(CHAPTER 9)

145 8 0
                                    

(CHAPTER 9)

~Eia POV~

Kalilipat lang namin sa bahay ni Papa at inaayos ko sa Drawer ko ang mga damit ko. Sobrang laki ng bahay ni Papa at andami na din na damit dito na pambabae na para sa akin talaga dahil binili lahat yun ni Papa lahat para sakin. Hindi na muna ako pumasok sa School dahil ngayon ang lipat namin at bukas na kami papasok ni Ezekiel at ako ang magiging tour guide niya sa School.

"Marami bang Chicks dun sa School? Hahaha!" pabirong sabi ni Ezekiel habang papasok ng kwarto ko

"Naku! Playboy pa ata kapatid ko" parinig ko naman sa kanya

"Hindi nu! Hahaha para binibiro ka lang eh" sabi niya habang tumatawa

"Alam ko Hahaha!" at nakitawa na din ako sa kanya

~School~

Habang papasok kami ni Ezekiel ng gate ay ang mga mata lahat ng studyante ay nakatingin sa amin. Syempre agaw pansin ang kapatid kong pogi ehh. Pumunta kami ni Ezekiel ng Office para puntahan si Ma'am.

"Okaaay Class tumahimik muna kayo! May ipapakilala ako sa inyo.. Come in! Mr. Stanford and introduce yourself in your classmate" at pumasok naman kaming dalawa ni Ezekiel

Magkaiba kami ng apelyedo ni Ezekiel dahil ang ginagamit kong apelyedo ay kay Mama at siya naman ay kay Papa. (Kay Mama ako lumaki kaya Collins ang apelyedo ko at hindi Stanford)

"Hi! l'm Ezekiel Stanford you can call me Kiel for short. Thank you!" -Ezekiel

Lahat ng mga ka klase ko nagtilian.. sino ba naman ang hindi titili eh sobrang gwapo ng kapatid ko. Tumingin ako sa gawi nila Ellise at shocked ang mababakas sa mukha nito.. mukha atang nakakita ng multo Hahaha!

"Okay mr. stanford makakaupo kana.. Dun ka sa likod ni Ms. Collins" -Ma'am

Kaya naman inakit ko na siya sa upuan at doon siya sa likod ko. Hinanap ng mga mata ko si Bryle pero mukhang wala pa siya..

"Kilala mo ba sya Eia?" -Hzianna

"Sino sya?" -Sunny

Tanong agad sa akin ng dalawa pagkalapit ko sa upuan namin.

"I'm Ezekiel.. l'm her step brother" pakilala ni Ezekiel

"Oww! Nice di ka sa amin nagsasabi Eia.. ang pogi pala ng kapatid mo" pa cute na sabi ni Hzianna

"Saka ko na lang ikwe-kwento sa inyo.. makinig na muna tayo kay Ma'am." Sabi ko sa kanila para manahimik na sila katatanong.

Natapos ang klase na hindi man lang pumapasok ang apat na Hottest. Kaya naman nilibot ko ang buong Campus dahil baka nasa tabi-tabi lang sila. At nakita ko naman si Kenzo na papasok pa lang sa Classroom.

"Ohh Kenzo bakit hindi ka pumasok kanina?" tanong ko sa kanya

"Tinatamad ako ehh Hahaha!" -Kenzo

"Sya nga pala.. nakita mo ba si Bryle?"

"Oo.. Andun siya sa tambayan namin sa likod ng School" sabi naman ni Kenzo

"Sige salamat"

At agad na pumunta ako sa likod ng School at nakita ko naman agad ang tambayan na sinasabi nila. Parang classroom lang din siya pero mukhang maliit na bahay na din at tama lang na tambayan din ito dahil masarap ang hangin dito. Kumatok muna ako sa pinto ng tatlong beses bago ako pag buksan ng pinto.

"Oy! Eia ikaw pala.. halika pasok ka" Yaya ni Troy

"Salamat" At pinapasok naman ako ni Troy at pinaupo sa Sofa.. lnfairness ahh! Ang ganda ng tambayana nila at mukhang mamahalin ang mga gamit na nandito, kung sa bagay mayayaman naman sila at hindi na ako magtataka kung bakit napaka ganda ng tambayan nila.

𝑻𝑯𝑬 𝑪𝑶𝑳𝑫𝑬𝑺𝑻 𝑴𝑨𝑵 𝑻𝑯𝑨𝑻 𝑰'𝑽𝑬 𝑬𝑵𝑪𝑶𝑼𝑵𝑻𝑬𝑹𝑬𝑫Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon