CHAPTER 2

Ace's POV

"Napatawag ka, apo?"bungad sa akin ni Lolo sa kabilang linya.

"Lolo, I'm coming home."

"What?"

"Hindi ako masaya dito sa ibang bansa. Dyan na lang ako magtatrabaho sa Pilipinas."

"Talaga bang nakapag-decide ka na?"

"I want a perfect life, Lolo. But not in this place. Tutulong na lang ako diyan sa pagpapalago ng buhay natin diyan."

"Okay. Ikaw ang bahala. If thats what you want."

Shera's POV

"Wow! Ang gara naman ng mansion ninyo, Sir! Parang palasyo at ang ganda", sabi ko nang makarating na kami sa mansion.

Pinakita sa akin ni Lolo lahat ng sulok ng bahay. Mga malalaking kwarto, dalawang salas, mga magagandang gamit at iba pa na sa TV ko lang nakikita.

Nasa tapat kami ng isang kwarto.

"Ito ang aming guest room at dito ang magiging kwarto mo."

"Naku, pwede na po ako sa sahig matutulog. Maglalatag na lang po ako ng banig."

"Hindi ka sa sahig matutulog, Shera. Ito ang magiging kwarto mo. Come in."

Nahihiya pero excited akong pumasok sa loob. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang kabuuan nito.

"Wow! Ang ganda naman ng magiging kwarto ko. Ang laki-laki. At kasya kami ng mga kapatid ko sa kamang 'yan!"

"Ganoon ba? Don't worry. Minsan ay papupuntahin natin ang pamilya mo dito."

"Talaga po, Lolo?"

Natigilan si Lolo sa sinabi ko. May nasabi ba akong mali?

"Lolo? Tinawag mo akong Lolo?"

"Naku, sorry po. Sabik po kasi ako sa Lolo kaya parang gusto ko kayong tawaging Lolo."

"If you're comfortable calling me Lolo then call me Lolo."

"Talaga po? Naku, salamat po! Habang naririto ako, lagi ko kayong tatawaging Lolo. Lolo! Lolo! Lolo!"

Natawa si Lolo sa sinabi ko.

"Pero nakakatakot naman. Home alone lang ako dito. Wala ba ditong multo?"

"Haha. Walang multo dito. Magkakaroon ka ng kasama kapag bumalik na 'yong katiwala dito dati na nag-resign."

"Joke lang naman po 'yon. Hindi po ako afraid sa multo. At makakaasa kayo na palaging malinis ang mansion niyo kasi ayaw ko rin ng marumi. Just leave it to me, Lolo."

"Siya sige, hindi na ako magtatagal. Basta huwag kang basta magpapapasok ng kahit na sinong tao dito, ha?"

"Ay, Lolo. Super higpit ako pagdating diyan. Cannot be ang mga trespassers."sabi ko at natawa si Lolo.

"Okay. Basta may kailangan ka, just text or call me sa cellphone."

"Cellphone?"

"Ay, wait. Heto cellphone with cam na 'yan para kapag may gusto kang kunan ng picture ay magawa mo."

Tinuro sa akin ni Lolo kung paano gamitin ang cellphone.

"Lolo, try ko kung marunong na ako nitong gumamit. Pa-picture tayong dalawa."masigla kong sabi.

"Oh, sige."

"Closer, Lolo. 'Yung cheek to cheek para mukhang maglolo talaga tayo."

Tatlong shot kaagad ang kinunan ko.

"Maglolo na talaga tayo ngayon, apo."

"Talaga po? Ang bait bait mo talaga, Lolo."sabay yakap.

Nang makaalis si Lolo Ed ay na solo ko ang mansion.

Nilibot ko ulit ang buong bahay. Abot tenga ang ngiti kong bumalik sa kwarto ko at nahiga sa kama.

"Wow! Buhay rich na ako ngayon dito. Ang ganda ng tirahan at maraming pagkain."

Para na akong sira, nagsasalita mag-isa.

Binuksan ko ang TV na nasa kwarto ko at excited na nagpalipat-lipat ng channel.

"Teka, nagugutom ang prinsesa. Makakain nga muna."

Pumunta ako sa kusina. Pagbukas ko sa refrigerator ay puno 'yon ng masasarap na pagkain. May karne ng manok, baka, baboy ,may mga isda at ang daming fruits.

Kukuha na sana ako pero nagbago ang isip ko. Sa halip ay tinawagan ko si Lolo Ed para magpaalam.

"Eat all you can, Shera. Binili ko talaga 'yan para sa'yo. Basta huwag lang pasakitin ang tiyan, ha?"

"Opo. Salamat po, Lolo. Hehe."

Habang kumakain ay naalala ko ang mga magulang at kapatid ko.

"Sayang, kung nandito lang sana kayo. Pero dahil wala kayo rito ay ikakain ko na lang kayo."

Nang nainip na ako, kasi hindi ako sanay ng walang ginagawa kaya nagwalis ako sa bawat sulok ng bahay. Kaya napagod ako at napaidlip sa sofa. Pero nagising ako sa malakas na katok ng pinto.

Perfectionist Vs HousekeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon