(LAST CHAPTER)
~Bryle POV~
Nasa classroom na ako pero kanina ko pa napapansin na mukhang hindi pa pumapasok si Eia kaya naman lumapit ako kala Hzianna para tanungin siya.
"Ahmm! Hzianna papasok ba si Eia?" nag aalalang saad ko
"Ewan ko ehh.. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi naman niya sinasagot ang phone nya" -Hzianna
"Ahh ganun ba.. sige salamat" saad ko naman
"Kahit kahapon hindi din umuwi si Eia sa bahay. Nag aalala na nga sila Mama sa kanya ehh" pakikisabat naman ni Ezekiel.
Malakas ang kutob ko na baka kinidnap siya ng mga kalabanan namin. At dumating na nga ang kinakatakutan ko, wala sanang mangyari sa kanya dahil mapapatay ko ang sino mang saktan siya maski hawakan ang dulo ng buhok niya. At natapos ang mag hapong klase na hindi man lang pumapasok si Eia. Palabas na sana ako ng gate ng school ng biglang mag ring ang phone ko. Pag tingin ko sa cellphone ay tanging no. lang ang nakarihistro kaya naman sinagot ko ito.
"Kamusta kana Caleb?.. Tagal natin hindi nagkita ahh.. namiss mo ba ako? Hahaha" saad ng kausap ko sa kabilang linya.. nabosesan ko agad siya dahil kilalang kilala ko ang taong ito dahil siya ang lagi kong nakakalaban at palagi ko siyang natatalo kaya hindi niya matanggap ang pagkatalo niya. Siya ang pinaka malakas sa lahat ng nakalaban ko at siya din ang pinuno ng Red Dragon.
"Namimiss mo na ba ang Gf mo? HAHAHA" tumatawang saad pa nito
Tama nga ang hinala ko dinukot siya ng mga Red Dragon.
"HAYOP KA CALYX.. SUBUKAN MO LANG GALAWIN SI EIA O HAWAKAN MAN LANG ANG DULO NG BUHOK NIYA.. PAPATAYIN KITA TANDAAN MO YAN" Galit na sigaw ko dito sa kabilang linya
"HAHAHA chill ka lang Caleb.. Hindi masasaktan ang Gf mo kung susunod ka lang sa mga gusto ko" -Calyx
"ANO BANG GUSTO MONG GAWIN KO CALYX.. HAYOP KA! WAG MO LANG GAGALAWIN SI EIA. DAHIL AKO MISMO PAPATAY SAYO" Galit na saad ko
"Hindi masasaktan ang Gf mo kung susunod ka lang sa akin.. Pero kung sabagay maganda ang Gf mo.. Mukhang masarap siya ahh.., Ano kaya kung tikman ko muna siya Hahaha" -Calyx
"HAYOP KA CALYX! SUSUNDIN KO ANG GUSTO MO.. WAG MO LANG GALAWIN SI EIA.." sabi ko naman
"Sige madali naman ako kausap ehh.., pumunta ka sa ******** lugar na 'to at wag mong susubukan tumawag man lang ng mga pulis.. dahil alam mo na ang gagawin ko sa Gf mo.. kung ayaw mong mamatay siya." -Calyx
Pagkatapos namin mag usap ay sumakay na ako sa kotse ko at pumunta sa lugar na sinasabi ni Calyx.
~Eia POV~
Nagising na lang ako sa napaka alikabok na lugar at medyo sumasakit pa ang ulo ko dahil sa amoy na pinalanghap nila sa akin.
"Ow! Gising kana pala.. magandang Binibini" saad ng lalaking naka black mask.
"S-Sino k-ka?" uutal-utal na saad ko dahil hindi ko pa siya masyadong maaninagan dahil medyo nanlalabo pa ang mata ko.
"l'm Calyx lmperial the leader of Red Dragon Gang" pakilala nito sa akin
"Bakit mo ba ako pinakidnap? Ehh hindi nga kita kilala.. ano bang kailangan mo?" saad ko
"Hindi mo talaga ako kilala.., pero ang lalaking Mahal mo kilalang kilala ako Hahaha." tumatawang saad niya
"ANO BANG KAILANGAN MO?" lnis na sigaw ko dito
"Chill ka lang d'yan Binibini.. Bagay talaga kayo ni Caleb Hahaha.. masyadong mainitin ang mga ulo ninyo.., wag kang mag alala padating na ang lalaking mahal mo Hahaha." -Calyx

BINABASA MO ANG
𝑻𝑯𝑬 𝑪𝑶𝑳𝑫𝑬𝑺𝑻 𝑴𝑨𝑵 𝑻𝑯𝑨𝑻 𝑰'𝑽𝑬 𝑬𝑵𝑪𝑶𝑼𝑵𝑻𝑬𝑹𝑬𝑫
TeenfikceKung ikaw ang maka encounter ng isang lalaking ubod ng sungit at napakalamig pa ng personality nito. Magagawa mo kayang makatagal sa kanya?