CHAPTER 17 - NIGHTDATE

17 0 0
                                    


Nang makauwi ako sa bahay, nagpaalam naman si Levis na umuwi na rin sa bahay nila dito sa Pinas. Nagpalit na din ako ng damit saka nagpahinga. Di ko namalayang nakatulog pala ako. Nakaramdam naman ako ng gutom pagkagising ko at di ko namalayan na gabi na pala kaya naman pala ako nagutom, kaya bumaba muna ako at pumuntang kusina para kumuha ng makakain. at kung mamalasin ka nga, andito pala si Elija.


"Umuwi pala ang magaling mong kaibigan?" biglang tanong ni Eli sakin. 


"oo, 1 week vacation binigay sa kaniya ng papa niya." sagot ko naman. 


"hmm.. ganun ba?" 


Bago paman saan mapunta ang usapan, nagpaalam na ako sa kaniyang  pupuntang kuwarto dala ang isang sandwich na ginawa ko at nag iimpake ng mga dadalhin para bukas. hanngang ngayon, iniisip  ko parin kung bakit ganun ang pakikitungo ni Reyan. Kung affected man sya sa sinabi ko, ang tanong eh bakit?


Nasa kalagitnaan naman ako ng pag iimpake nang magring ung cellphone ko. 


From Levis:

Labas ka, nasa labas niyoko. kain tayo ice cream


Ano naman kaya ang nakain nito't nag ayang kumain. Teka, anong oras na ba? ay gagi alas diyes na pala ng gabi napatagal ata tulog ko kanina pagkagaling sa school. Oo nga pala, pinalitan ko ang contact name nya hahahaha

To Levis:

Bawal na ako lumabas dong alam mo naman na malalagot ako tas andito pa si Eli


From Levis:

Ako na bahala libre ko hahahaha oh G?


Abnormal pala to eh. Pero sabi niya libre hmm, total minsan lng to at babalik nanaman sya sa isang linggo haysss sge na nga.


Lumabas na ko ng room ko at mukhang nakatulog naman na si Eli. Dahan dahan ko namang sinara ung pinto ko saka dahan dahan na ring naglakad pababa ng hagdan. Mabilis akong lunabas ng bahay at ilang metro ang layo, kita ko naman si Levis naka hood pa parang kidnapper naman to.


"oh, bat ganyan suot mo? para kang mang hohold up dyan." sabi ko.


"grabi ka naman napaka bully mo talaga kahit kailan eh no? buti naman di ka nahuli."


"sempre tulog na ata yun. sana lng talaga tulog na kundi lagot talaga tayo"


"Anong tayo? ikaw lng aba idadamay mo pa ko hahahaha"

Eh kung kutusan ko kaya to?


"Ewan sayo tara na kain na tayo napagod ako sa paghahanda ng dadalhin bukas, sayang at di ka na dito nag aaral edi sana kasama ka bukas." sabi ko. Tumawa naman ang kumag saka kami sumakay sa kotse niya. Pero ang akala ko eh dadalhin niya ko sa isang fast food chain, nandito kami ngayon sa isang 24 hours na mall. 


"bat dito? ice cream lang naman kakainin natin sabi mo" tanong ko sa kaniya ang layo kasi nitong pinuntahan namin para lang sa isang ice cream?

The Three Bullies And MeWhere stories live. Discover now