Perfectionist Vs Housekeeper 7

136 24 15
                                        

CHAPTER 7

Shera's POV

Naghuhugas kami ni Manang Meme ng mga pinagkainan namin habang nagki-kwentuhan.

"Birthday ko na next month, Manang. Gusto ko sana humingi ng leave para sa amin na ako magsi-celebrate ng eighteenth birthday ko."

"Bakit hindi ka magpaalam, baka payagan ka."

"Mag-iisang buwan pa lang ako dito, nakakahiya."

"Subukan mo lang at sana hindi ka na pagdiskitahan ni Sir Ace. Birthday gift na niya 'yon."

"Oo nga. At hindi ako makapaniwala na eighteen na ako next month. Pwede na akong ligawan." XD

"Sinong may birthday next month?"

Nagulat kami dahil nasa likod pala namin si Lolo. Kaya hindi agad ako makasagot.

"Ah Sir, magde-debut na si Shera next month. Hihingi po sana ng leave para doon na magse-celebrate sa kanila."

"Hindi pwede. Hindi ako papayag."

"Lolo, please naman po. Kahit one day lang,"pagmamakaawa ko.

"Hindi talaga pwede."

Napayuko ako at nalungkot.

"Hindi ako papayag na hindi ka dito magse-celebrate ng debut mo. Bibigyan kita ng malaking party at ipapasundo natin ang mga kaibigan at pamilya mo. Sagot ko lahat."

"P-Po?" hindi ako makapaniwala.

"Hindi ako nagbibiro, Shera. Ang mababait ay pinagpapala."

Napaiyak ako sa labis na tuwa at niyakap ng mahigpit si Lolo.

Ace's POV

Pababa ako ng hagdan nang madatnan kong magkayakap si Lolo at si Shera.

Kumunot noo ko sa nakita. Pero pinilit kong 'wag bigyan ng malisya.

"Ahem!"

"Ace, hijo! Mabuti at nandyan ka! Debut na pala ni Shera next month at gusto ko siya bigyan ng malaking party. Asikasuhin mo ang big celebration dito."

"Sobra naman ata 'yan, 'Lo. Pati ba naman handa niya ay sasagutin mo? Malaking pera ang magagastus ninyo sa kanya, Lolo."

"No. My decision is final. Gusto kong iparanas sa kanya 'yon, kahit malaki ang gastus. Hindi ko naman madadala sa hukay ang pera ko when I'm gone, diba Ace? Maaasahan ko ba ang suporta mo? Alam mo naman na ikaw ang inaasahan ko kapag may events dito."

Tama naman si Lolo. Hindi niya madadala sa hukay ang pera. At kung ito ang makapagpasaya kay Lolo, hindi na ako kukontra pa.

"Sige po, 'Lo. Gagawin ko," I said.

Tinignan ko ng masama si Shera at nagtago siya sa likod ni Lolo. Natawa ako sa reaction niya pero hindi ko pinahalata. Kaya pala naaaliw si Lolo sa kanya.

Ilang araw na ang lumipas at nandito pa rin si Lolo sa mansion na alagang-alaga nina Shera at Manang Meme.

Napansin kong napakasipag talaga ni Shera. Kahit may konting dumi siyang nakita ay nililinis kaagad. Na-maintain ang kalinisan ng mansion.

At ngayon ay nakita kong minamasahe ni Shera ang paa ni Lolo habang nagki-kwentuhan sila. Lumapit ako para makinig sa kanilang usapan.

"Lolo, huwag mong huhugasan ang paa mo bago matulog. Punasan mo lang ng alcohol. Para na kasing bulate ang mga ugat ninyo sa paa. Hehe," biro ni Shera.

"Haha ganon ba? Sige, susundin ko 'yan."

"Dapat lang. Hehe"

"Ikaw ba ay walang planong magpatuloy sa pag-aaral?"

"Gusto ko nga po sana. Pero hindi ko pa po afford."

"Ano ba ang balak mong kunin?"

"Masahista na lang Lolo. Hindi joke lang. Ah, Business Ad po. Gusto kong magtayo ng business."

"Aba, maganda 'yan. Sige. Sagut ko na 'yan. Pwede ka nang mag-enroll next semester."

"Talaga po, Lolo? No joke?"gulat na tanong ni Shera.

Tumango lang si Lolo. Tumili ng malakas ang babae at biglang niyakap si Lolo.

Natawa si Lolo sa ginawa ni Shera at ako man ay napatawa niya. Masayahin talaga itong babae.

Nagpasya na akong lumapit sa dalawa. Biglang tumahimik si Shera at pinagpatuloy ang paghihilot sa paa.

"Lolo, mahusay palang masahista ang housekeeper natin. Pagkatapos mo kay Lolo ay ako naman. Masakit din paa ko, eh."

"Sige. Patapos na rin 'to,"nakangiti niyang sabi.

"Hayan 'Lo, tapos na. Relax muna, hah."

"Ang sarap naman. Magkano ba ang charge dito?"

"Free lang 'yan, 'Lo. Basta ikaw."

Ako naman ang hinarap ni Shera at iniisa-isang pinatunog ang mga daliri ko sa paa.

"Eh ako, libre rin?" tanong ko.

"May pay ka. One hundred pesos,"agad niyang sagot.

"Ha? Bakit si Lolo, libre?"

"Kasi mabait siya sa akin," seryosong sagot niya habang focus pa rin sa ginagawa.

Natawa ako sa sagot niya. Kaya napaangat siya ng tingin. Una ay seryosong mukha pero biglang bumungisngis ng tawa.

"Marunong ka naman palang tumawa, eh. Hindi ka na mukhang monster."

"Haha. Eh, ano na ang tingin mo sa kanya ngayon, Shera?"tanong ni Lolo habang tumatawa.

"Mukha na siyang artistahin, Lolo. Pwede na niya akong maging fan."

Naaliw ako sa mga sagot niya. Siguro kung hindi ko pinairal ang kasungitan ko ay magkakasundo kami.

Perfectionist Vs HousekeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon