Chapter 20

110 16 0
                                    

Paul Jaycee Esguerra

"Should I go or not?" tanong ko sa sarili ko habang namimili ng damit na susuotin.

Gabi ang party at malapit nang dumilim sa labas.

Hindi ko alam kung pupunta ba ako o hindi. Unang-una sa lahat, hindi ko alam kung saan 'yon at pangalawa, wala akong kasama!

Una kong inaya si Adi pero sabi niya hindi raw siya pwede tonight. Her brother is coming back from abroad. Tapos si Ryan naman, may work mamaya.

Hindi ko naman pwedeng ayain si Kian. Hays!

Pero sure akong nandoon 'yon. Bestfriend niya yung may birthday.

Tsk. If this isn't for Jas. Hindi ako pupunta. Wala naman akong ka-close doon! Babatiin ko na lang siya tapos uuwi ako agad. At least may presence pa rin ako.

Tinapos ko na yung pagbibihis at pag-aayos saka lumabas at sumakay ng taxi.

Pinakita ko kay manong yung address at hinayaan ko na lang siyang mag-drive kasi hindi ko naman alam kung saan 'yon.

Habang umaandar yung taxi hindi ko maiwasang mapatingin sa phone ko. Ever since that day Kian didn't message me but understandable since I didn't message him too.

Is he really that mad?

I am so afraid to even approach him. I don't know why.

Napatingin na lang ako sa labas noong huminto na yung taxi.

"Dito na po Sir. Hindi ko na po ba ipapasok?" tanong ni manong.

"Ay hindi na po. Sige po thank you." sagot ko na lang saka abot ng bayad.

Bumaba na ako saka naglakad papunta sa entrance ng isang subdivision. Noong papalapit ako ay saka rin ang paglapit ng guard.

"Ano po 'yon?" tanong nung guard.

Hindi naman ako nagtaka dahil hindi naman ako doon nakatira.

"Ah, Invited po ako sa birthday ni Jas." sagot ko lang.

"Ah si Miss Jasmin?" tanong niya ulit kaya tumango ako.

"Dapat ho pinapasok niyo na yung taxi. Medyo malayo po 'yung bahay nila dito sa entrance." sabi ni Manong guard.

"Ah gano'n po ba?" napatingin ako sa phone ko. Hindi ko alam kung magpapasundo ba ako kay Jas o Nick dito kaso baka mga busy 'yon.

"Ihatid ko na lang po kayo." sabi niya saka inilabas yung motor.

Sumakay naman ako agad kasi no choice. Tatanggihan ko pa ba yung kabaitan ni Manong guard hehe.

"Thank you po." nasabi ko na lang habang umaandar yung motor.

Parang katulad lang din ito ng subdivision nila Kian. Halos parehas lang. Mayayaman sigurado mga nakatira rito.

Habang papalayo kami ay naririnig ko na yung tugtog. Habang papalapit kami ay lalong lumalakas.

"Ito na po 'yun." sabi ni Manong guard kaya bumaba na ako.

"Maraming salamat po ulit." sabi ko sabay ngiti. 

Papasok na sana ako sa nakabukas na gate kaso may inabot si Manong guard.

Invisible String [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon