Perfectionist Vs Housekeeper 3

176 27 12
                                    

CHAPTER 3

Shera's POV

Nagising ako sa malakas na katok. Hindi ko agad binuksan ang pinto. Sinilip ko muna sa door viewer. Nakita ko ang guard.

Pagbukas ko sa pinto, may kasama pala itong may idad na babae.

"Narito na ang makakasama mo, si Manang Meme."

Naalala ko bigla ang sinabi ni Lolo Ed na hindi basta magpapasok ng tao sa mansion.

"Sandali lang guard, ha. Tatawagan ko muna si Lolo."sabi ko, sabay tawag sa cellphone.

"Oh Bakit, Shera?"

"May dumating po dito na kasama ni guard. Manang Meme raw po. Papapasukin ko po ba?"

"Papasukin mo siya. Siya yung sinabi ko sa'yo kanina na makakasama mo."

"Sige po, Lolo. Babu."

Lolo Ed's POV

Natutuwa ako sa kakulitan ni Shera. Isa siyang masunurin at mabait na bata. Kaya nagtiwala kaagad ako sa kanya.

Wala sa mga apo ko ang naging malambing ng katulad ni Shera kaya naaliw ako sa kanya.

This is my wish na makahanap ng matinong magbabantay sa mansion. The one that I am afraid of ay ang pagdating ng apo kong si Ace. Baka siya ang maging dahilan ng pag-alis ni Shera sa mansion.

Shera's POV

"Naku, Manang Meme, magkakasundo tayo. Kasi pareho tayong mahilig magkamay kapag kumain,"nakangiti kong sabi kay Manang.

"Pero kung nandito si Sir Ace ay hindi pwede ito. Gusto iyon na perfect lahat."

"Sino pong Sir Ace?"

"Si Sir Ace lang ang apo ni Sir Ed na mahilig pumunta dito sa mansion."

"Eh, nasaan po siya?"

"Nasa Amerika. Sa sorbang higpit ni Sir Ace, gusto niya na nasa ayos lahat. At kung nandito 'yon at nakita tayo, siguradong kumain tayo na naka-kutsara at tinidor. Lalo pa at adobo ang ulam na paborito niya."

"Okay lang naman pong naka-kutsara at tinidor pero kapag adobo ang ulam ay mas gusto kong magkamay. Di ba?"

"Oo nga. Pareho tayo."

"Apir tayo, Manang!"

"Nakakatuwa ka, Shera. Napakabait mong bata."

"Pero alam mo Manang, malapit na akong mag-debut. Pangarap ko pong magkaroon ng malaking party, pero hindi na matutupad iyon. Baka lumpia at softdrinks lang ang handa ko."

"Pwede na 'yon. Saluhan kita. " at nagtawanan kami ni Manang.

Ace's POV

After three years ay muli akong nakatuntong sa Pilipinas.

Its nice to be back home.

Marahil iisipin ng iba na tanga ako kasi bumalik ako sa Pilipinas.  Mahirap kasi ang buhay dito para sa iba. Pero para sa akin na may kabuhayan naman dito, mas pipiliin kong dito na tumira.

Namimiss ko na ang mansion na lagi kong pinupuntahan kapag wala akong trabaho. Gusto ko doon kasi tahimik at relaxing.

Hindi pa alam ni Lolo na bumalik na ako. Gusto ko siyang i-surprise.

Pero sobra akong napagod sa paghahanda sa pag-uwi dito and I deserves a much needed rest. Kaya bago ako pumunta kay Lolo, magpapahinga muna ako sa mansion.

Sinundo ako ng driver namin na pinagkakatiwalaan ko sa aking sasakyan, bago ako umalis. Nalaman ko sa kanya na maraming nagsamantalang magnakaw ng mga gamit sa mansion.

Ngayong nandito na ako ay titiyakin kong hindi na magkakaroon ng nakawan doon.

