(CHAPTER 10)

169 7 0
                                    

(CHAPTER 10)

~Bryle POV~

Kaaalis lang ni Eia at pinag iisipan ko kung iiwasan ko na muna siya dahil ayokong madamay siya.. Baka siya naman ang guluhin ng mga naka away kong mga Gang din. Ayokong madamay siya at di ko kakayanin kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya baka ikamatay ko kapag kapag nawala siya sa akin. Kaya gagawin ko kung ano ang mas makakabuti at yun ay ang iwasan na muna siya.

lnabot na ako ng isang linggo sa Hospital at sa bawat araw na yun ay andun si Eia at binabantayan ako. Hindi ko kaya kapag nawala ang babaeng mahal ko kaya mas mabuting iwasan ko na muna siya. Nakalabas na ako ng Hospital at papasok na ako ngayon sa School.

Pagkadating ko ng classroom ay puro pangangamusta ang tinatanong nila sa akin at nakita ko si Eia na kausap sila Hzianna at mukhang hindi niya ako napansin dahil busy siya sa pakikipag kwentuhan.

"Eia andyan na ang manliligaw mo" rinig kong sabi ng fiance ni Mark

At tumingin naman sa akin si Eia at ngumiti pero hindi ko man lang ito pinansin at cold na tiningnan ito. Mas maigi pang iwasan ko muna siya kesa siya naman ang madamay at ayokong mangyari yun. Nagulat pa si Eia dahil hindi ko man lang siya pinansin hanggang matapos ang klase. Pagkatapos ng klase ay lumapit sa akin si Eia.

"Bryle.. galit ka ba sakin?" tanong niya

Ang sakit sa pakiramdam na iwasan ang taong mahal mo. Sobrang sakit kapag nakikita ko siyang nag aalala sakin.. sorry Eia kailangan ko lang talagang gawin ito para sa ikakabuti mo, mapatawad mo sana ako.

"Hindi" cold na sabi ko

"lniiwasan mo ba ako?" tanong niya pa ulit

"Hindi.. sige alis na'ko" Sabay labas ko ng classroom.. baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mayakap ko siya ng mahigpit.

~Eia POV~

Ilang araw na ang nakakalipas pero hindi pa din ako pinapansin ni Bryle.. Hindi ko na siya makausap ng maayos, tuwing lalapit ako sa kanya iniiwasan niya ako at tuwing kakausapin ko siya.. puro coldness ang mababakas sa pananalita niya. Mas mabuti pangang kausapin ko na si Bryle para malinawan ako sa lahat ng nang nangyayari sa amin.. akala ko ba mahal nya ako, nagsasawa na ba siya sa akin dahil hindi ko pa siya sinasagot.. akala ko ba makakapag antay siya. Hindi ko na napigilan at kusa ng tumulo ang mga luha ko. Hindi ko na kaya 'to kaya naman pumunta ako sa tambayan nila pagkatapos ng klase.

(Tooook! Tooook! Tooook!)
Nakatatlong beses akong katok bago ako pag buksan nila ng pinto.

"Ohh Eia.. anong ginagawa mo dito?" tanong sakin ni Kenzo pagka bukas niya ng pinto.

"Andyan ba si Bryle?" tanong ko naman

"Ahh Oo! Andun nag bi-billiard kasama sila Mark.. Halika pasok ka" At pumasok naman ako ng pinto at pinuntahan sila Bryle.

Pagkakita ko sa kanila ay lumapit ako sa kanya at kinausap siya

"Bryle.. pwede ba tayo mag usap?"

"Sa ibang araw na lang busy ako ngayon" cold na sabi niya

"Bakit mo ba ako iniiwasan? May nagawa ba akong mali? Sabihin mo sa akin dahil naguguluhan na ako" umiiyak na sabi ko

"Akala ko ba mahal mo ako? Bakit bigla ka na lang nagbago. Mahal mo ba talaga ako?" umiiyak na tanong ko dahil hindi siya umiimik at wala man lang siyang kibo.

"H-Hindi K-Kita M-Mahal E-Eia.. l'm sorry" Nagulat ako sa sinabi niya at isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kanya.

(Paaaaaaaaaaaak!)

𝑻𝑯𝑬 𝑪𝑶𝑳𝑫𝑬𝑺𝑻 𝑴𝑨𝑵 𝑻𝑯𝑨𝑻 𝑰'𝑽𝑬 𝑬𝑵𝑪𝑶𝑼𝑵𝑻𝑬𝑹𝑬𝑫Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon