Di ko alam pero excited ako sa pagpasyal namin mamaya sa mall ng kaming dalawa lang ni Reyan. Siguro di naman masama na simulan ang moment namin ng mag best friend diba? Hehehe..
Pagka uwi ko galing sa park ay agad na kong naligo at nag ayos para naman magmukhang tao diba?. Pinatuyo ko muna ang buhok ko gamit ang blower saka ko ito sinirintas na may mali-liit na buhok sa tinga ko since medyo kulot naman buhok ko.
Pagkatapos ay namili na ako ng susuotin. Hmm.. Ano kayang susuotin ko? Sa pag pipili ko ng damit at dresses ay may nagpakuha sakin ng atensyon. Pagtingin ko, WOW! AS IN WOW!
Di ko akalaing may damit pala akong ganun? Inaalala ko kung may nabili ba akong dress na ganun pero di ko maaalala. Baka damit yun na dala nila tita sakin kapag umuwi galing sa business trip nila hehe.
Sandali ko muna itong tinitigan at muling napamangha hehe. Ang ganda talaga eh! Sa unang tingin kasi, makikita mong simple lang ito ngunit sa pagtagal ay unti unti itong nag iiba ng anyo ika nga nila nag sha shine ito at tila isang dress na gawa sa dyamante.
Napagdesisyonan ko n lang na yun nlng ang susuotin ko hehehe. Ang ganda eh tapos first date ko pa naman toh. Date ng magkaibigan ha!? wag kayong ano!
Pagsuot ko ng damit, fit naman siya at sakto lng sa katawan ko na para ngang isinukat talaga eh at inferness kasi bumagay. Sunod naman ay kinuha ko ang necklace kong bilin daw sakin ng ina ko bago siya nawala. Isang silver necklace na may pendant na moon. Pagkatapos kong mag pabango ay agad nkong pumunta sa park gaya ng napag usapan namin.
IN PARK~
Pagkadating ko dito ay siya agad ang hinahanap ko. Di naman akk nahirapan dahil naka tayo na sya katabi ng kotse niya. Pagkalapit ko sa kaniya abaa! Lumabas ang kagwapuhan ng kumag ah."Reyan" Tawag ko rito at lumingon naman siya sa likod kung asan ako.
"...." Tanging reaction niya. Niwalang sinabi nakatingin lang sakin mula paa hanggang ulo. Opsss, baka ampangit tignan ng suot ko.
"Huyy!! Reyan bat ang tahimik mo?" Lapit ko sa kaniya at tinanong.
"Ahh w-wala y-you're so gorgeous" Sabi niya habang nakatulala lang. Pero di ko ma explain hehe nag iinit pisnge ko. Feeling ko namumula na hahaha..
"Salamat! Heheh halika na?" Aya ko sa kaniya. "Sige tara na". Pinagbuksan naman niya ako ng pinto at nang makapasok.
" Salamat" Pasasalamat ko rito. At saka siya ngimite ng matamis na kung siguro ibang babae pa ako, kanina pako nanglulupasay sa kilig pero dahil nga unique ako eh. Haha
Pagkapasok niya sa driver's seat ay nagsimula na siyang mag drive. Tahimik lang kami buong biyahe nang sa wakas ay mag salita siya.
"You really look good with your dress huh, pinaghandaan mo talaga toh?"
"Di naman, nakita ko lang sa cabinet ko tapos napansin ko toh kaya ito nalang din sinuot ko." Paliwanag ko dito
"Ah kaya pala. Pero alam mo Alis, pamilyar sakin yang damit mo" Pagkasabi niya non ay agad tumubo sa utak ko ang pagiging curious.
"Panu naman nasabi?"tanong ko sa kaniya.
" Ah kasi di ko lang maalala pero mukhang nakita ko na yan noon. Siguro nagkamali lng ako. Baka magkapareho lng ng damit. Wag mo ng isipin yun" Sabi niya.
Oo nga naman baka magkapareho lng pero sino kaya yun? Haysttt.. Kalimutan na nga.
Pagkadating namin sa mall, ay nag aya siyang kumain kaya sinundan ko nalang siya kung saan pupunta ng mabangga ako sa likod niya. Pag tingin ko, nasa Japanese restaurant pala kami hehehe at may nakahanda ng pagkain sa table namin! Ang sharap! Nagutom tuloy ako.
Pagkaupo ko sa table ay nilantakan ko na agad ang mga naka hain samin. Hehe ang sharap sharap naman nito. Nang makaramdam ako ng mata na nakatingin sakin, hala! May kasama pala ako hihihih..
"You're so cute" Sabi ni Reyan.
"Cute ka diyan, kumain ka na"At nagsimula na rin siyang kumain. Nang matapos kami ay agad niya akong inaya na mag sine hehehe.
"Anong gusto mong movie na panunuorin natin Alis?" Tanong nito.
"Gusto ko horror Reyan" Sagot ko naman
"Ahh ehh sige" Nag aalangan niya pang sabi pero sumunod din naman.Pagpasok namin sa loob, tamang tama kasi kakasimula palang ng movie. Ilab it!
Nakakatakot nga talaga pero kaya lang naman eh pero pagtingin ko kay Reyan naka suk suk sa gilid ahhaa. Natatakot siya. Ang cuteeeeeee!
"Natatakot ka ba Reyan?" Tanong ko sa kaniya.
"Ahh oo eh ayoko sa mga horror na palabas."
"Eh bat ka pumayag na manuod ng horror?"
" Eh gusto mo eh sige na manuod ka na diyan. Tapusin nalang natin toh" Sabi niya. Kaya nanuod nalang din ako.
Nang matapos na ang palabas at bumili kami ng ice cream kasi nakakauhaw kaya. Hehe peboreyt ko din tong ice cream eh.
"Saan tayo Reyan?"
"Sumunod ka sakin, may surpresa ako sayo." Sabi niya at sunundan ko nalang din siya.
Di ko alam kung saan kami pupunta pero may natatanaw akong lights sa dulo. Pero huminto siya sa paglalakad.
"Bat ka huminto?" Tanong ko.
"Pipiringan kita papunta doon"
At agad siyang pumunta sa likod ko at nilagyan ng piring ang mga mata ko.Habang naglalakad kami at tahimik lang din siya kaya di ko mapihilang magtanong. " Ano ba kasi surpresa mo sakin?"
"Basta. Kung sasabihin ko sayu, di na surprise yun ok?. Andito ma tayo pwede mo ng tanggalin yang piring mo."
Pagtanggal ko, wowwwwwwwwwwwwwwww!!! Isang mahabang wow! Ang ganda ng lugar parang garden na puno ng mga lights at flowers! Ang presko din ng hangin. Ang romantic naman.
"Nagustuhan mo ba?"
"Oo naman noh! Ang ganda kayaaa!! Thank you Reyan" At niyakap ko siya dala ng pasasalamat. Siya palang kasi ang taong nag surpresa ng ganito sakin buong buhay.
"Wala yun, hehehe pasasalamat ko din kasi naging kaibigan na kita. Di pa diyan nagtatapos noh! May isa pa. Bilang ka ng 1-3"
1
2
3
"Fireworkssss!! Ang ganda!." Huhu naiiyak ako nang bigla akong may naalala. Di klaro ang mga mukha pero parang isang 15 years old na babae kasama ang papa niya at mama. Masaya sila habang nanunuod ng fireworks display. Sumakit bigla ang ulo ko.
"Ayos ka lang ba Alis?"
"Ah oo ang ganda talaga Reyan. Maraming salamat dito"
"Walang anoman yun. Masaya akong nagustuhan mo". Sndali pa kaming nagmuni muni doon saka naisipang umuwi kasi gabi na din.
TO BE CONTINUE..
THANK YOU FOR READING THIS STORY😘 you can sent your thoughts about this story in the comment box and i will read it all.
Saranghae~ ❤
YOU ARE READING
The Three Bullies And Me
Ficção AdolescenteA story between love and friendship. Would you rather choose your love? Or to keep your friendship? Would Alis will choose the one she loved or the one who loved in her? Or worst, more than 1 lover.