Hayssss saturday nanaman, wala pa naman sila tita dito dahil maagang umalis papuntang ibang bansa para sa kanilang meeting sa isang sikat daw na negosyante na kanilang magiging ka partner.
napag isapan ko nalang na mamasyal na lamang dito sa isang park ,malapit lang naman dahil nasa loob lang ng tinitirhan naming exclussive village. naligo na muna ako at nag handa ng susuotin. hindi naman kasing bongga kasi nga sa park lang naman ang punta ko eh. Saka mamayang hapun pa daw ang party na sinasabi ni Reyan kaya magpapalipas nlng ako ng oras sa park total ayaw naman akong makita ng pinsan ko dito tapos andito din mga barkada nya.
Isa pa pala may alaga din namang akong aso, si Chichay isang chowchow regalo ni Levis sakin noong 15th birthday.
"baby, gusto mo bang sumama kay mommy?" tanong ko dito.
"aw aw" sagot niya angkyot talaga ng aso na to.pagpunta namin sa park, may nadaanan kaming aso at napaka cute pa naman. at mukhang nawalay sa kaniyang amo. "asan ang amo mo cutie?" tanong ko dito. "ako ang amo niyan miss. Bakit?" teka nga. mukhang kilala ko kung sino toh ah, pag tingin ko sa likuran, nakita ko si Reyan.
"sayo ba tong aso?" tanong ko sa kniya.
"ahmmm... oo eh bumili muna kasi ako ng shake dito." paliwanag nito.
"ahh ganun pala. sige mauna na kami." paalam ko dito.
"sa park ka din ba pupunta? kasi kung doon, doon din ako pupunta. sabay nalng tayo?" Sabi nito.
"hello? Alis? hoyyyyyyy" sigaw nito. na nagpabalik sa aking wisyo.
"ah ano? hehehe" mapahiya kong saad dito. "hello? kanina pa kaya kita kina kausap pero tulala ka lng diyan. may sakit ka ba?" tanong niya at sinubukang ilapit ang kamay nito sa noo ko kaya agad ko itong inilayo.
"wala akong sakit ok? may naiisip lng ako, wag ka nga lumapit."
"Alam mo? Sa lahat ng pangit ikaw pinaka masungit" bigla nitong salita. "Bat ba? Baka nkakalimutan mo ano pinaggagawa nyo sakin?" Sagot ko dito. Nakakainis talaga tong lalaking to, daming alam.
"Malapit lng yung perya dito diba? Yung may mga rides?" Tanong niya. "Oo, bakit?" I asked him back.
habang nag lalakad kami, tahimik lamang at nakaka awkward lang ng feeling. "ahmm..taga dito ka din pala?" tanong niya. hayssssss salamat at nagsalita na rin siya. "ah oo dito lang din hhhehe" sagot ko sa kniya.
"bat mo naman palang naisipan na pumunta dito?" Tanong niya ulit. Bat ba andaming tanong ng lalaking to? Kelan pa to naging interesado sakin?
"wala lang. boring lng ksi sa bahay kasi wala sila tita may pinuntahang meeting sa ibang bansa kaya naisipan ko nalang na mamasyal at isama tong alaga ko kesa naman ang makasama ang pinsan ko" sagot ko sa kaniya.
"bat ayaw mo namang makasama ang pinsan mo ?"
"palaging mainit ang ulo nito sa akin eh. di ko nga alam eh kung bakit ang laki ng galit non sakin" paliwanag ko sa kaniya. "Teka nga, bay ba andami mong tanong?"
"Wala lang, gusto lng kita makilala aba pasalamat ka pa nga at kinakausap kita, yung mga chix sa school halos lalabas na harapan nila para magpapansin tapos ikaw sinusungitan mo ko? Tss" sabi niya.
"eh ikaw? bat ka pumunta dito?" tanong ko naman sa kniya. "tulad mo, wala din dito ang mga magulang ko kasi may pinuntahan din para sa kompanya. Ang kaibahan lang ay ako lang nag iisa sa bahay. wala akong kasama. laging tong aso ko lang lagi saka mga kasambahay, sina Meishuo at Jake panigurado tulog pa yun." Sagot naman nito sa akin. hyss, parang magkatulad lng din pala kami, siya may natitirang magulang pero parang wala lang naman, mag isa lng pala to sa buhay pero nakukuha lahat ng gusto kaya spoiled brat.
"Tara Reyan mag rides tayo!" Excited kong saad saka sya kinaladkad papunta sa perya, wala pa masyadong tao kasi di pa naman gabi.
"T-teka Alis di pa kasi ako nakaksakay ng rides, mglakad lakad nalng tayo" saad niya habang napakamot ng ulo ankyot hahaha saka teka, di pa sya nakakasakay? Boring naman ng life niya may naiisip ako hmmm it's payback timee
"Tara na, rides tayo wag ka mabahala kasama moko" paninigurado ko sa kaniya at alm kong mag eenjoy sya dito HAHAHAHA
"sige, basta wag moko pabayaan kundi papasalvage kita"paninigurado niya. "Oo nga!
Una naming pinuntahan ang ferries wheel. Habang nasa loob pa kami ng
Ferries wheel, parang di na sya napapakali. "Alis pano pag nahulog tayo sa taas nito? Wag nalang tayo tumuloy?" Sabi niya pfftt natatawa ako. "Ano ka ba, wag ka matakot di tayo mahuhulog basta kumapit ka nang mabuti dyan.Magkaharap kasi kami ng inupuan. Nang unti unti nang umaandar pataas, bigla syang napakapit ng mhigpit habang nakapikit hahahahaha "Alis, di ko kaya mamamatay ako dito baba na tayo please, promise di na kita ibubully" pakiusap niya habang nakapikit pa din at namumutla sa takot. Natatawa ako na naaawa.
"Hali ka, lipat ka dito sa inuupuan ko para di ka matakot" alok ko sa kanya. "Ayoko bumitaw baka mahulog na ko Alis" sagot nya habang nkapikit pa din at habang papalapit na kami at papataas, kitang kita na ang tanawin at buong syudad.
"Sige na, magtiwala ka sakin, di kita pababayaan Reyan. Kumapit ka sa kamay ko at hihilain kita paupo dito sa tabi ko." Paninigurado ko sa kaniya, sayang naman kasi kung di nya makikita ang tanawin sa ibaba napakapresko pa ng hangin, it would be the best experience for him. Unti unti niyang binuksan mata niya. "Wag ka munang tumingin sa baba, sakin ka tumingin" sabi ko.
Inabot ko sa kaniya kamay ko at unti unti niyang inabot hanggang sa bigla ko siyang hinatak kaya success ang paglipat niya. Pumikit siya ulit habang nakhawak pa din ang kamay nya sa kamay ko at ang isa ay nakahawak sa gilid.
"Buksan mo mata mo, tingnan mo ung tanawin" saad ko. Unti unti niya namng binuksan at nang maaliw na siya, napatingin sya sa paligid habang manghang mangha ang mukha. "Oh diba sabi ko sayo eh maganda dito. " tumingin lng sya sakin saka ngumiti ung ngiting di pilit. Kaya pala daming babae naghahabol dito kahit salbahe, gwapo pala talaga. Jusko ano ba tong sinasabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/165010925-288-k884205.jpg)
YOU ARE READING
The Three Bullies And Me
Teen FictionA story between love and friendship. Would you rather choose your love? Or to keep your friendship? Would Alis will choose the one she loved or the one who loved in her? Or worst, more than 1 lover.