Paul Jaycee Esguerra
Lumabas kami pagkatapos maibigay yung order ko. Yung pinakamura lang ang pinili ko. Siya lang kasi gumagastos at ayoko namang mag-feeling na akin yung pera para pumili ng mamahalin.
Wala naman na siyang ibang binili. Syempre ako wala naman talaga kaya nag-aya na rin akong umalis.
Hindi siya um-order ng iced coffee. Hindi ko alam kung bakit. Wala raw siya sa mood para uminom nito.
Meron bang gano'n?
Kaya ako lang yung may sinisipsip na straw palabas ng mall. Siya nasa tabi ko lang, sabay kaming naglalakad.
"Gusto mo?" alok ko sabay turo ng straw sa bibig niya.
"Yuck. I don't share straws." sagot niya lang habang nilalayo yung cup.
Luh. Diring-diri?
"Ang arte mo. Nag-toothbrush naman ako." sagot ko at naunang maglakad para hindi ko siya makasabay. Arte eh.
Habang naglalakad ay napapaisip ako. Kian never answered me using Tagalog and I've never heard him speaking it.
Kapag ba mayaman automatic na English speaking? Fluent din naman ako ah, bakit broke pa rin ako.
Huminto ako sa harap niya kaya natigilan din siya. "Hoy Kian, englishero ka ba talaga?" tanong ko.
"Why do you care?" he answered while raising his right eyebrow.
"Nagtatanong lang. Hindi pa kasi kita naririnig mag-Tagalog." sabi ko. Napakasama talaga ng ugali. Tsk.
Tatalikod na sana ulit ako nung magsalita siya. "Ang pangit mo." he really said that while smiling.
Galing, yung una kong narinig na Tagalog sa kanya ay panalalait.
"Mas pangit ka!" sigaw ko saka naglakad ulit.
Natawa rin ako sa sarili ko.
Nasa parking na kami nung mapansin kong napaka-ganda ng langit. Asul na asul yung kalangitan. Tinignan ko pa sa orasan ko kung anong oras na, 4 PM na pala.
Sa sobrang ganda ay napahinto pa ako maglakad. Tumingala ako ng bahagya para makita yung mga ulap na sumasayaw sa asul na langit.
Napahinto rin si Kian na tila naguguluhan pa kung bakit ako huminto. Nakita niyang nakatila ako kaya ginaya niya rin ito.
Tumingin ako sa kanya. "Pwede mo ba akong kuhanan ng picture?" Magandang background yung langit.
Tagal ko na rin na hindi nag a-upload ng picture sa mga social media accounts ko.
Open space kasi sa parking kaya makikita talaga sa background yung itaas.
Hindi ko siya hinintay na sumagot at humanap na ako ng magandang spot. Doon ako pumunta sa malapit na lang sa sasakyan ni Kian para maipasok niya muna yung hawak niya.
Pumwesto ako doon sa may pulang sasakyan na nasa malapit lang. Tumagilid pa ako at itinukod yung siko ko sa taas na bahagi ng kotse.
"Diyan ka." sabi ko saka itinuro kung saan siya pupwesto.
Sumunod naman siya sa itinuro ko. "Phone mo gamitin natin, malinaw cam niyan eh." dagdag ko.
"Tss." yung lang yung naisagot niya sabay dukot ng phone niya sa bulsa niya.
BINABASA MO ANG
Invisible String [BxB]
Novela JuvenilJaycee found himself in a deal with a complete stranger named Kian that turned out to be his classmate. It led to him falling in love to someone that he never imagined. What do you do when the world tells you that it's wrong but it feels so right? ...