Paul Jaycee Esguerra
As usual, a very cold morning again. Tumayo na agad ako pag-ring ng alarm at saka naligo kahit malamig. Ayokong nagpapainit ng tubig, hindi ako sanay.
Umalis din ako agad ng bahay pagkatapos. Nakasakay pa lang ako sa bus eh iniisip ko na agad kung anong kalokohan yung mga ipapagawa ng asungot na Kian na 'yon.
Tss. Kung may pera lang ako eh!
Bakit ba kasi hindi ako naka-focus sa ginagawa ko nung araw na 'yon? Edi sana wala akong pagdudusahan ngayon.
Nakarating din naman ako agad sa school.
Maglalakad na sana ako nung narinig kong may tumawag sa'kin kaya napalingon ako.
"Jay!" tawag ni Adi na sa sobrang lakas eh napatingin din yung ibang naglalakad na estudyante.
Sinara niya lang yung pinto ng kotse niya saka tumakbo papunta sa'kin.
Yaman, may sasakyan din.
"Good morning Adi." bati ko sabay ngiti.
"Good morning din! Buti naabutan pa kita, sabay tayo pasok hehe." sabi niya.
Hindi ko alam pero magaan lang ang loob ko kay Adi. She seems to be a cheerful girl kaya naman I wanted to be friends with her too.
Well she said na friends na kami so yeah, wala namang masama sa isang kaibigan.
Ngumiti na lang ako. "Natapos mo yung assignment?" pag-iiba ko sa usapan.
"Hindi pa nga e! Puro kasi ako harot." walang prenong sabi niya.
Natawa ako bigla, kaya tumawa rin siya.
"Sana all may kaharutan." biro ko.
Natawa siya. "Gusto mo ba? Reto kita! Ano ba gusto mo sa babae?" tanong niya.
"No thanks." natatawang sabi ko.
"Ay sorry! Sige anong gusto mo sa lalaki?" tanong niya pa na seryosong naghihintay ng sagot.
"Baliw haha" sagot ko na lang. Natawa kaming dalawa.
Naglakad na kami papunta sa room. Medyo malayo kasi mula sa gate kaya may dalawang minuto rin yung itinagal.
Maaga pa naman pero marami-rami na rin kaming estudyanteng nakakasabay. Yung iba papunta na rin sa mga room nila at yung iba naman tumatambay pa sa mga bench na nasa gilid ng hallways.
Pagpasok pa lang namin eh nakita ko agad si Kian sa upuan niya. Naalala ko maaga nga pala 'tong pumapasok.
"Upo muna ako." paalam ni Adi, tumango lang ako.
Dumeretso na lang din ako sa upuan ko at saka tumabi kay Kian.
Hindi ko alam kung babatiin ko ba 'to o 'wag na kasi baka magmukha na naman akong tanga dahil hindi 'to sumasagot.
"Where's the money?" biglang tanong niya.
Luh? ang aga aga nangingikil ng estudyante.
"Bakit ka naniningil? Treasurer ka ba?" biro ko.
Para makaganti rin ako! Haha.
"Do I look like I'm joking?" seryosong sabi niya sabay hawak sa braso ko.
BINABASA MO ANG
Invisible String [BxB]
Teen FictionJaycee found himself in a deal with a complete stranger named Kian that turned out to be his classmate. It led to him falling in love to someone that he never imagined. What do you do when the world tells you that it's wrong but it feels so right? ...