Perfectionist Vs Housekeeper 10

200 23 27
                                    

CHAPTER 10

Shera's POV

Nagtaka ang mga magulang ko kung bakit rin ako nag-eempake ng gamit ko.

"Oh, anak saan ka pupunta?" tanong ni Mama.

"Sasabay na po ako sa inyo. Ayoko na rito, 'ma."

"Ha? Bakit? Nahihirapan ka na ba? Inaapi ka ba nila?"tanong naman ni Papa.

"Naku, hindi po 'Pa. Mababait po sila, wala po akong ma-say. Kaya lang, 'yung nangyari kagabi... nahihiya na po ako."

Nagulat sina Lolo Ed at Ace nang magpaalam ako sa kanila.

"Bakit biglaan, hija?"

"Ayoko lang pong magkagalit kayo ni Cherry. Kaya ako nalang po ang aalis."

"Akala ko ba palaban ka?"sabi ni Ace.

"Akala ko nga rin, eh. Pero hindi ko pala kaya na pinahiya niya ako sa harap ng maraming tao.Kaya sorry po kasi hindi ko nacontrol ang sarili ko kagabi."

"Sige, kung 'yan ang gusto mo. And always remember that the mansion is always open for you."bilin ni Lolo.

"Opo, Lolo."

Napaiyak na ako at niyakap ako ni Lolo. Nakatingin lang sa akin si Ace. Siguro natutuwa na siya kasi mawawala na ako sa mansion. Lumapit ako sa kanya at ako na ang yumakap.

"Thank you kasi natanggap mo ako kahit huli na."

Nagulat ako kasi yumakap din si Ace sa akin. Una ay maluwang pa pero bigla niyang hinigpitan ang pakakayakap sa akin.

"Mami-miss kita."bulong niya.

"A-Ako din."at kumalas na siya.

"Hindi mo na ba hihintayin na ibigay ko ang regalo ko para sayo?"

"Hindi na. Salamat na lang."

Bumuntong-hininga si Ace at niyakap ako ulit. Kakaibang yakap 'to. Yakap na parang ayaw na niya akong pakawalan.

"S-Sige, Ace. Aalis na kami. Salamat sa lahat-lahat."

Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko habang nakasakay sa van, paalis.

Magkikita pa kaya kami ni Ace?

Shera's POV

Nagmumukmok ako ngayon sa palengke. Kumakayod na naman, malapit na kasing maubos yung pinabaon ni Lolo Ed sa akin.

"Ano ba 'yan? Nasa malambot na kama ka na, bumalik ka pa dito sa palengke."sabi ni Kim.

"Ganyan talaga ang buhay."

"Miss mo na siguro 'yung poging lalaki na last dance mo sa party 'no?"

Napangiti ako.

"Oo. Sobra. Love ko 'yon, eh. Kahit alam kong wala kaming pag-asang dalawa, okay lang sa akin kahit makita ko lang siya. Pero malas eh. May dumating na kontrabida. Kaya heto ako ngayon."

Ace's POV

Naging malungkot ang mansion simula noong umalis si Shera. Nawala ang tawanan at napalitan ng matinding katahimikan. Nami-miss ko ang malambing na tinig niya.

Nandito ako ngayon sa plantation para alalahanin ang mga masasayang araw namin ni Shera noong nandito pa siya. Biglang napalitan ng galit ang nararamdam ko nang bigla kong nakita si Cherry na palapit.

Ang lakas ng loob naman niyang bumalik dito matapos ng ginawa niya. Sinalubong ko siya ng isang sampal.

"Ayoko nang makita ka dito!"

Perfectionist Vs HousekeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon