Paul Jaycee Esguerra
Hindi ko alam na medyo malayo pala yung bahay nila Kian. Kanina pa siya nagda-drive. Hindi ko na nga alam kung nasaan kami. Malayo na 'to sigurado.
Pagkatapos namin kumain ng ice cream ay umalis kami agad. Ewan ko ba kung anong trip nito. Baka siya talaga may gustong kumain, dinamay pa 'ko.
"Medyo malayo pala bahay niyo? Sure ka ba alam ni Adi do'n?" tanong ko.
Well, alam ko medyo gala si Adi. I just wanna know.
"Yes, I think. That subdivision is quite famous. A lot of celebrities live there." sagot ni Kian.
"Ay weh? Sino?" tanong ko.
Baka kilala ko! Malay mo makita ko pa sa labas. Makapagpa-picture nga.
"I don't know." sagot niya.
What? "Anong hindi mo alam? You live on the same road?" tanong ko.
"Do you think I care about them?" sagot niya.
Luh. "Wala ka bang fanboy life?" tanong ko.
Ang boring naman nito. Tsk. Hindi ko pa nga siya narinig mag-kwento about his interests. Puro lang ako.
"Tss." yun lang yung sinagot niya.
Hindi na lang ulit ako sumagot at nagsalita. Nakinig na lang ako sa music na nagpe-play sa loob ng kotse.
Hindi rin naman nagtagal at lumiko na kami sa isang gate. Nginitian niya lang yung dalawang guards na nasa entrance saka tuluyang pumasok.
Tama nga si Kian at baka alam nga dito ni Adi. Grabe entrance pa lang akala mo papasok ako sa isang park.
Nanlaki yung mga mata ko noong nakita ko yung mga bahay sa loob. Grabe ang lalaki. Parang yung nakikita ko sa mga magazine.
Woah.
Napaawang yung bibig ko noong may nakita akong isang bahay na kasing laki na yata ng isang mall. Grabe.
Ang gaganda rin ng mga design sa labas. Sigurado ako yung interior design nito pamatay din.
Nahalata yata ni Kian na halos mabali na yung leeg ko kaka-tingin sa labas dahil binuksan niya yung bintana.
Nilabas ko yung ulo ko. Wala namang sasakyan sa likod eh.
Medyo magkakalayo yung mga bahay. Hindi sila masyadong magkakalapit which is I find cool. More privacy right?
Huminto si Kian sa tapat ng isang bahay.
Nalaglag yung panga ko. Ang laki.
Bumusina lang siya sa gate. Binuksan naman ng isang lalaki.
Nag-park siya sa garahe nila at nagulat ako na may apat pa yatang kotse doon na nakaparada.
Grabe talaga. Yaman.
"Let's go." sabi niya saka bumaba kaya sumunod ako.
Habang naglalakad papunta sa pinto ay panay ang ikot ng ulo ko.
White and gray yung theme sa labas. Medyo padilim na kaya nakabukas na yung mga lights.
May sumalubong naman na kasambahay sa pintuan. May kantandaan na siya. Matagal na siguro siya rito.
"Kumusta mga iho." sabi niya sabay ngiti at tingin sa'ming dalawa.
"Hi Manang." sagot ni Kian.
BINABASA MO ANG
Invisible String [BxB]
Teen FictionJaycee found himself in a deal with a complete stranger named Kian that turned out to be his classmate. It led to him falling in love to someone that he never imagined. What do you do when the world tells you that it's wrong but it feels so right? ...