(CHAPTER 2)

186 7 0
                                    

(CHAPTER 2)

~Bryle POV~

Bago ko simulan ang POV ko ay magpapakilala muna ako sa inyo. Ako nga pala si Bryle Caleb Winchester sabi nila na sa akin na daw ang lahat mayaman, hot, fame at higit sa lahat gwapo. Pero wala akong paki alam sa mga sinasabi nila kuntento na ako kung anong meron ako.

Andito kami ngayon sa tambayan namin at di kami pumasok dahil alam naman namin na hindi nila kami kayang ibagsak lalo na ako dahil ako ang anak ng may ari ng school na'to.

"Bryle.. Tara billiard tayo" aya sakin ni Troy

"No thanks.. kayo na lang" malamig na sabi ko

"Wag mong sabihin na iniisip mo yung babae kanina na nabangga mo?" mapang asar na sabi ni Mark

"Wala akong hilig sa babae kaya tigilan niyo ako" cold na sabi ko

"Bakit maganda naman siya ahh, saka type ko ang tipo niya.. matapang, palaban at walang inuurungan" -Troy

"Di ka nababagay dun Troy dahil babaero ka mas bagay ako sa kanya" -Mark

"Yeah! She's Beautiful in her own unique beauty kung mag aayus lang siya mas lalo pa siyang maganda" dagdag pa ni Kenzo

"Huy tumigil nga kayo akin siya" pakikipag talo ni Troy

"Neknek mo anong sayo bakit nililigawan mo na ba sya? Ha?" -Mark

"Hindi liligawan ko pa lang siya.. bakit angal ka?" -Troy

"l like her too" sabi naman ni Kenzo

"Pati ba naman ikaw Kenzo makikipag agawan din" sabi ni Mark na mukhang inis na

"Shut up.. All of you" cold na sabi ko

Ano bang meron sa babae na yun.. bakit type na type ng tatlong mokong na'to ang babaeng yun. Tssk! l don't like her pati na din yung ugali niya. Hyss! Nakakainis yung babaeng yun humanda yun sa akin mamaya. Wala siyang karapatan para sagutin ako ng ganun sa harap ng madaming tao..

~Eia POV~

"Eia.. tara na magpalit kana ng damit mo" aya sa akin ni Hzianna pagka labas ni Ma'am

"Ha! Ahh! Ehh! Wala na akong extrang uniform na dala eh" sabi ko naman na nahihiya

"Don't worry may extra akong uniform sa locker ko hiramin mo muna" Naka ngiting sabi ni Hzianna

"Sige.. Maraming salamat Hzianna ahh" sabi ko naman

"Wala yun.. Pagpasensyahan mo na mga ka klase natin.. mabilis kasi ang chismis dito sa Campus kapag about sa The Four hottest ang topic" paliwanag ni Hzianna

"Ha? The Four Hottest?" tanong ko ulit na naguguluhan

"Oo.. Hindi mo pa talaga sila kilala kasi new transferee ka pa lang dito" -Hzianna

"Ano naman meron sa apat na mokong na yun?" inis na tanong ko

"Kaya sayo nagalit kanina ang mga ka klase ta kasi sinigawan mo ng pasagot si Bryle ang pinaka pinuno sa apat" -Hzianna

"Alin yung bang si Mr. Cold Guy?"

"Oo.. Siya si Bryle Caleb Winchester ang anak ng may ari nitong School natin" -Hzianna

Nagulat ako sa sinabi ni Hzianna. Naku! Lagot na.

"Alam mo ba Eia dahil sa ginawa mo.. araw araw kana nilang bubulihin kaya advice ko lang sayo mag iingat ka.. Kasi yung ibang kagaya mo na lumaban sa apat ay hindi nagtatagal sa School na'to dahil binubuli sila ng mga studyante para lang ipagtanggol nila ang mga Crushie nila" Mahabang paliwanag ni Hzianna

𝑻𝑯𝑬 𝑪𝑶𝑳𝑫𝑬𝑺𝑻 𝑴𝑨𝑵 𝑻𝑯𝑨𝑻 𝑰'𝑽𝑬 𝑬𝑵𝑪𝑶𝑼𝑵𝑻𝑬𝑹𝑬𝑫Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon