Paul Jaycee Esguerra
"Hi Adi, Hello Rina!" bati ko noong makita ko sila na nasa living room at nakaupo sa sofa.
"Hi Jay!" sabi ni Adi. "Hello din Kian!" dagdag niya.
"Hi" bati ni Rina.
Naupo rin kami ni Kian sa tapat nila.
"Grabe ang laki ng bahay niyo ah. Akala ko nga department store 'tong napuntahan namin." sabi ni Adi.
Natawa lang si Kian. "You guys hungry? Let's eat?" tanong niya.
"Sure!" sabi ni Adi.
Ngayon ko lang naramdaman na nagugutom na pala ako.
Napatingin ako kay Rina. I don't know why she's extra silent. Is there something wrong?
"Come with me." tumayo na si Kian kaya sumunod kaming tatlo.
Gusto ko sana tanungin si Rina kung okay lang ba siya kaso hindi naman kami gano'n ka-close.
Pumasok kami sa isang malaking hall at tumambad sa'min ang malaki at mahabang mesa. Base sa bilang ng upuan, 12 people ang kayang kumain nang sabay sa lamesang 'yon.
"Let's sit." sabi ni Kian.
Umupo si Kian at hinila rin yung katabing upuan niya kaya doon ako umupo. Si Adi at Rina naman doon sa kabilang side.
Napanganga na lang ako sa sobrang daming pagkain na nasa harapan namin.
"Woah." sabi ni Adi.
"Ang dami nito ah." sabi ko kay Kian saka ako sumulyap sa mga pagkain.
May lima yatang putahe na nasa harapan namin. Yung iba alam ko kung ano, yung iba naman hindi.
"Let's eat." sabi ni Kian kaya nagsimula na kami.
Imbis na mahiya, nauna na ako mag-sandok hehe. Kaunti lang talaga yung kinuha ko kasi gusto ko matikam lahat.
Nagsimula na rin na kumain yung tatlo.
Nagulat na lang ako ako noong nilagyan ako ni Kian ng pagkain sa plato ko.
Si Adi, Rina, at ako ay napatingin sa kanya.
"Eat all of that. Leave nothing on your plate." sabi niya.
Napatingin ako sa nilagay niya sa plato ko at ang dami!
"O-Okay." sagot ko na lang.
Hindi pa man kami nagtatagal sa mesa nang may biglang nag-ring na phone. Sabay-sabay silang tatlong napatingin sa bulsa nila.
Ako hindi, nasa bag yung phone ko eh.
"I'll just take this call real quick. Excuse me." sabi ni Kian saka tumayo at umalis saglit.
Hindi ko alam kung tutuloy na ba ako sa pagkain o hihintayin ko si Kian. Tinuloy ko na lang ulit, ang daming pagkain na nasa plato ko eh.
"You seem very close with Kian." sabi ni Rina.
Napatingin ako sa kanya at gano'n din naman si Adi.
Nakatitig lang ako sa kanya at hindi nakasagot agad.
"Syempre, they were friends since pasukan." sabi ni Adi.
"Ah." sagot lang ni Rina.
BINABASA MO ANG
Invisible String [BxB]
Teen FictionJaycee found himself in a deal with a complete stranger named Kian that turned out to be his classmate. It led to him falling in love to someone that he never imagined. What do you do when the world tells you that it's wrong but it feels so right? ...