(CHAPTER 6)
~Eia POV~
Nalaman kong meron pala akong kapatid sa Ama dahil sinabi sa akin ni Papa at ikwinento niya sa akin ang lahat ng nangyari, ngunit namatay na ang asawa ni Papa na nag ngangalang Alicia dahil sa sakit nitong Brain tumor Stage 4 at last year lang ito namatay. At nagkaroon sila ng anak ni Tita Alicia na lalaki at sabi pa ni Papa kasing Edad ko lang daw ang kapatid ko at nasa ibang bansa ito at uuwi pa lang dahil ipapakilala ako ni Papa sa kanya at doon na din daw niya itra-transfer ang kapatid ko sa School namin para magkasama kami.
Nung panahong magka relasyon pa si Papa at Mama ay may nangyari daw sa kanila ni Tita Alicia dahil nilasing nito si Papa at di alam ni Papa na buntis din si Mama sa akin noon. Kaya naman parehas silang buntis ni Tita Alicia noon. At isa din yun sa dahilan kung bakit napilitan si Papa na pakasalan si Tita Alicia dahil buntis ito noon at hindi alam ni Papa na pinag bubuntis din ako ni Mama noon.
~School~
Alas kwatro na ng hapon ngunit makulimlim ang langit at mukhang malakas ang ulanin. Wala ng studyante at palabas na sana ako ng Gate ng biglang lumakas ang buhos ng ulan at nabasa na din ako kaya naman tumakbo ako papuntang parking lot at sumilong muna ako. Maya maya ay may humintong sasakyan sa harap ko at binuksan nito ang bintana ng kotse at nagulat naman ako ng makita kong si Bryle ang nagbukas ng bintana.
"Sakay na" cold na sabi nito
"Ahh wag na, okay lang ako.. una kana" nahihiyang sabi ko pero sa isip isip ko ay kanina ko pa talagang gustong umuwi
"Ako na maghahatid sayo, saka baka magkasakit ka pa masyadong malakas ang ulan" -Bryle
Nagulat naman ako sa inasal niya dahil meron din pala siyang ugali na mabait at maalalahanin ang akala ko nung una ay masungit at cold na tao si Bryle dahil sa mata nitong malalamig. Sana ganto na lang palagi si Bryle para naman makasundo ko siya.
"Sige salamat" Sabay sakay ko ng kotse niya
ltinuro ko naman sa kanya ang daan papuntang bahay namin. At maya maya lang ay nakarating na din kami at pinapasok ko muna siya sa loob dahil sa sobrang lakas na talaga ng ulan at mukhang mahihirapan na siyang makita ang daan.
"Ohh bakit basang basa kayong dalawa?" tanong ni Mama
"Ang lakas po kasi masyado ng ulan eh, at wala po kaming dalang payong" paliwanag ko naman
"Ohh sige maupo muna kayo dyan at ipagtitimpla ko lang kayo ng kape" -Mama
"Maraming salamat po Ma'am" ani Bryle
"Naku lho! Wag ng Ma'am ang itawag mo sakin, tita Franchescka/chescka na lang" -Mama
"Sige po Tita Chescka" -Bryle
At umalis na si Mama para mag magtimpla ng kape.
"Ahh Bryle, wala ka bang dalang damit na pwede mong ipampalit.. kasi basang basa kana" Sabi ko naman
"Meron pero asa kotse ko eh" -Bryle
"Tara kunin mo na, ako nalang mag hahawak ng payong"
At lumabas kami ng Bahay ni Bryle upang kunin ang damit niya. At parang Boy Scout ata itong si Bryle dahil laging may dalang damit na pampalit.
Pagkatapos makuha ni Bryle ang damit niya ay pumasok na kami at sakto namang katatapos lang ni Mama magtimpla ng kape at ipinaghanda din niya kami ng makakain.
"Ohh kumain muna kayo, wag kang mahihiya lho ah" nakangiting sabi ni Mama
"Salamat po Tita" -Bryle
"Welcome na welcome ka dito sa Bahay namin lho" -Mama
"Tara kain na tayo Bryle" Singit ko naman sa kanila dahil kanina pa talaga ako nagugutom
BINABASA MO ANG
𝑻𝑯𝑬 𝑪𝑶𝑳𝑫𝑬𝑺𝑻 𝑴𝑨𝑵 𝑻𝑯𝑨𝑻 𝑰'𝑽𝑬 𝑬𝑵𝑪𝑶𝑼𝑵𝑻𝑬𝑹𝑬𝑫
Teen FictionKung ikaw ang maka encounter ng isang lalaking ubod ng sungit at napakalamig pa ng personality nito. Magagawa mo kayang makatagal sa kanya?