Shera's POV

Mag-isa na naman ako sa mansion dahil humingi si Manang Meme ng dalawang araw na leave. Inaasikaso niya ang apong papasok na sa school.

Katatapos ko lang maglinis at ngayon ay nagpapahinga. Umupo ako sa sofa at nakataas ang paa sa center table nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang matangkad na lalaki na parang nagulat nang makita ako.

Nanlaki ang mata nito at naka-focus sa paa ko na nakataas. Kung nagulat siya ay mas nagulat ako. Tumayo ako na nakapamaewang at hinarap ang intruder.

"Hoy, sino ka? Basta ka na lang pumasok na walang paalam. Paano mo nabuksan ang pinto?"tanong ko.

"Hoy ka rin, Miss...may karapatan akong pumasok dito dahil..."nagsasalita siya habang humahakbang.

"Wait ka lang! 'Wag kang hahakbang! Hindi ka pwedeng pumasok sa bahay na 'to."

"What? Bakit hindi? Teka nga! Who are you?"

"Ako? Hmmm...ako lang naman ang huling bantay! Ang huling bantay ng mansion ni Lolo Ed!"pagmamayabang kong sabi.

"Ano?"

Walang kwenta naman tong kausap. Matawagan nga si Lolo.

"Hello, Lolo? May nakapasok po na lalaki, hindi ko alam kong paano."

"Ha? Sinong lalaki?"gulat na gulat na sabi ni Lolo sa kabilang linya.

"Matangkad po siya. Gwapo rin. Medyo maganda ang hair at..."

Pumasok ang driver na may dalang mga maleta.

"Lolo, mukha siyang balik-bayan."

"Tanungin mo ang pangalan, Shera."

"Excuse me, pinapatanong ni Lolo Ed kung sino ka raw?" tanong ko sa lalaki na parang nagdidilim na ang aura.

"Sabihin mo nandito na ang kanyang apong si Ace."

Biglang kinabahan ako sa sinabi niya. Siya kaya yung tinutukoy ni Manang Meme na istrikto?

"Lolo... si A-Ace raw po siya. P-Papasukin ko po ba?"narinig kong tumawa si Lolo.

"Sige, hija. Papasukin mo ang apo ko. Pero wag kang pasisindak sa kanya. Kapag nagpasindak ka, talo ka."

"Opo. Noted."

Ace's POV

Natapos nang makipag-usap ang mahadera sa Lolo ko at ngayon ay hindi makatingin sa akin.

"P-Pwede ka na raw tumuloy," sabi niya habang nakayuko.

"Talagang tutuloy ako rito dahil amin 'to. Tsaka, pwede kitang palayasin sa ginawa mo."

"Aba, at bakit naman po? Eh, sinunod ko lang ang bilin ni Lolo Ed. Masama maging masunurin?"sabi niya habang nakataas ang mga kilay.

"Sino ka ba at bakit ka nandito?"

"Ah, Sir Ace..siya ang bagong housekeeper,"sabi ng guard.

"I don't like her. Baka walang alam 'yan kundi pampaarte at mag-ayos ng mukha."

"Excuse me! Hindi ako maarte. Wala nga akong pulbos, eh. Masama 'yang nanghuhusga sa tao, ah!"

Aba, palaban ang isang 'to, ah. Gusto kong mainis sa babaeng ito pero napansin ko na cute ang bruha. Pero kahit na cute siya, ayaw kong tumira siya dito.

Tumalikod ako at tinawagan si Lolo.

"'Lo, where did you get this girl? I don't like her here. Papaalisin ko siya!"

"Huwag mong gawin 'yan, Ace. Ako ang nag-alok sa kanya ng trabahong iyan. Mula nang dumating siya, palagi nang malinis ang mansion. Masipag at mabait na bata si Shera."

"Pero Lolo..."

"'Wag mo siyang pakikialaman, Ace. Ako ang makakalaban mo!"galit na sabi ni Lolo.

"S-Sige po, Lolo."

Perfectionist Vs HousekeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon