Ilang araw na ang lumipas di pa rin kami nagpapansinan ni Levis. Nakakatampo lang kasi eh. Matagal na pala siyang pinapupunta dun tapos kahapun lng niya sakin sinabi. Pero ano namang karapatan kong pigilan siya? Eh dad niya na yun tapos kailangan pa siya ng kompanya nila.
Ilang araw na din siyang nag te text kaso di ko lang ni rereplyan. Naisip kong pabayaan nalang siyang pumuntang London.
Babalik pa naman siya diba? Babalik pa.
To pangit:
Levis, magkita tayo may sasabihin lang ako.
Message sent..
Hayssss, ito na. Mahihiwalay na kami ng best friend ko wala ng magtatanggol sakin pag may nang aaway, wala ng mangungulit sakin lagi. Mamimiss ko siya eh. Tumutulo na tuloy luha ko
*Beep beep*
Baka siya na yun kaya lumabas nko ng bahay nakita ko siyang nakasandal sa sasakyan niya ng nakangiti. Ang ngiting mamimiss ko.
"Ohh di ka ba masayang nakita ako?" Sabi niya at niyakap niya ko. "Saan mo gustong pumunta?"
"Ahmmm... Kahit saan nalang Levis"
"Hmmm. Sige tara na"
Naiisip ko palang, nalulungkot na ko. Tahimik lang kami buong biyahe ang awkward lang namin haysss..
Nang tumigil na ang sasakyan, napahanga ako sa sobrang ganda isang tagong pasyalan dito samin. Ngayon palang ako nakapunta dito pero grabe lang. Ang ganda tignan
"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya.
"Oo naman. Ahmm Levis."
" Ano yun?"
"Payag na ko at tanggap ko ng aalis ka at iiwan mo ko"
"Alis naman, alam mo bang nahihirapan ako? Kahit ayoko pero wala akong magawa. Sorry pero pangako babalik naman ako eh" Sabi niya at niyakap ulit ako.
"Heheh oo naman alam ko namang babalik ka eh. Basta ingat ka dun ha? Wag kang magpapabaya,wag moko kalimutan Levis ah?"
"Oo naman noh! Ikaw pa? Lagi ka naman dito sa puso ko eh" Pahina niyang saad na di ko masyado narinig.
"Ano? Di ko narinig sinabi mo yung sa huli"
"Wala, sabi ko di kita kakalimutan. Bukas na pala ng gabi ang flight ko papuntang London" saad niya na nagpalungkot nanaman sakin. He's been my brother na din kasi mula pa nang mga bata pa kami.
"Ahhh. Sige sasama ako papuntang airport ihahatid kita." Sabi ko habang nakangiti. Ayoko namang iisipin niya nalang ako lagi, siguro oras na din na sanayin sarili kong mag isa.
"Sige. Ikaw din ah? Wag kang magpapabaya dito Alis, alam mo namang wala ng matatanggol sayu rito tapos may nangbubully pa sayo. Basta tandaan mo ah? Lumaban ka pag may nanakit sayo dito tapos tawagan moko lagi. Wag kang magpapagut--------"
" Oo na! Itoh naman eh tinext mo na kaya sakin yan. Basta mamimiss kita" putol ko sa sinabi niya. Nung isang araw pa sya nagbibilin bilin ng mga bagay ba gagawin ko eh.
"Mamimiss mo kagwapuhan ko?"
"Sira ka." At yun naglibot libot kami hanggang sa hapon na pala pero sulit yung pamamasyal namin, libre nya ko lagi sa foods kanina eh sabi nya ket ano daw gusto ko kainin kaya nang may nakita akong street foods, dun ko sya dinala at kumain. Busog na busog na nga ako, parang di nako kakain mamaya sa bahay.
"Andito na tayo Alis" napamulat ako ng dahan dahan, di ko namalayan nakatulog pala ako.
"Hmm oo nga heheh sige na pasok na ko. Ingat sa pag uwi Levis" paalam ko.
YOU ARE READING
The Three Bullies And Me
Teen FictionA story between love and friendship. Would you rather choose your love? Or to keep your friendship? Would Alis will choose the one she loved or the one who loved in her? Or worst, more than 1 lover.