Chapter 4

119 19 2
                                    

Paul Jaycee Esguerra

Nakarating na ako sa bahay at dumeretso ako sa kwarto ko. Walang tao sa bahay dahil dalawa lang naman kaming nakatira ng nanay ko dito.

Wala si Mama, nasa school pa 'yon.  Isa kasi siyang guro sa elementary sa isang pampublikong paaralan.

Yung tatay ko naman ay sumakabilang bahay na. Matagal na panahon na ang nakalipas. Hindi ko na nga maalala yung mukha niya dahil bata pa ako noong iniwan niya kami.

Hindi kami mayaman, sakto lang para mabuhay kaming dalawa.

Only child ako kaya't hindi ko naranasang may nag-iingay dito sa bahay, o may nanggugulo sa mga ginagawa ko.

Nagbihis ako ng pambahay na damit saka humiga sa kama ko. Doon ko lang naramdaman ang pagod pero imbis na matulog, tumayo ako at kinuha yung laptop na nabili ko gamit yung pera na pinaghirapan ko. Proud ako sa sarili ko.

I am planning to do the essay kaya naman naalala ko na naman yung Kian na 'yon. Gusto ko na kasing gawin kesa naman alalahanin ko pa mamaya.

Tss. Anong ilalagay ko sa assignment ko? Mag-iimbento ako na mabait siya, na masipag siya? No way.

Kaya naman kesa manghula, naisipan ko na lang siyang i-search sa social media. Malay mo naman meron akong mahanap kahit kaunti diba?

Magta-type na sana ako nung naalala ko yung laptop ni Kian, napalingon ako sa ibabaw ng cabinet ko kung nasaan 'yon nakapatong.

Kaya yata galit sa'kin kasi nasira ko laptop niya eh?

Eh ayaw naman magpabayad? Tss.

Nilagay ko lang yung pangalan niya sa search bar at hindi naman ako nahirapang hanapin yung account niya, kita agad eh.

Kian Custodio lang yung nakalagay na name.

Famous! May 2k reacts sa profile picture niya eh nakasuot lang naman siya ng black na mask do'n.

Wala namang ibang makikita doon kundi iilang pictures na nasa photos niya.

Hindi rin siguro siya active? wala kasi siyang update kahit isa?

Nag-scroll na lang ako sa mga photos, meron don isang picture naka-basketball jersey siya.

Cute! Kaso ang attitude. Tss.

Okay, siguro basketball player siya? Kaso 4 years ago pa yung post. Medyo bata pa siya no'n.

Tapos yung ibang photos eh puro group photos na wala naman siya. Luh ano 'yon? Hindi ko na lang pinansin.

Wala rin naman pala akong makukuha na kahit anong pwedeng ilagay kaya ang ending, naisipan ko na lang mag-imbento.

Syempre puro nice things lang ilalagay ko. Plastic muna ako ngayon. Takot ako maglagay ng kakaiba at baka itanong pa ng teacher ko.

Nagsimula na akong magsulat. Nilagay ko na lang kung anong nasa isip ko. Pinaglaruan ko na lang yung mga salita.

Nung natapos ako, tinabi ko na lang sa bag ko para hindi maiwan.

Naisipan kong i-message si Ryan para naman makita ko siya bukas. Ang dami kong kwento.

"Hoy nasaan ka ba kanina? Hindi kita nakita sa school?"

Agad-agad naman siyang nag-seen at nagreply. "Kasama ko si Euanne kanina eh."

Kaya naman pala hindi mahanap kasi ayaw naman pala magpahanap. Tsk.

Invisible String [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon