Perfectionist Vs Housekeeper 8

139 23 14
                                    

CHAPTER 8

Shera's POV

Tumayo na si Lolo para magpaalam na magpapahinga sa kwarto niya. Kaya kaming dalawa ni Ace ang natira. Tahimik lang kami nang bigla siyang nagsalita.

"Bakit sobrang masaya ka kapag kasama mo si Lolo?"

"Kasi bukod sa pamilya ko, siya lang ang nagpakita ng kabutihan sa akin."

"Anong kabutihan? Pwedeng malaman?"

Natigilan ako sa tanong ni Ace.

Hindi ko alam kung bakit inuusisa niya ang kabutihan ni Lolo sa akin. Kung may gusto na naman itong malaman, mas makabubuti na sabihin ko na ang totoo.

"Nakita ako ni Lolo noon na umiiyak dahil kinuha ng mga taga-MMDA ang mga paninda ko sa palengke. Pambili sana 'yon ng gamot ng Papa ko at pagkain namin. Naawa ata si Lolo, kaya tinulungan niya ako."kwento ko.

"Ah, dati ka palang tindera."

Tumigil ako sa pagmamasahe sa kanya at tinignan siya.

"Nandidiri ka na ba sa akin? Dahil dati akong tindera?"

"No. Hindi. Gusto rin kitang hangaan tulad ni Lolo."

Tinuloy ko ulit ang pagmamasahe.

"Nakakapagtaka yata. Hindi gugustuhing hangaan ng isang perfectionist ang katulad kong madami ang imperfections."

"Ngayon ko lang na-realize na tama ka. Hindi ako laging tama. At sorry sa mga nagawa ko. Naging rude ako sayo."

Napahinto ulit ako sa pagmamasahe at tinignan siya kung seryoso siya. Hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasabi niya. Nakakagulat.

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo?"

"Why? Mukha ba akong joker?" nakangiti niyang sabi.

"I'm shock, you know."

At natawa siya sa sagot ko. Ano kaya ang nakakatawa dun? Baka baliw na 'to. Hehe. Sssshh

"Basta friends na tayo, ha. Pwede?"sabi ni Ace.

"Oo naman. Ikaw lang naman ang nang-aaway, eh."

"Haha sorry na nga, diba?"

Nagtawanan pa kami at nagkwentuhan. May kalog side rin pala si Ace. Ang gwapo niya talagang tumawa. Patatawanin ko siya lagi. Lalo na ngayon na friends na kami.

May chance kaya na siya ang Future Boyfriend ko? :D

Puspusan ang preparation sa debut ko. Asikasong-asikaso ni Lolo Ed ang mga pinagawa niya kay Ace. Hindi naman tumutol si Ace, palagay ko nga ay tagalang bumait na siya.

Amazed na amazed ako nang nagpatawag si Lolo ng isang couturier para sukatan ako ng gown.

"Magga-gown ako, Lolo? Pwede namang pants at t-shirt lang."

"Not an ordinary dance party ang event, Shera. Kailangang formal at magandang-maganda ka sa araw na 'yon."

Excited na akong mamili sa mga gowns na hinanda ni Ara na isang bading na couturier.

"Oh princess, pumili ka na ng design dito," sabi ni Ara.

Napanganga ako sa ganda ng mga designs na pinakita niya. Pero pinili ko 'yung pinakasimple. 'Yung hindi masyadong expose ang likod at dibdib ko.

"Mahusay kang pumili, ah. Siguradong magmumukha kang very innocent princess nito."

Palapit na palapit na ang birthday ko. At kapansin-pansin ang pagbabago ng pakikitungo sa akin ni Ace.

Perfectionist Vs HousekeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon