Perfectionist Vs Housekeeper 5

167 27 19
                                    

CHAPTER 5

Shera's POV

"L-Lolo Ed, good afternoon po."kinakabahan na bati ko kay Lolo sa kabilang linya.

Bakit kaya napatawag si Lolo? Baka naman nagsumbong na ang lalaking 'yon at paaalisin na ako ni Lolo.

"Kumusta ka na, hija?"

"Lolo, sorry po kung nabastos ko ang apo niyo. Maawa po kayo. 'Wag niyo po akong tanggalin," mangiyak-ngiyak kong sabi.

"At sinong may sabi na tatanggalin kita? Eh, gusto ko lang sabihin na congratulations! Nakahanap na sa wakas ng katapat ang masungit kong apo. Just continue what do you think is right, okay?"

"Opo. Sige po. Salamat po,"natatawa kong sagot.

Pagbaba ng phone ay nagtatalon-talon ako sa tuwa.

"Yehey! Hindi galit si Lolo sa akin!"

"Talaga? Ang lakas mo talaga kay Sir Ed. Oh siya, tawagin mo na si Sir Ace at nang makakain na tayo."

"Tayo? Bakit tayo?"pagtatakang tanong ko.

"Naku, ayaw niyang kumain na mag-isa. Gusto kasama ang mga kasambahay niya. Kaya, behave ha. 'Wag kang magkakamay."

"Ay, ayoko nga, Manang. Ipapakita ko sa kanya kung sino talaga ako kahit na magalit siya."

Ace's POV

Bakit kaya malakas ang babaeng 'yon kay Lolo. Hindi kaya may relasyon silang dalawa ni Lolo? Haaay ano ba 'yan! Kung anu-ano na ang iniisip ko.

Nasa garden ako ngayon habang hinihintay na tawagin ako para mananghalian.

"Yuhuuu! Sir Ace, where are you? Kakain na po!"

Tinatawag na ako ni Shera,kaya nagtago ako. Hindi ako sumagot. Bahala siyang mapagod kakahanap.

"Sir Ace! Kakain na po! I know naririnig mo ako at hindi kayo bingi. Last call na po ito! Kapag hindi kayo lalabas, uubusin namin ni Manang Meme ang adobo!"

Nalilito ako kung matatawa o maiinis sa babaeng 'yon. Pero nakakabilib siya. Hindi siya umiyak kahit anong masasamang sinabi ko sa kanya.

Napilitan akong lumabas at pumunta na sa dining table. Nadatnan kong nakahain na ang paborito kong adobo.

"Sitdown na po, para makakain na tayo,"sabi ni Shera.

Pinilit kong i-relax at ialis ang simangot sa mukha ko, saka ako umupo.

"Mag-pray muna bago kumain. Para hindi magkasakit o kaya ay malason,"wika ni Shera at siya ang nag-lead ng thanksgiving prayer.

"Ayan! Fight na! Pero ladies first muna, di ba?"

Siya ang unang kumuha. Gabundok na kanin at ibinuhos niya sa ibabaw ang adobo. Tapos kumain na siyang nakakamay.

Nandidiri akong nakatingin lang sa kanya. Babae ba 'to?

"Bakit ganyan ka kumain? Gumamit ka ng kutsara't tinidor."

"Ay naku! Basta adobo, gusto kong nakakamay lang para masarap ang kain."

Napailing nalang ako at naglagay na rin ng kanin at ulam.

"Manang, pahingi pa ng adobo. Muntik na tayong ubusan ng babaeng 'to."

"Madaming adobo, Sir. Kahit two days mong kainin, hindi ka mauubusan,"sabi ni Shera habang puno ng pagkain ang bibig.

"Don't talk when your mouth is full. Nakakadiri kang kumain. Para kang baboy."

Shera's POV

Nasamid ako sa sinabi ni Ace. Ikumpara ba naman ako sa baboy? :3

"Kaya nga ginawa ang kutsara't tinidor, para gamitin sa pagkain."

"Eh, kaya rin binigyan tayo ng freewill. Kung gusto kong kumain ng adobo ng nakakamay, choice ko 'yon. At kung gusto mong magkutsara't tinidor, choice mo rin 'yon. Walang pakialamanan."

"Ikaw, ha! Umayos ka! Baka nakakalimot ka kung ano ka rito."

"Hindi ko nakakalimutan na housekeeper ako rito. At hindi ibig sabihin na pwede mo na akong pakikialamanan. Bakit? Boyfriend ba kita?"pagsabi ko nito ay nanlaki ang mata ni Ace.

"Argh! Hindi yata ako makatatagal dito hanggang nandito ka."

"Problema mo na 'yon."

"Hindi ka ba titigil sa kasasagot?"

"Hindi magandang pagsabayin ang pagkain at galit. Kain muna at mamaya na magalit, okay?"

Tapos na akong kumain kaya tumayo na ako at naghugas ng kamay. Sa wakas ay tumahimik na si Ace.

Maya-maya ay tumayo si Ace pero bago siya umalis ay nagsalita ulit.

"Muli, 'wag kang tatayo hangga't may kumakain. Kabastusan 'yon."

Ngeeek! Hindi pa pala tapos. Hehe. XD

Shera's POV

"Ikaw na bata ka. Ang tapang mong sagut-sagutin ang amo natin," sabi ni Manang Meme.

"Aba, hindi ako papayag na api-apihin niya lang ako. Porke't apo siya ng may-ari, pwede na niya akong pakialamanan?"

"Ganoon ba? Aba, eh, ipagpatuloy mo lang 'yan at nang makita ni Sir Ace na hindi lahat ng tao ay kaya niyang pasunurin sa gusto niya."

Napangiti ako at nakipag-appear kay Manang.

"Pero may sasabihin akong secret, Manang. Atin-atin lang 'to, ha!"bulong kong sabi.

"Ano 'yon?"habang lumalapit sa akin.

"Crush ko ang impakto. Hehe. Ang gwapo kasi niya at gaya niya ang gusto kong maging boyfriend."

"Manalangin ka lang kay Lord na maging boyfriend mo siya. Baka ibigay sa'yo."

"Nagpapatawa ka ba, Manang? Isang gwapong rich magkakagusto sa isang hindi magandang poor?"

"Akala ko ba, palaban ka? Bakit dina-down mo ang sarili mo? At hindi ka naman pangit. Mag-ayos ka lang ng kunti, tiyak lalabas ng tunay mong ganda."

"Meron ba ako nun?" O.o

"Meron. Maniwala ka."

"Sige na nga. Maniniwala na ako. Sinabi niyo eh," nakabungisngis kong sabi.

Sa hapon ding 'yon ay niyaya ko si Manang Meme na samahan ako sa plantation. Malapit lang 'yun sa mansion.

Ace's POV

Kanina pa ako tawag ng tawag sa mga kasambahay. Bakit walang sumasagot? Kaya bumaba na ako.

Wala talaga sila sa mansion. Papalabas na sana ako, pero nakita ko ang cellphone ni Shera sa center table. Kinuha ko at tinignan.

Nagulat ako nang makita ang wallpaper niya na magka-cheek to cheek silang dalawa ni Lolo. Lalong lumala ang hinala ko na may relasyon sila.

Hindi ko hahayaang magtagumpay siya na makuha ang tiwala ni Lolo.

Perfectionist Vs HousekeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon