(CHAPTER 4)
~Eia POV~
Nagising ako sa sikat ng araw at nakita ko si Bryle na mukhang mahimbing pa ang pagkakatulog bigla naman ito nagising dahil sa paggalaw ko ng ulo ko dahil nakasanday ang ulo nito sa balikat ko.
Saktong pagka gising namin ay bumukas ang pinto ng Library at nakita kami ng Guard na kagigising lamang
"Naku Sir Bryle.. Ba't dito po kayo natulog?" tarantang tanong ng Guard
"Malamang na lock kami kaya no choice kami, kundi dito matulog" lnis na sabi ni Bryle
Ay naku! Kahit kelan talaga ang sungit ng lalaking ito, siguro araw araw ito may dalaw.
"Ahh sige po Manong uuwi na po ako" paalam ko naman
"Wait" pigil sa akin ni Bryle
"Bakit?"
"Ako na maghahatid sayo" -Bryle
"Hindi na, kaya ko naman umuwi mag isa eh"
"No.. lhahatid na kita" maawtoridad na sabi nito
Inihatid niya ako ng bahay at nagulat pa si Mama ng makita kaming mag kasama nito
"Ohh! Anak bakit hindi ka umuwi? Alam mo bang nag alala ako sayo ng husto?" nag aalala lang sabi ni Mama
"l'm sorry Ma'am kung hindi po siya nakauwi kagabe, na lock po kasi kami sa loob ng Library kaya hindi po siya nakauwi" hinging pa umanhin ni Bryle
Nagulat naman ako sa inasal niya, may pagka marespeto rin palan tao itong si Bryle eh. Akala ko puro kasungitan lang ang alam nito
"Ohh sya sige.. Pasok ka muna iho dito kana mag almusal" aya ni Mama sa kanya
"Ahh hindi na po.. aalis din po ako, baka hinahanap na din po ako sa amin" -Bryle
"Ohh sige mag iingat ka! Salamat sa paghatid sa anak ko iho" -Mama
"Walang anuman po" -Bryle
At umalis na si Bryle pagkatapos magpa alam. At tiningnan ko naman si Mama at nakita kong nakangisi ito sa akin
"Sino siya Eia? Boyfriend mo ba?" nakangising sabi ni Mama
"Hindi po Mama, ka klase ko lang po sya, wag nga po kayo mag isip ng kung ano dyan" sabay pasok ko sa loob
Sabado ngayon at walang pasok kaya naman naisipan kong maglinis ng bahay at hapon na ako natapos. Biglang nag ring ang phone ko at nakita kong tumatawag sa akin si Hzianna
"Hello"
"Hi Eia! Free ka ba ngayon?" tanong sa akin ni Hzianna
"Bakit?"
"Tara! Mall tayo?" -Hzianna
"Ohh sige, anong oras ba?" tanong ko naman
"Mga 4:00 pm antayin nalang kita sa may food court" -Hzianna
At tiningnan ko naman ang orasan namin at malapit na din mag 4:00 pm.
"Ohh sige, maliligo lang ako"
"Okay! See you later" -Hzianna
"Bye"
Pagkatapos ng pag uusap namin ay naligo na ako at pumunta ng Mall. Nakita ko naman agad si Hzianna kaya agad na lumapit ako sa kanya
"Sorry! Kanina ka pa?"
"Hindi naman kadadating ko lang din" -Hzianna
"Ahh sige"

BINABASA MO ANG
𝑻𝑯𝑬 𝑪𝑶𝑳𝑫𝑬𝑺𝑻 𝑴𝑨𝑵 𝑻𝑯𝑨𝑻 𝑰'𝑽𝑬 𝑬𝑵𝑪𝑶𝑼𝑵𝑻𝑬𝑹𝑬𝑫
Teen FictionKung ikaw ang maka encounter ng isang lalaking ubod ng sungit at napakalamig pa ng personality nito. Magagawa mo kayang makatagal sa kanya?