(CHAPTER 5)
~Eia POV~
"So Class magkakaroon tayo ng Activity by partner, since malapit na ang Nutrition Month natin magpa-paint kayo ng mga Fruits and Vegetables at gagawan ninyo ito ng meaning bawat isa at tatawagin ko ang makaka partner ninyo sa magiging Activity natin" -Ma'am
At nagsimula na ngang magtawag si Ma'am ng mga magiging pair namin.
"Ms. Chen pair kayo ni Mr. Adams" -Ma'am
"What? Sa dami dami ng pwedeng maka partner yan pa talagang playboy na yan" reklamo naman ni Hzianna
"Ang malas ko naman ikaw pa naka partner ko ms. microphone" pang iinis naman ni Troy
"And... -Ma'am
"Ms. Collins partner mo si Mr. Winchester" dagdag pa ni Ma'am
At bigla naman nag ingay ang buong classroom ng malaman nilang makaka partner ko si Bryle. Hyss! Mga inggitera edi isaksak nyo sa baga ninyo si Bryle.
Tiningnan ko naman si Bryle at as usual wala na naman itong paki alam sa paligid niya.
"So Class be ready tomorrow. Okay?" -Ma'am
"Yes Ma'am" -Classmate
"Bilhin nyo na ang nga materials na gagamitin natin para bukas" sabi pa ni Ma'am bago umalis
Pagkatapos ng klase ay nilapitan ko si Bryle dahil balak kong humingi na lang sa kanya ng pambili ng materials at ako na lang bibili
"Ahh Bryle na compute ko na lahat ng bibilhin ta.. bale 426 lahat-lahat ng gagastusin ta, tag 213 pesos tayo, kukunin ko lang sana bayad mo ako na lang ang bibili" paliwanag ko naman dito
At kumuha naman ito sa wallet niya ng 1k at inabot sa akin.
"Ohh! Bilhin mo lahat ng gagamitin" cold na sabi nito
"Sige ibabalik ko na lang sayo bukas ang sukli"
"Wag na! Sayo na lang" sabay alis nito ng classroom
At agad na pumunta naman ako ng Mall para bumili ng mga gagamitin. Papasok na sana ako ng Mall ng may makabangga akong isang lalaki at base sa mukha niya ay kasing edad lang siya ni Mama at naka formal suit pa ito, at agad na humingi naman ako ng paumanhin dito.
"Naku! Sorry po, di ko po sinasadya"
"lt's okay iha, sige aalis na din ako at may business meeting pa ako eh" anang matandang Lalaki
"Sige po" sabay ngiti ko naman
Mukhang importante ang pupuntahan ng Lalaki dahil nagmamadali pa ito paalis kaya naman pumasok na ako ng Mall at bumili ng mga Materials.
~Mark POV~
Kagagaling ko lang ng Bar at pauwi na ako. Ayaw pa kasing umuwi ni Troy kanina kaya naman inabot kami ng 2:00 am ng madaling araw. At biglang nag ring ang phone ko at nakita kong tumatawag si Mommy.
"Hello anak, asan kana ba? Kanina ka pa hinahanap ng Daddy mo" -Mom
"Pauwi na po ako Mom"
"Ohh sige mag iingat ka" -Mom
"Yes! Mom"
Pagkauwi ko ng Bahay ay nakita kong nakaupo sila Mom sa sala ni Daddy at di maipinta ang mga mukha.
"Ba't gising pa po kayo?" tanong ko sa kanila
"Hindi ba dapat ako mag tanong sayo? Bakit ngayon ka lang umuwi?" Galit na tanong ni Dad
"Ahh galing po kasi kami ng mga kaibigan ko sa Bar eh" sabi ko naman
"lmbis na paglalakwatsa ang atupagin mo, business natin ang intindihin mo." Galit na sabi ni Dad
![](https://img.wattpad.com/cover/257685674-288-k626776.jpg)
BINABASA MO ANG
𝑻𝑯𝑬 𝑪𝑶𝑳𝑫𝑬𝑺𝑻 𝑴𝑨𝑵 𝑻𝑯𝑨𝑻 𝑰'𝑽𝑬 𝑬𝑵𝑪𝑶𝑼𝑵𝑻𝑬𝑹𝑬𝑫
Teen FictionKung ikaw ang maka encounter ng isang lalaking ubod ng sungit at napakalamig pa ng personality nito. Magagawa mo kayang makatagal sa kanya?